Kakatapos lang ni Anne sumilip sa naging resulta ng isa pa niyang pinapagawang event kanina and as expected, successful naman ito.
Napagdesisyunan niya na 'yung event kanina ay huli na para sa taong ito. Pahinga muna siya sa pag-iisip kung paano makakatulong dahil sa tingin niya ay siya mismo kailangan ng tulong; hindi ng pera o kung ano pa man. Atensyon. Ayan talaga ang kailangan niya. Dahil nga sa mag-isa lang siya ay walang ibang nag-aalala sa kanya. Kahit na may kapatid siya, alam niyang wala itong pakialam sa kanya na kabaliktaran naman sa nararamdaman niya para rito.
Nung napadaan siya sa isang park ay kaagad siyang bumaba sa kanyang sasakyan. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Ngumiti siya dahil ngayon lang niya ulit naransan ang magliwaliw saglit malayo sa bahay niya. Kakaibang kasiyahan ang naihahatid sa kanya ng pagtulong pero iba parin talaga kapag nabibigyan niya ng pansin ang pagrerelax kahit na sa sandaling oras lang.
Tumingin siya sa paligid at ang dami niyang nakita na mga couples na sweet na sweet na naglalakad-lakad at 'yung iba pa nga ay nakaupo rin sa iba pang mga bench na malapit sa kanya. Bahagyang nawala ang mga ngiti niya nung maalala niya bigla ang nangyari sa kanya noon, nung kasama niya pa ang unang lalaking naging mahalaga sa kanya.
*Flashback*
Ilang araw na ang nakararaan mula nung magising siya sa isang kulay puting kwarto. Ang isang bahagi ng pader ay salamin kung kaya'y nakikita niya ang mga taong nakabalot ng puting-puting kasuotan at tinatakpan ang kanilang mga mukha ng kulay puti rin na facemasks.
Sa kanyang pagmamasid ay napansin niyang hindi lang siya ang may ganoong klase ng silid. Marami sila. Nakakulong sa may apat na kantong kwarto.
Dumaan pa ang ilang mga araw bago sila pinalabas sa mga tila selda nilang mga silid papunta sa isang bahagi ng hindi niya maintindihang lugar. Ang mga nakita niyang tao sa iba pang mga kwarto ay naroroon. Tinanong ang ilan sa mga ito kung nasaan ba sila at ano'ng lugar ang kinaroroonan nila ngunit wala siyang nakuhang sagot. Katulad niya ay blanko rin ang mga ito. Ni hindi niya nga matandaan ang pangalan niya.
Lahat sila ay walang maalala tungkol sa pinanggalingan nila. Kaya naman ang pamamalagi ni Anne sa lugar na ito ay napuno ng pagtataka at kaguluhan ng kanyang isip kung bakit sila nandito? Sino siya? Sino ang mga taong nasa paligid niya at ano ang kailangan ng mga ito sa kanya?
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...