Gamit ang tuwalya, pinunasan ni Coleen ang kanyang buhok hanggang sa maging katamtaman na lang ang pagkabasa nito. Binalot niya ang katawan niya ng isa pang malinis na towel at lumabas na sa banyo para makapagbihis na.
Nakita niya si Billy na kasalukuyan namang nakaupo ng nakatalikod sa kanya at tila hindi namalayan na tapos na rin siyang maligo.
Saglit siyang ngumisi at tahimik na dumiretso sa walk-in closet nito. Narealize niya na hindi niya na pwedeng gamiting pantulog ang mga damit na suot niya kanina dahil para sa kanya ay ang pangit gawing pantulog ng skinny jeans at hoodie. 'Di siya magiging komportable 'pag ganoon.Iniscan niya ang mga damit ni Billy at isang puting loose shirt ang natipuhan niya. Sa liit ng kanyang pangangatawan ay nagmukhang dress ang T-shirt na suot niya.
"Pwede na 'to." Saad niya.
Pagkalabas niya ay wala na siyang nadatnang tao sa paligid ng kwarto. Siya na lang mag-isa at 'di niya alam kung saan si Billy nagpunta.
Una niyang kinuha ang phone niya't dinial ang number nito.
"Asan ka?"
"Nasa kabilang kwarto. Bakit may kailangan ka?"
"Ano'ng ginagawa mo dyan?"
Binuksan ni Coleen ang pinto ng kwarto ni Billy at lumabas. Maraming mga pintuan ang tumambad sa kanya kaya nalito siya kung nasaan ba talaga ang lalakeng ito.
"Dito ako matutulog." Sagot naman ni Billy sa kabilang linya, at doon ay narinig ni Coleen ang boses nito sa silid na nasa gawing kanan. Linapitan niya ito.
"Seriously? Hahayaan mo 'kong matulog ng mag-isa?"
Napapikit si Billy sa itinanong ni Coleen sa kanya. Gusto niya lang naman dumistansya kahit na ilang pader lang sapagkat baka 'pag nakita niya ito ay makalimutan niya na pinipigilan niya ang sarili niya na maakit at makagawa ng kung ano.
"Um....Uh.... Ano kasi eh...."
"Ano'ng ano? Lalabas ka dyan o ako ang papasok sa loob?"
Sa pagkataranta ay agad na tumayo si Billy, at nakatayo na si Coleen sa tapat ng pintuan pagkabukas niya ng pinto.
Siya naman ang natulala pagkakita sa napakainosente nitong mukha na nakatingala sa kanya. Bahagya siyang napaatras nung humakbang ito papasok at linock pa ang pinto. Mas lalo tuloy siyang kinabahan sa ginawa nito eh.
"A-ano bang kailangan mo?" Nanginginig niyang tanong matapos niyang mapansin ang mapuputing binti nito na hindi na masyadong maputla tulad kanina. Nagtataka nga siya eh kung bakit paiba-iba ng anyo ng balat nito.
"Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos mo 'kong iwan?"
Napagitla si Billy sa tono ni Coleen. Para kasi itong galit dahil sa ginawa niya. Ang totoo ay gusto niya lang naman sana itong inagatan.
Naglakad siya palapit dito at yinakap ito mula sa likuran.
"Hindi kita iniwan. Naninibago lang ako sa idea na matutulog tayo sa iisang kwarto." He said.
Nakaramdam si Coleen ng pagkakiliti sa boses nito tumatama sa kanyang leeg. At 'yung bedroom voice nito ay nakapagpatindig sa mga balahibo niya. Isama pa ang maiinit nitong mga braso na nakalingkis sa kanya, iyon na yata ang pinkakomportableng posisyon para sa kanya.
Ngunit hindi niya pa nga gaanong nalalasap ang oras na iyon ay bumitaw agad ito at ang kamay niya naman ang inangkin ni Billy.
Ngumiti ito sa kanya at mayamaya pa ay hinila na siya palabas ng kwartong iyon upang bumalik naman sa orihinal nitong silid kasama siya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, pero nakikita niya na magugustuhan niya ang ano mang balak nito.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...