Chapter 47

145 5 4
                                    

Ngayong nagkabalikan na ang dalawa, umasa si Billy na mahahawakan niya nang muli ang kamay ni Coleen habang naglalakad sila papunta sa nakapark niyang kotse. Ngunit ang kanina niya pang paduyan-duyan na kamay ay hindi makatyempo sapagkat nakatiklop ang mga braso ng babaeng ito.

Ayaw man lang makisama sa gusto niyang mangyari. At isa pa, wala na ring nagsasalita sa kanila simula pa kanina. After nilang mapagkasunduan na pumunta sa sasakyan ni Billy ay naging tahimik na. Ang awkward na ng paligid.

"Ehem.....Ehem....." Pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila at kunwari ay nasamid pa, kung kaya naman napatingin si Coleen sa kanya.

Binigyan siya nito ng pagtitig na nagtatanong kung ano ang problema.

Subalit hindi kuntento si Billy na ganoon lang ang magiging reaction ni Coleen, kaya humawak siya sa kanyang dibdib at umakto na parang may masakit dito.

"Argh!" He groaned.

Tumaas naman ang kilay ni Coleen sa ginawa niya.

"Oh ano'ng nangyayari sa'yo?" Casual na tanong pa nito na wala man lang bahid ng pag-aalala kahit na mukhang may pinagdadaanan na ang lalakeng ito.

"Argh.....Ang s-sakit....." Pagpapatuloy pa ni Billy sa kanyang pagkulunwari makuha lang ang atensyon ng babaeng ito.

Tsaka lang nagkaroon si Coleen buong pakialam at nadapuan na rin siya ng pakiramdam ng pag-aalala nung bigla na lang napasandal si Billy sa gilid ng kotse nito nung marating na nila kung saan ito nakaprada.
"Ano ba kasing nangyayari? Saan ang masakit?" Sa pagkataranta ang hindi niya alam kung ano ang dapat gawin at pilit niyang itinayo si Billy dahil nagbabadya na itong maupo sa sahig.

Saglit namang ngumisi ang lalakeng ito ng hindi napapansin ni Coleen sapagkat tila gumagana ang ginagawa niya. Hinawakan niya ang mga braso nito at iniharap sa kanyang mukha.

"Dito." Wika niya at ngumuso pa rito.

Then she frowned.

"Style mo bulok!" Magaan namang itinulak ni Coleen ang balikat ni Billy nung mapag-alamang nagkukunwari lang pala ang ang lalakeng ito.

Akala niya talaga kung ano na eh.

Pagtawa naman ang sumunod na ginawa ni Billy sa nakalukot na mukha ni Coleen dahil sa ginawa niya.

"Ikaw ang dami mong pakulo eh no? Sa susunod pababayaan na lang kita kapag nagkaganyan ka ulit."

Agad na lumapit si Billy upang pahupain ang inis ni Coleen sa kanya at nang hindi na ito mapunta sa mas matinding away. Mahirap na.

"Ito naman......Nagpapapansin lang naman ako sa'yo eh." Wika niya at marahang hinagod ang likod ni Coleen na nakasimangot pa rin sa kanya.

"Kanina mo 'pa kasi ako binabalewala eh." Saad niya pa ng may pa-sweet na tono at pinatong naman ang baba niya sa balikat nito.

Sumingkit ang mga mata ni Coleen, nagugustuhan niya naman talaga ang paglalambing na ginagawa ni Billy, sadyang hindi lang siya makapaniwala na pagkatapos ng mahigit isang buwan nilang pagkakalayo ay sila na ulit. Kaya medyo natatakot pa rin siya na masasayang lang ang pagpapakita niya ng affection dito kapag may nagbago na naman.

'Yung anxiety na naranasan niya sa kamay nito ay hindi pa rin siya tuluyang linulubayan. Kahit na ang katawan niya ay gustong-gusto na dumikit lang kay Billy, subalit linalabanan ito ng kanyang isip.

Gayon pa man, hinawakan niya ang mukha ni Billy at hinalikan ito sa pisnge. Para naman wala ng pagtatampo ang maganap sa kanilang dalawa. Hindi naman kasalanan nito kung bakit siya nagkakaganyan eh.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon