Nakaupo si Coleen sa couch sa living room at sa unang pagkakataon ay nanood siya ng balita. Hinantay niyang maipalabas sa TV ang ginawa niya kagabi pero nadismaya siya nung natapos na lang ang pinapanood niya't wala naman siyang narinig o napanood na kung ano.
Nagsayang lang ako ng oras!
Pinatay niya na ang TV at humilata sa mahabang couch na kinalalagyan niya. Nag-unat din siya ng arms at legs niya at pagkatapos ay tumingin sa kawalan. Naglabas siya ng mabigat na hininga sapagkat tila bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan na pangungulila na hindi niya maintindihan.
Napansin niya na ilang araw na nga pala ang lumipas pero hindi niya parin nakikita si Anne kahit na nasa iisang bahay lang sila. Parang iniiwasan yata siya nito.
Bakit, narealize niya na bang tama ako?
Ngumisi siya at tumayo na, naglakad ng kaunti at maya maya ay bumalik na naman sa pagkakaupo.
Nakakatamaaaad!
Idagdag pa ang mainit na klima kahit na naka-aircon naman sila kaya naman ay mas lalong ayaw niyang lumabas gayong mataas ang sikat ng araw. Baka magka-sunburn pa siya pagnagkataon. Nung 'di niya na kinaya ang init ng pakiramdam niya't sinaniban siya ng kaunting kasipagan ay pumunta siya bathroom ng kwarto niya para maligo.
Sa kabilang banda; lumabas si Anne ng kanyang kwarto dahil nauuhaw na talaga siya. Naisip niya naman na iyon na siguro ang tamang oras para tumigil sa pag-iwas na makita si Coleen. Bahay niya ito kaya naman bakit siya ang kailangang makubli para lang hindi sila magkasalubong ng kapatid niya? At tsaka ito parin ang may kasalanan sa kanya. Hindi niya nga alam kung ano ang dahilan at siya pa 'yung parang nahihiya eh.
Ah basta.....Oras na para magkausap sila, KUNG magsasalita ito. Kapag hindi, edi hindi.
Pagbaba niya ng hagdan ay 'di niya nasense ang presence ni Coleen sa paligid kaya naman nakahinga siya ng maluwag sapagkat kahit papaano ay maiiwasan niya 'yung awkward nilang sitwasyon.
Pumunta siya agad sa kitchen at binuksan ang fridge, pagkasara niya ay halos mabitawan niya ang hawak niyang baso sa sobrang pagkabigla na makita si Coleen na nakaupo na sa counter. Nakangiti ito sa kanya na ikinasalubong naman ng kanyang mga kilay ngunit kalaunan ay 'di niya na lang ito pinansin.
Pagkatapos maligo ni Coleen ay kaagad siyang bumaba papunta sa kusina ng marinig niyang may gumagalaw ng mga gamit dito. At si Anne nga ang nakita niya. Wala siyang ideya kung bakit pero natutuwa siyang makita ang mukha nito kahit na nakasimangot ito sa kanya 'di tulad ng dati. Ang saya niya na buhay pa pala ang kapatid niya.
Umupo si Anne sa isa sa mga upuan at doon ay tahimik na uminom ng dugo na linagay niya sa baso. Alam niyang kanina pa nakatingin si Coleen sa kanya ngunit hindi niya lang ito kinibo.
"Musta?"Bahagya siyang natigilan sapagkat 'di niya inaasahan ang narinig niya. Si Coleen kinakamusta siya? Joke ba 'yun? O baka isa na naman iyon sa mga trick niya? Hmmmm.......
"Gutom ka? Tara, hunt tayo."
Bumagsak ang mga balikat ni Anne dahil hindi nga siya nagkamali. Kasunod ng pagiging 'maalalahanin' kunyari nito ay ang pag-udyok sa kanya na maging katulad niya. Alam niya namang wala talagang balak si Coleen na alalahanin siya eh, pero umasa parin siya.
"Oh!"
Napatingin siya rito nung bigla itong umupo sa katapat niyang upuan.
"I forgot na hindi ka nga pala marunong." Malungkot na sabi pa nito at ipinatong ang kaliwang bahagi ng mukha nito sa mesa.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...