Chapter 53

99 4 0
                                    

Nanonood ng palabas sa telebisyon si Anne sa sala ng bahay nito. Ngunit hindi niya maituon ang atensyon sa pinapanood dahil kanina niya pa napapansin ang kanyang kapatid na nakasimangot at tulala habang nakabaling ang paningin sa kung saan.

Kinuha niya ang remote at hininaan ang volume ng TV at pagkatapos ay hinarap niya si Coleen.

"Okay ka lang?" Tanong niya at sinuklay ang ilang hibla ng buhok nito gamit ang kanyang mga daliri.

Naglabas ito ng mabigat na hininga.

"I'm just bored." Walang emosyong sagot pa ni Coleen na nakapagpatawa ng kaunti kay Anne.

"Always naman eh."

Biglang kumunot ang noo ni Coleen sa sinabi ng babaeng ito sapagkat walang alam si Anne sa pinanggagalingan niya. Pero ilang sandali lang ay nakaisip siya ng pakinabang nito sa bagay na kanina niya pa iniintindi.

"When did you lost your virginity?"

Nanlaki ang mga mata ni Anne ng wala sa oras sa tanong iyon at kaagad niyang nabatukan ang nakababatang kapatid. Bigla ring namula ang wala namang dugo niyang mukha sa narinig na kalokohan sa isip nito.

"Aray naman!" Gaganti sana si Coleen pero nakaiwas agad si Anne sa papalipad niyang kamay.

"Ano namang pinakain sa'yo ni Billy at naisip mong itanong 'yan?"

"Um....His lips?" Sarkastikong tanong pabalik ni Coleen na ikinasingkit pa lalo ng mga mata ni Anne sa kanya.

"Ikaw puro ka kabalbalan." Wika nito at hinarap ng muli ang palabas na pinapanood.

"Dali na....." Hindi naman nakuntento si Coleen at pinairal pa ang kakulitan.

"Bakit ba kasi pati 'yun uusisain mo pa?"

"Wala.....Nacurious lang naman ako."

Tsk! Ang maayos niyang tanong kanina kung ayos lang ba ito ay napunta sa ganitong klase ng usapan.

Hay nako!

"So ano na????" 'Di na makapaghintay pa si Coleen sa sasabihin ng kanyang kapatid. Ngayon lang siya ginanahang pakialaman ang sex life nito sa tinagal-tagal na nilang magkakilala.

Umirap na lang si Anne at naglabas din ng mabigat na hininga kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat.

"Never. I've never slept with anyone." Pag-amin niya rito na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay ni Coleen.

"No fucking way!" Gulat na reaksyon pa nito nang si Anne naman ay patango-tango lang.

Si Coleen ay tumitig pa ng maigi rito upang malaman kung nagbibiro lang ba ito o ano ngunit sa pagiging seryoso ng mukha ni Anne ay tila nagsasabi nga ito ng totoo.

"What the hell! Sa dinami-rami ba naman ng pwede nating maging pagkakapareha ay 'yun pa?" Hindi niya mawari kung matutuwa ba siya o matatawa sa bagay na kapwa nila 'di pa nasusubukan.

Sinong maniniwala na sa mga edad nilang ito ay mga virgin pa sila?

Samantala, si Anne naman ang hindi makapaniwala sa sinaad nito.

"Bakit? Ikaw din? Wow 'di halata ah!" Natatawang kumento niya pa sapagkat sa nakita niyang pagkilos ni Coleen ay inakala niya ay may pagkaliberated ito. Subalit nagkamali yata siya.

"Grabe ka naman. Ang judgemental mo!"

Pagtawang muli ang ginawa ni Anne dahil nakakatawa talaga 'yung pikuning mukha ng kanyang kapatid.

"Kidding." Aniya at tumigil na sa paghalakhak na parang tanga.

"Bakit hindi pa?" Umatake na naman ang pagiging chismosa ni Coleen.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon