Chapter 90

72 1 0
                                    

Ilang araw pa ang nagdaan bago si Coleen makarating dito; ilang araw ang binuno niya para ihanda at sanayin ang kanyang sarili para sa gabing ito. Nakatayo siya sa labas ng isang malaking bahay na nakatirik naman sa gitna ng kakahuyan kung saan malayo sa mga tao.

Ngumisi siya. Ang mga werewolf ay parehas din pala ng style sa pagpili ng bahay kagaya sa kanilang mga bampira. Marahil ay para makaiwas na rin sa mapanuring mata ng iba.

Actually pabor nga sa kanya 'yun eh dahil walang makakasagabal sa gagawin niya. Ang tagal niyang hinanap ang lugar na 'to, at ngayong natagpuan niya na, wala na siyang sasayanging oras pa.

Tinapon niya na ang stick ng lollipop na nasa bibig niya sabay hugot ng dalawang mahahabang espadang gawa sa pilak ang mga blade. Sa sobrang kati na ng mga kamay niya na makapatay ng aso ay agad na siyang pumasok sa loob at hinanap ang pakay niya.

Matapos ang halos kalahating oras na pakikipagbuno sa loob ay nakangiting lumabas si Coleen dala ang ulo ni Cassandra at parang bola niya itong inihagis sa sahig.

Hindi nabawasan ang galit sa loob niya pero ang sarap sa pakiramdam! Nakapatay siya ng werewolf na dapat ito ang makakapatay sa katulad niya.
Hah! Deserve niya 'yan!

Nagtamo rin naman siya ng mga sugat sa katawan sa pakikipaglaban niya sa isang 'to, subalit ayos lang. Mawawala naman ang mga 'yun pagkatapos ng ilang araw eh. Ang mahalaga nawala na ang pinakamalaking tinik sa buhay niya--nakabawi na rin siya sa ginawa nito kay Billy kahit papaano. Kulang pa ang kamatayan nito para sa ginawa ng babaeng ito sa lalakeng mahal niya, pero okay na 'to kaysa nganga.

Inakala siguro ni Cassandra na mananahimik na lang siya after ng panggugulo nito nung kasal niya. Duh! As if. Tanga lang ang ganun.

Sinunod niyang inihagis ang katawan nito at binuhusan niya ang mga labi nito ng dala niya maliit na bote na may lamang kerosene. Kumuha siya ng lighter at binitawan na ito sa bangkay. Nang magsindi na at unti-unti nang matusta ang patay na katawan sa harapan niya, nagpasya nang umalis si Coleen.

"Rest in hell, bitch."

Isa-isa nang nagsipag-akyatan ang mga magsisipagtapos sa stage upang kuhain ang kanilang mga diploma. Nung si Kenneth na ang kumuha ng katibayan niya ay hindi na napigilang maluha ni Anne habang pumapalakpak na  agad namang napansin ni Coleen.

"What is that?" She asked with a smirk.

"Nothing..." Mabilis na pinunasan ni Anne ang tubig sa mata niya.

"....I just can't believe na naka-graduate na si Baby Boy natin." Saad niya pa.

Napairap si Coleen nang hindi sinasayda sa sinabi nito.

"Ikaw lang naman ang nag-be-baby sa kanya."

Tatlong taon na kasi ang nakalipas simula nung mawala si Billy at silang magkapatid na ang umalalay at gumabay kay Kenneth kung saan tinuring nila ito na parang bunso na nilang kapatid. Wala rin namang magagawa si Coleen dahil ito ang nakasulat sa last will ni Billy kalakip ang 25% na hati ng mga ari-arian na iniwan nito para sa kanya. 50 para kay Kenneth, at 'yung natitirang 25% ay napunta naman sa charity.

500 million ang kabuuang value ng porsyentong iyon. Napakalaking pera kung iisipin subalit wala naman itong halaga para sa babaeng ito. Ano ang gagawin niya roon kung hindi niya naman makakasama si Billy? At naging instant guardian pa tuloy siya lalakeng ito.

"Mga Ate!" Masayang lumapit si Kenneth sa pwesto ng dalawang babaeng naghahantay sa kanya.

"Shut up! I'm not your Ate! Mas bata pa nga ako tignan kaysa sa'yo eh." Suway agad ni Coleen dito at ibinaling ang paningin sa iba.

Ikinibit-balikat na lang ito ni Kenneth. Sanay na siya sa mga ganitong pagsusungit ni Coleen kaya si Anne na lang ang pinansin niya. Pinakita niya rito ang hawak niyang nakarolyong papel.

"We're so proud of you......."
Nakangiting wika naman ni Anne dahil saksi siya kung paano nagsunog si Kenneth sa pag-aaral at isinasabay pa ang trabaho nito sa kompanya nila na alam niyang hindi madaling gawin, pero nagawa niya. Nakatungtong na ito sa pwestong pinangarap ni Billy para sa batang ito. 

"And I know siya rin."

Bahagyang nawala ang pag-umis sa mukha ni Kenneth nang maalala niya na naman ang nasira niyang Kuya. Nakakalungkot isipin na nakatapos na siya lahat-lahat, ni-wala man lang mga magulang at kapatid na nakakakita nito. Wala na siyang kamag-anak na magdidiwang sana kasama siya, yayakapin at ipagmamalaki siya sa iba.

Siya ang totoong depenisyon ng mag-isa, subalit nang igala niya ang mga mata niya sa kanyang paligid, nanumbalik ang paggaan ng pakiramdam niya. Andito sina Anne at Coleen, tapos dumating pa sina Jonas, JM, at Vhong para batiin siya sa panibagong milestone na narating niya. Kung iisipin, hindi talaga siya naiwang walang kasama. Hindi niya man kamag-anak ang mga ito, nanatili pa rin sila sa tabi niya ng walang hinihinging kapalit.

Napapansin niya naman ang tungkol dito, subalit ngayon niya lang talaga na-realize na hindi kailangang araw-arawin ang pagluluksa sapagkat ang daming dahilan para maging masaya. May mga pagkakataong malulumbay siya, pero maikli lang ang buhay para magpaapekto sa mga negatibong bagay. Kaya kung may pagdadaanan man siya, sisiguraduhin niyang dadaanan niya lang talaga iyon at hindi na siya magbabalak na tumambay pa. Lol!

"Thank you, Ate Anne." Tugon niya rito at tumingin sa iba pa niyang mga kasama.

"Thank you Jonas, Kuya Vhong, Kuya JM, thank you. Sinamahan niya ako hanggang dito kahit pa medyo pasaway ako, kahit pa hindi ako kasing-bait ng sarili kong Kuya. Salamat sa lahat....."

Nagulat naman ang tatlong kalalakihan sa ginawa ng batang ito. Lahat sila ay nabigla sa pasasalamat nito sa kanila. At dahil nga hindi sila prepared, napangiti na lang silang tatlo at ibinaba ang mga tingin sa sahig. Sa sobrang hiya ay 'di na nila mawari kung ano ang itutugon dito.

"And sa'yo rin, Coleen."

Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ni Coleen nang idamay pa siya ni Kenneth sa kadramahan nito.

"Kahit pa----"

"Oh sige na. Welcome." Agad niyang siningitan ang pagsasalita nito habang patango-tango sabay ngiti.

For her freaking sake! Wala siya sa mood makinig ng mga acknowledgement ngayong araw. Nakakaewan lang. Umirap siya at lumabas na mula sa maliit na auditorium na iyon para magpahangin at makaiwas na rin sa kadramahang namumuo sa loob.

.
.
.

Sampung taon pa ang lumpas, nagsitayuan ang mga bisita sa kani-kanilang mga kinauupuan nang i-announce na ng Pari na ganap ng mag-asawa ang bagong kasal.

Nakasimangot habang sapilitang pumapalakpak si Coleen sa kinatatayuan niya. Hindi niya mawari kung bitter lang ba siya o sadyang tinatamad lang talaga ang katawan niya na kumilos. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi niya makuhang maging masaya para kay Kenneth lalo pa't ganito rin sana ang kinahantungan niya kasama ang taong nag-iwan ng malaking lamat sa puso niya. Ang kaso iba eh, iba 'yung kwento nila sa love story ni Kenneth at ni Chloe na asawa na nito ngayon.

Ibinaling niya sa iba ang paningin niya upang subukang pahupain ang malungkot na pakiramdam sa loob niya. Ngunit pagtingin niya sa gawing kanan, mas lalo pumait ang timpla niya.

Anne was cheerfully making an applause as her right arm clung on her gentleman friend. Nagpapalitan ng matatamis na tingin ang mga ito na kanina nagpapa-hiss kay Coleen.

Si Anne na nga lang ang itinuturing niyang forever, nakahanap pa ng iba. 'Yung selos na naramdaman niya noon kay Billy ay siyang kumakatok na naman sa kanya ngayon. Ang kapatid niya ay may iba na talagang pinagkakaabalahan bukod sa kanya. 

Bumagsak ang mga balikat niya at umirap muli. Ano nga ba ang magagawa niya kung ang puso ni Anne ay tumibok na naman para sa isang tao? Maligaya ito sa piling ng lalakeng 'to eh, kitang-kita niya iyon. Hindi niya man maamin sa sarili niya ay may parte pa rin sa kanya na natutuwa sa kasayahan nito. She deserved it. Sa mismong oras na ito ay na-realize niya na ang tagal na rin pala simula nung makita niya itong masaya talaga, kasiyahan na higit pa sa naibibigay niya.

Somehow, okay na siya roon. Kaysa naman parehas silang nganga, parehas silang malungkot. Mabuti na 'yung isa sa kanila ay masaya.

Siya? Bahala na.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon