Chapter 51

115 5 3
                                    

"Ang mga pinagdaanan ko noon para lang maging kung ano ako ngayon ay sobrang mahirap na hindi mo na naranasan pa.

Bata ka pa noon kaya wala kang naaalala sa mga nangyari. Pero sinasabi ko sa'yo; hindi siya magiging katulad natin kung hindi siya sasailalim sa mga prosesong pinagdaanan natin noon. Malayong-malayo sa mga napapanood sa mga pelikula or nababasa sa mga kwento na isang kagat lang, mahahawa na. Sa atin iba.

Huwag mo na sana siyang idamay pa sa sumpang mayroon tayo. I think it's better to spare him with your selfishness than putting him in a situation that's not really meant for him."

Ang mga katagang iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Coleen kanina pa. At nadala niya ito pati sa pagpasok niya sa Academy.

Sa kanyang paglalakad sa hallway ay malalim ang iniisip niya tungkol doon dahil gusto niya talagang magtagal ang pagsasama nilang dalawa ni Billy. At ang paggiging kapwa-bampira lang ang naisip niyang sulusyon dito. Ngunit sa mga nalaman niya ay pagka-down lang ang nakuha niya.

Tila ang pagkakaiba nila ng pagkatao na talaga ang nagsasabi na dapat na siyang maghanda sa mga mangyayari.

"Oh, look at this slut."

Biglang nagpantig ang mga tainga niya kasabay ng pagkunot ng kanyang noo sa kanyang narinig. Kaya ang pag-iisip niya ay napalitan ng pagkainis.

Liningon niya ang mga babaeng nagsabi sa kanya ng mga salitang iyon at isang masamang tingin ang una niyang pinakita sa mga ito.

Ngayon niya lang napag-alaman na ang mga babaeng iyon pala ay ang mga babae rin na parati siyang pinagbubulung-bulungan sa tuwing dumarating siya. At ngayon ang lakas ng loob ng mga ito na tawagin siya sa ganoong salita.

"What did you just call me?" Marahan pero ang tono niya ay nanggigigil na sa galit.

Ang tatlong babae naman ay imbis na matakot, nag-smirk pa dahilan para lalong mag-init ang ulo ni Coleen sa kanila.

"Why you seem so shocked? Totoo naman 'di ba? At first, si Kenneth 'yung nilalandi mo. Ngayon naman 'yung Kuya niya. So ano ang tawag mo doon?" Mataray na tanong pabalik pa sa kanya ng babaeng nasa gitna na akala nito kung sinong maganda, puro pintura naman ang mukha.

Naningkit ang mga mata niya nung nagtawanan pa ang mga pangit na 'to.

"Wait, meron pa. Hindi ka naman anak ng mayamang businessman or even a politician. Ang family mo hindi rin kilala. In short, mahirap ka lang. You're a gold digger na naligaw sa academy na 'to at dinidikit ang sarili sa mga Greyson." Paratang pa ng isa at muling nagtawanan ang mga ito.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na pinalagpas pa ni Coleen ang matatabil na dila ng mga ito. Ang kamay niya na kanina pa nangangati na makapanakit ay naglanding ng malakas sa mga matitigas na mukha ng mga babaeng ito.

Magkakahelera ang tatlo kung kaya't ang pagsampal niya ay dire-diretso na ikinagulat talaga ng mga 'to.

Kung mga maldita sila, mas maldita siya.

"First of all, bitches, kasalanan ko bang ipinanganak akong MAGANDA 'di katulad niyo para mapansin ng mga lalakeng NEVER na mapapa-sainyo?" Taas noo niyang pinamukha sa mga mahaderang ito ang bagay na walang-wala sa kanila.

"And para sabihin ko sa inyo....." Tinignan niya isa-isa ang mga ito mula ulo hanggang paa.

"Kayang-kaya ko kayong bilhin, just name your fucking price. Oh....." She smirked.

"No. Let me take it back. I don't patronize CHEAP things." Dugtong niya pa at ang mga brats naman ang umusok ang mga ilong sa galit tungkol sa binitawang mga salita ni Coleen sa kanila.
"How dare you to call me cheap!" Bulyaw ng isang babae na nasa gitna na tila leader ng mga ito at akmang sasambunutan na siya, ngunit mabilis ang agility ni Coleen kaya naman naiwasan niya ang pagsugod ng babaeng ito. Ang ending, nadapa ito sa sahig na pinagtawanan naman ng mga iba pang estudyanteng nakakita.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon