Chapter 84

65 3 0
                                    

Mula sa napakahabang gabi na nangyari, nakauwi na ang magkapatid sa kanilang tahanan.

Dahil nga sa nangyari ay may damage control na namang ginawa si Anne sa mga taong nakasaksi sa 'di naman dapat masaksihan ng iba. Minanipula niya ang mga isipan ng mga ito na maging kalmado lang at huwag magsasalita sa iba tungkol sa bagay na nakita nila.

Sanay siyang mag-compell sa isang tao lang kaya hindi naging madali ang ginawa niya, subalit alam niyang mas nahihirapan ang kapatid niya sa mga nangyayari lalo pa't sa mismong araw pa talaga ng kasal nila ni Billy may nangyaring 'di kaaya-aya.

Nakita niya rin ang pananakit ng lalakeng ito sa kanyang kapatid pati na ang kakaibang anyo nito na hanggang ngayon ay wala pa siyang ideya kung paano nangyari dahil batid niyang hindi niya naman nakasabay si Billy sa laboratory na pinanggalingan niya noon. Marami namang maging posibling dahilan, subalit 'di siya sigurado. Ang bagay na alam niya lang ay nagtransform si Billy bilang isang lobo ngunit hindi gaanong kapareha ng mga taong lobo na siyang nagmula sa lugar na pinagmulan niya rin.

Kaya paano?

Ang pag-iisip sa mga bagay-bagay ay saglit na nahinto nang matunton na ni Anne ang pintuan ng silid ni Coleen. Pagkatapos ng ilang pagkatok sa pinto ay binuksan niya ito at nadatnan niya itong nagbibihis. Ngunit  pagkabahala ang unang tumama sa kanya nung makita niya ang mga sugat sa likod nito;mga galos na gawa ng mahigpit na pagkakahawak ni Billy sa likod ng kapatid niya na nagmula naman sa mahahaba nitong mga kuko, at maging sa mga oras na ito ay hindi pa rin hustong gumagaling.

"Didn't I told you na huwag ka munang maglililikot?" May bahid ng pag-alala sa tono ni Anne habang inilalagay niya ang dalang pagkain sa night stand.

"Why should I? Wala akong sakit at kailangan ko pang hanapin si Billy." Malamig na tugon naman ni Coleen matapos niyang i-clasp ang hook ng bra niya at isunonod naman ang inihanda niyang T-shirt.

Napabuntong-hininga si Anne.

"Hanapin? Saan? Ang init-nit sa labas. Gusto mo bang matusta ng buhay? Baka nakakalimutan mo na sensitive ang balat natin sa araw."

"I don't care." Dinampot ni Coleen ang isang makapal na coat na pinahiram noon ni Billy sa kanya at tsaka umakmang lalabas na sa kanyang silid. Subalit bago pa man siya makagawa ng kahit na anong hakbang ay naharangan na ni Anne ang daraanan niya.

"No, you're not going anywhere. Nag-aalala rin naman ako para sa kanya, pero buong magdamag ka ng naghanap kay Billy at ilang oras pa lang ang nagdaan simula nung umuwi ka kanina. Wala ka pang pahinga." Mahinahon at buong pag-aalalang pahayag ng kanyang nakatatandang kapatid na mas lalo namang nagpabigat ng loob niya.

"Hindi ko kailangang magpahinga! Naiintindihan mo ba 'yun, Anne?" She snapped.

"Well, you're not on my place so you won't understand!" Pagbulyaw ni Coleen at halatang-halata na ang pinaghalo-halong emosyon na mayroon siya dahil sa mga nangyayari; kasama na rito ang galit at inis na naiintindihan naman ni Anne kung para saan.

Yumuko si Coleen at hinayaang bumagsak ang isang patak ng luha na namuo sa kaliwa niyang mata.

"Hangga't alam kong hindi pa siya nakakauwi ng maayos ay hindi ako mapapakali. Hangga't hindi pa ako sigurado kung ano na ba ang nangyayari sa kanya ay mas lalo lang akong maguguluhan. I don't even have any idea of what he's going through right now and that scares me a lot. Baka saan na siya napunta or baka napaano na siya. And I....." She inhaled deeply as she tried to conrtol her flowing tears. And she exhaled it heavely.

"......I fear na baka hindi ko na siya makita ulit." Doon ay nagsibagsakan na talaga ng tuluyan ang mga luhang sinubukan niya pang pigilan. Ang hirap eh. Ang hirap ng sitwasyon niya lalo pa't alam niyang darating ang isang sandali na mawawala si Billy sa kanya, pero hindi pa siya handa at natatakot siya na baka nangyari na nga--na huli na 'yung pagsulyap niya sa mukha ng lalaleng pinakamamahal niya kagabi.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon