Chapter 55

96 4 2
                                    

Tatlong araw na ang nakararaan ngunit hindi pa rin nagpakita si Coleen kay Billy pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa.

Alam ni Billy na hindi intensyon ng girlfriend niya na siya ay saktan, dahil kung iyon ang balak nito edi sana nung una palang kinagat na siya nito 'di ba? At bilang ito'y isang bampira, sinusubukan niyang intindihin ang nangyari. Na isa lamang iyong aksidente na dapat nang kalimutan.

Kahit na gusto niya na agad itong kausapin kinabukasan, pinili niya na lang na bigyan muna ito ng espasyo para makapag-isip ito ng maayos at wala ng makaramdam pa ng awkwardness 'pag nagkita sila ulit.

Nakagawian niya na talaga na tumabay saglit sa balcony para magpahangin sandali bago tuluyang magpahinga. Ito na ang ikatlong gabi na matutulog na naman ng walang katabi.

"Tiis-tiis muna Billy." Sabi niya sa kanyang sarili para maibsan kahit na papaano ang pangungulila sa babaeng iyon.

Ang atensyon niya ay biglang nabaling sa ibang direksyon kung nasaan ang pintuan nung marinig niya na may kumakatok dito.

Agad niya itong pinuntahan upang pagbuksan, at si Jonas ang tumambad sa kanya.

"Sir......"

SIMULA nung gabing iyon ay puro pagsisisi ang naging laman ng utak ni Coleen. 'Yung bagay na kinakatakot niya na magawa kay Billy ay nangyari na nga't walang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili.

Kung hindi niya lang sana pinairal ang kalandian niya ay hindi mangyayari iyon. Edi sana walang problema at okay pa sila hanggang ngayon. Mas lalo lang siyang naguilty sa mga pinaggagagawa nya. Hindi siya napakali sa bawat oras na nagdaan.

Naramdaman at nakita niya ang takot sa mga mata ni Billy nung pinakita niya ang iba niyang anyo rito, kaya kung tuluyan itong masisindak sa kanya ay tatanggapin niya. Basta ang mahalaga ay maayos niya ito.

Kaya siya napagdesisyunan niya na magpakita na rito at umunta sa bahay ni Billy paka makapagpaliwanag at pormal na humingi ng tawad dito.

Maayos siyang tumuntong sa pamamahay nito ng hindi dumadaan sa balkunahe para naman may sense of formality.

Si Jonas ang una niyang nadatnan at tinanong niya kung nandoon ba si Billy. Nung napag-alaman niya na naroon nga ito ay nagpaki siya kay Jonas na sabihin sa amo nito na naroon din siya.

Para hindi naman mainip sa sandaling paghihintay ay napukaw ang kanyang mga mata sa maliliit na picture frames na nakadisplay sa living area.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya para tignan ang mga ito at 'di niya agad napigilang mapangiti nung baby picture agad ni Billy ang natanaw niya. Sa hugis ng bilugan nitong mukha at pati na rin sa pagngiti at mga mata ay alam niyang ang batang Billy nga ang tinitignan niya. Nung ilinipat niya ang kanyang paningin ay hindi na ito ang kasunod, si Kenneth na kaya inirapan niya lang ang litrato nito.

Puro kay Billy lang ang inatupag niya dahil nakakatuwa ang pagka-cute ng itsura nito noon, na ngayon naman ay isa ng ganap na matipuno at magandang lalake.

Kinikilig siya kapag naaalala niya ang kasalukuyang profile nito. Ngunit ang masaya niyang aura ay bigla na lang nag-iba nung may mahagip ang paningin niya isa pang picture frame ng dalawa pang lalake na hindi naman larawan ng magkapatid.

Ang kanina lang na nakangiti niyang mga labi ay walang anu-ano'y bumuka sa pagkagulat nung makilala niya ang isa sa dalawang nasa litrato.

"Please....Let her go!"

Nagbalik na naman sa kanyang alaala ang bangungot na iyon. Ang gabi kung kailan walang-awang pinatay ang kanyang Ina sa harapan pa niya.

'Yung walang-hiyang lalake na bigla na lang sumaksak kay Teresa. 'Yung lalake na nang-agaw sa maganda niyang buhay noon, at 'yung hayop na lalake na nag-iwan matinding galit sa puso't utak niya.

Ito iyon. Hindi masasabing namamalik-mata lang sita sapagkat tandang-tanda niya ang istura ng lalakeng 'yun.

Sa kabilang banda, sa pagkatuwa ay pag-umis ang agad na bumalot sa pagmumukha ni Billy nang malaman niya na si Coleen pala ang hindi niya inaasahang bisita kaya naman dali-dali siyang bumaba upang harapin ito.

Naabutan niya itong nakatayo at tila tumitingin-tingin sa iba't ibang classic pictures ng pamilya nila.

"Hey." Pasintabi niya pa rito at mabilis na hinalikan ang pisnge.

But the expression that was written on her face made him feel different. It was like: there was something wrong.

"W-who's this?" Nauutal na tanong ni Coleen kay Billy na ang hinlalaki ay nakaturo sa isang lalake na may matinding pagkakautang sa kanya.

Kinuha ni Billy ang frame upang tignan kung sino ang tinutukoy nito at ngumiti.

"Ah ito? This was Uncle Cid. Kapatid siya ng Dad ko......Oh magkatabi pa nga sila eh." Saad ni Billy habang nakaturo sa Daddy niya na namayapa na.

Nagulantang si Coleen sa narinig niya at natulala na lang habang nakatingin sa nagsasalitang ito.

"Ang kaso, hindi ko na siya nakilala pa. Dad told me that he passed away when I was just a month old. Though I don't even know the reason of his death until now." Dugtong pa nito.

Nanginig ang buong pagkatao ni Coleen sa kanyang nadiskubre. Ang mga balahibo niya ang nagsipagtayuan na. Nayukom niya ang kanyang mga palad upang pigilang lumabas ang kumukulong puot sa dibdib at utak niya.

Bakit siya pa?!

"Okay ka lang?" Pag-aalala bigla ni Billy nang mapansin niya na ang kausap niya ay nakatulala at pinagpapawisan ang maputla nitong mukha. Tinapik niya ang balikat nito pero muli na naman siyang nasindak sa galit nitong aura sa kanya.

At mayamaya pa nagkaroon bigla ng malakas na hangin at tsaka lang napag-alaman na wala na si Coleen sa kanyang harapan. Lumingon-lingon siya sa paligid para hanapin kung nasaan na ito banda, ngunit 'di niya ito natagpuan pa. Bigla na naman itong umalis sa 'di niya malamang dahilan.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin sa nangyari ngayon-ngayon lang. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ni Coleen sa kanya. Inakala niya pa naman na magkakaayos na sila ulit, mali pala.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon