Chapter 45

110 6 3
                                    

Pagkagaling sa trabaho, agad na namang dumiretso si Billy sa school na pinapasukan ni Coleen tulad lagi ng niyang ginagawa.

Narealize niya kasi na na kahit na tinanggihan na siya nito ay hindi pa rin siya dapat sumuko ng ganun-ganoon na lang. Kailangan pagkatapos nito ay uuwi siyang nakangiti dahil sa nabawi niya na ang babaeng mahal niya.

Hah! Hindi yata uso sa kanya ang pag-atras.

Nagsimula ng magsilabasan ang mga estudyante sa loob at halos lahat ng mga babaeng nakakita kay Billy ay kinikilig sa kagwapuhang taglay nito.

Nakasuot ng formal suit at may hawak na one hundred white roses sa kamay niya habang nakasandal sa matte orange niyang BMW i8. Isama pa 'yung band na dala niya para kapag si Coleen na 'yung lumabas ay tutugtog ang mga ito at haharanahin ang siya.

"Girl 'di ba siya 'yung guy na nakita natin dito last month na may hinahantay din na kung sino?"

"I don't know. Pero natatandaan ko siya yata 'yung kapatid ni Kenneth na nagpunta na rin dito dati eh."

"Talaga? Si Oppa Kenneth Greyson kapatid niya?"

"Aigoo! Sa inyo na si Kenneth, akin na lang 'tong si Big brother."

"No he's mine! Ako talaga ang hinihintay niya, ayaw ko lang lumapit kasi alam kong mamamatay kayo sa inggit."

At ayon, ang ibang mga babaeng makakita lang ng gwapo ay nag-aagawan na agad kay Billy. 'Di alintana ng mga ito kung sino ba talaga ang pakay ng isa pang Greyson na nakatambad sa mga harapan nila.

Sa dating at ayos ni Billy ngayon ay nahuhulaan na ng mga taong nakatingin sa kanya ang magaganap at lahat sila ay hindi na makapaghintay na dumating ang babaeng inaabangan nito.
Tahimik lang siya na nagmamasid-masid sa bawat lalabas at patingin-tingin na rin sa kanyang relo para alamin kung ano'ng oras na ba't hindi pa nagpapakita ang babaeng hinihintay niya.

Pagkababa niya sa kanyang kamay at muling itinuon ang paningin sa kinalalagyan ng malaking gate ay sakto namang nagpakita na ang Bampirang dahilan ng mga kabaliwan niya sa katawan.

Kakatapos lang ng lahat ng klase at ang iba ay nagsisipaglabasan na ng school, ngunit si Coleen ay naisipan munang dumaan sa ladiesroom para mag-ayos. Pakiramdam niya kasi haggard na siya kakatunganga sa buong magdamag.

Pagkatingin niya sa salamin ay ngumiti siya nung mapag-alaman niyang 'di naman pala siya mukhang pagod tulad ng palagay niya kanina, pero sigurado siyang nagugutom na siya. At doon ay nakaisip na naman siya na gumawa ng kalokohan.

Walang ibang tao sa loob ng CR nang biglang may pumasok na isang babae at sinundan niya ito ng tingin sa reflection na nakikita niya sa salamin kung saan saglit din itong nakipagtitigan sa kanya. 

She smirked.

Sinara niya ang pinto para walang ibang pang makapasok sa loob at pagkatapos ay umupo siya sa ibabaw ng counter na pinagkakabitan ng sink, ilang sandali lang ay lumabas na babaeng maganda rin naman pero mas lamang talaga si Coleen kung tutuusin.

Dahandahan siyang lumapit dito, daladala ang mapang-akit niyang mga mata sapagkat nahalata niya agad na chic to chic ang isang 'to base na rin sa pagtitig na ibinigay nito sa kanya.

"Sabrina......" She whispered with a seductive tone as she saw the other girl's plate.

Ito ang unang beses na magpe-feed siya sa isang babae kaya sa totoo lang ay medyo naninibago pa siya, ngunit sa kalam ng sikmura niya ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na umatras o umiling man lang sa gagawin niya.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon