Chapter 75

89 4 0
                                    

Dahan-dahang naglakad si Cassandra patungo sa nakaparada niyang sasakyan sa isang tabi. Hindi niya magamit ng maayos ang kanyang kanang kamay kaya naman ang kaliwa ang ginamit niya para mabuksan ang pinto.

Hinang-hina siyang umupo at pansamantalang tumunganga sa madilim na daang nakaharap sa kanya. Napagod siya sa nangyari kanina, at kung hindi pa niya naisipang umalis na lang ay baka natuluyan na talaga siya ng bampirang iyon!

Pakialamera siya! 'Yan ang kanina niya pa rinireklamo sa kanyang isipan. Kung 'di sana dumating ang isang iyon marahil nasaktan niya man lang si Coleen. Subalit hindi iyon ang nangyari. Ang malala ay siya pa itong napuruhan.

Tinignan niya ang kalahating dangkal na haba ng sugat sa braso niya kung saan napapangiwi siya kapag nakikita ito. Kung ordinaryong kutsilyo lang sana ang ginamit sa kanya ay malamang hindi siya mahihiwa. But no. At masakit talaga ang dinidulot nito sa kanya.

Bago pa man siya maubusan ng dugo ay pinunit niya ang natitirang tela sa katawan niya't itinali ito sa sugatan niyang braso. Pagkatapos ay kinuha niya naman sa passenger's seat ang nakahanda niyang mga damit para matakpan ang halos walang saplot niya ng katawan. Matapos noon ay humawak siya sa steering wheel at tumingin na naman sa kawalan.

"That was close. Very close." Bulong niya sa kanyang sarili habang iniisip ang pumalpak niyang plano. Balak niya sanang baliin ang mga paa ni Coleen; lumpuhin ang mga ito hanggang sa hindi na makalad ang babaeng iyon. Ngunit malayo nga sa inaasahan niya ang naganap.

Nagsalubong ang mga kilay niya kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.

"But definitely, that wasn't the last. I freaking know it's not."

Sa ngayon uuwi siyang talunan. Pero alam niyang hindi siya laging talo. Darating din ang araw na magkakaroon na ng resulta ang mga ginagawa niya, ang panggagambala niya sa mga buhay nila. Siya 'yung unang nawalan eh, kaya ganti-ganti lang.

Nang dahil nga sa insidenteng nangyari ay tuluyan nang hindi nakaalis si Coleen ng bahay at nagpirmi na lang sa loob sa pakiusap na rin ng kapatid niya.

Kasalukuyan silang nakaupo at nakaharap sa isa't isa na may mahabang mesa na pumapagitan sa kanilang dalawa. Nasa dinning area sila.

Matapos ang pagkukuwento nito tungkol sa nilalang na nakasagupa nila kanina na kung tawagin ay Werewolf, bahagya na silang natahimik.

Napag-alaman niya na hindi pala iyon ang unang pangyayari na mapadpad ang ganoong uri ng tao na may pagka-aso na 'di niya maintindihan. Basta 'yun na 'yun. Ang hindi niya lang talaga makuha ay kung bakit kaya hindi man lang ito nagawang ibalita ni Anne sa kanya? Eh di sana napaghandaan niya ang oras na darating na baka bigla na lang siyang may makasalubong na ganun tulad kanina.

Subalit ang mga salitang gusto niyang sabihin ay pinili niya na lang lunukin. Nag-abang na lang siya sa susunod na isisiwalat ni Anne habang ang nahuli naman ay nakatulala't patuloy sa pag-inom ng kung ano sa basong hawak niya.

Nababasa ni Coleen na nate-tense ang isang 'to dahil na rin sa hindi nito pag-imik at malalim na pag-iisip kaya naman 'di niya na sinubukan pang mangulit pa. Hahantayin niya na lang muna kung ano'ng oras nito balak na magsalita ulit.

"Hindi ko sinabi sa'yo agad kasi akala ko hindi na siya babalik." Pagkaraan ng ilang minuto ay nagawa rin ni Anne na ibuka ang bibig niya at sa wakas, nasambit din nito ang kanina pa hinihintay ni Coleen na dahilan.

"I thought pagkapraning lang ang nararamdaman ko pagkatapos ng una kaya naman ayaw ko na idamay ka pa." Dugtong pa nito.

"But now I'm scared." Coleen retorted. She was and still scared about that thing. Nitong mga nagdaang araw ay pabugso-buso na ang pagpaparamdam ng takot sa kanya. Nung una ay 'yung pagkakita niya sa sekretarya ni Billy, at ngayon naman ay ito. Nakapagtataka sapagkat siya 'yung babaeng wala naman talagang kinakatakutan. Subalit sa mga nangyayari ay hindi niya na alam. Ang dami ng mga bagay na nahihirapan siyang intindihin at unawain.

Akala niya ay walang kahit na ano'ng makakapanakit o makapagbibigay ng panganib sa kanya, dahil nga isa siyang bampira at ang mga katulad nila ay malalakas kumpara sa ordinaryong klase ng tao. Sa madaling salita, silang dalawa ni Anne ay mga immortal. Pero ano nang dapat nilang gawin gayong may isa o ilan pa palang mga kakaiba ring nilalang na nagkalat lang sa paligid? Ang hindi na nga normal na mga buhay nila ay nagkaroon pa ng banta.

"I know.....We just have to be more careful. Be more sensitive on their presence." Hinawakan ni Anne ang kamay ng kapatid.

"What?" Hindi tinanggap ni Coleen ang pahayag nito.

"This is our teritory. Sila 'yung pabigla-bigla na lang sumusulpot. So bakit tayo ang kailangang mag-adjust?"

Anne sighed.

"Coleen, they're obviously a treath on us. We're not talking about whose place or what. The point is all about our lives. Our safety. So wether we like it or not we have to adjust. Got it?"

"No. Because we don't have to. There's only two options: slay or be slayed. Of course I'd always choose the first."

Anne didn't uttered. Bahagya siyang natahimik sa kumento ni Coleen na halatang handa na namang dungisan ang mga kamay niya sa kung ano mang mangyayari; bagay na hindi sanay na gawin --kabaliktaran sa kanya. Mas gugustuhin niyang umiwas na lang kaysa makapatay muli. Hindi iyon kakayanin ng kanyang konsensya 'pag nagkataon.

"Kung hindi natin sila kayang labanan sa pisikal na aspeto, sabihin mo na lang kung ano ang makakapanakit sa kanila?"

"Silver bullet, dagger, anything na gawa sa silver." Sagot niya.

"Seryoso?" Tumaas ang isang kilay ni Coleen sa sinabi nito.

"At first 'di ko rin naintindihan kung bakit. Pero base sa mga nabasa ko ay may kung anong element ang silver na wala o kulang sa ibang metal na maituturing na panganib sa mga werewolves. Ang balat nila ay matitigas kaya hindi sila basta-bastang nasusugatan. Pero kapag gawa sa pilak ang ipanglalaban mo sa kanila ay mataas ang tsansang masaktan ang katawan nila."

Si Coleen naman ang nawalan ng imik. Bahagya siyang nag-isip tungkol sa mga narinig niya.

"Here. Take this." Inilapag ni Anne ang punyal na ginamit niya sa lobong nakaharap nila kanina. Nung unang nakakita siya ng werewolf sa lugar niya ay nagpagawa siya agad nito para na rin sa proteksyon niya. Subalit sa tingin niya sa mga oras na ito ay mas kailangan ito ng kanyang kapatid. Pwedeng-pwede pa naman siyang magpagawa ng marami noon eh.

"Mas maganda nang meron ka niyan dahil 'di natin alam kung kailan iyon babalik."

"Pero paano ka?"

Pasimpleng nag-umis si Anne sa tanong na iyon. Hanggang ngayon talaga kinikilig pa rin siya kapag nagpapakita si Coleen ng concern sa kanya; kahit sa simpleng paraan lang.

"I have a lot of bars, remember? Madali na lang 'yun." Turan niya.

Doon ay hindi na nakipagtalo pa si Coleen. At sa halip ay kinuha na lang ang matalim at matulis na bagay na nakatambad sa kanya't tahimik itong sinuri. Ito raw ang tanging makakapanakit sa mga uri ng nilalang na iyon......

Sa kanyang kuryusidad kung ano nga ba ang kaya nitong gawin o kung masasaktan din ba siya sa punyal na ito ay dinikit niya ito sa balat ng kanyang braso.

Samantalang panonood naman ang ginawa ni Anne sa kanyang kaharap. Pinoproseso pa ng utak niya kung ano na naman ang trip ng babaeng 'to.

Nang maramdaman at masiguro na ni Coleen ang talim ng kutsilyo ay hinila niya ang hawakan nito pababa papunta sa kabilang bahagi ng kanyang braso. Nahiwa ang balat niya rito. Kapwa sila napangiwi sa nangyari kung saan nakaramdam pa si Coleen ng sakit dahil sa ginawa niya. Ngunit panandalian lamang iyon.

Ang sugat na wala namang lumalabas na dugo ay unti-unti ring naghilom hanggang sa tuluyan nang nawala. Patunay na maging ang klase ng metal na ito ay hindi siya mapapatay. Walang kung ano mang makakapatay sa kanila maliban na lang sa asong iyon, at ngayon naman ay hawak niya ang bagay na makakapanakit dito. Sana nga lang gumana.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon