Chapter 83

54 2 0
                                    

Nagsimula nang magsalita ang Paring kaharap nila. Inakala ni Billy na panandalian lang at mawawala rin agad ang mga kakaibang nararamdaman niya, ngunit nagkamali siya.

Ang pagkahilo ay napalitan na ng matinding pagsakit ng kanyang ulo na para bang hinahati ito sa dalawa. Kasabay noon ang patuloy na pagbilis ng tibok ng puso niya kaya hindi niya maintindihan kung aatakehin ba siya o ano.
Basta abnormal ang nararamdaman niya ngayon.

Patuloy lang ang sakit na nararamdaman niya kaya naman ay 'di niya maiwasang saglit na mapayuko habang pasimpleng iniinda ang mga ito. Isang beses na ibinaling niya ang paningin niya sa ibaba nang hindi sinasadya, nahagip ng kanyang mga mata ang kamay niya kung saan ito ay mayroon ng mahahabang balahibo na pinaka abnormal talaga sa lahat ng nararanasan niya ngayon.

Teka nga, lately madalas na nga siyang tinutubuan ng mahahabang buhok sa kung saan-saang bahagi ng katawan niya na dati ay hindi naman nangyayari.... Ano 'to, nagkakaroon na ba siya ng balahibo na parang sa aso?

Ang pagtatanong sa kanyang sarili ay mas lalo pang tumindi nang makita niya ang unti-unting paghaba ng mga kuko sa mga daliri niya sa kamay na sapat na para makapanakit sa sobrang tatalas. Doon ay naalarma na siya sa kanyang kalagayan.

Sa takot na gumawa ng eksena sa harap ng mga bisita nila ay pinili niyang i-sekreto ang pinagdadaanan niya sa mga oras na ito. Hindi siya sigurado sa susunod pang mangyayari at nahihiya siyang makita ni Coleen ang kakaibang nangyayari sa katawan niya kaya naman hangga't maaari ay lumayo na siya.

Sa pagkabigla sa binuhat ni Billy ng walang pasabi ay medyo napatulala na lang si Coleen. Hindi agad rumehistro sa utak niya kung ano'ng nangyari. Ano'ng ganap at bigla na lang siyang iniwan ng Groom niya?

Akmang susundan na ni Kenneth ang kapatid nito, ngunit napigilan agad ito ni Coleen.

"Ako na...." Saad niya rito na kagaya niya ay naguguluhan din sa nangyayari.

'Di na gumawa pa ng panibagong hakbang si Kenneth at hinayaan na ang babaeng ito na kumausap sa kanyang Kuya.

Bago umalis ay kalmadong lumingon si Coleen kay Anne at sinabing

"Huwag kayong susunod." At pagkatapos noon ay nagmadali na siyang naglakad sa direksyong dinaanan ng fiancé niya na dapat sa oras na ito ay ganap niya ng kabiyak. Naantala pa kasi eh!

Pagkalabas, bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang mapag-alaman na hindi ito gaanong lumayo tulad ng inaasahan niya. At least 'di niya na kailangang magpunta pa sa kung saan para lang hanapin at kausapin ito.

"Love....." Sambit niya habang dahan dahang lumalapit sa kinaroroonan nito.

"......what's the matter? Is everything all right?"

"No! Don't come nearer. Stay away from me!"

Napagitla si Coleen sa pagtataas ng boses ni Billy sa kanya at ang tila paghahabol pa sa hininga nito ang bahagyang nagpahinto sa kanya sa balak na tignan ang kalagayan nito.

Dinig na dinig niya rin ang malakas na kabog sa dibdib ng lalakeng minamahal niya pati na ang parang pagwawala ng mga ugat sa katawan nito. Sa mga nase-sense niyang kundisyon ni Billy ay mas lalo siyang nababahala at nag-aalala para rito.

Nakahilig ang isang kamay ni Billy sa kotseng nasa harapan niya na nagsisilbing suporta sa kanyang katawan para lang 'di siya matumba. Ang kakaibang pakiramdam ay lalo pang tumindi nang mapansin niya na nakatayo lang si Coleen sa kanyang likuran. Ang presensya talaga nito ay kanina pa nagpapatayo ng kanyang mga balahibo at nagpapainit ng kanyang ulo.

Walang sapat na dahilan pero bawat buga ng hininga nito na hindi niya maipaliwanag kung paano niya naririnig at bawat lulon sa lalamunan nito ay tila gusto niya na itong sunggaban at lapain hanggang sa magkalasog-lasog ang mga laman nito.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon