Chapter 40

92 7 3
                                    

Nung nakahanap si Coleen ng pagkakataon at habang hindi pa tuluyang lumalalim ang magkasabay na paggalaw ng mga labi nila ni Billy ay agad siyang umalis palayo rito.

Siya ay tumakbo ng tumakbo at hindi na tinangka pang huminto sapagkat kapag ginawa niya 'yun ay may tendency na gumawa lang ang mga paa niya ng sarili nitong mosyon pabalik sa lalakeng iyon at ipagpatuloy ang bagay na nasimulan na nilang gawin.

Hindi siya pwedeng magpatangay sa nangyari at sa bugso ng kanyang damdamin ngunit nagawa niya pa rin, kahit na batid niya namang bawal. Masasaktan niya na naman si Anne kapag nalaman nito ang ginawa nila ni Billy. Pero teka lang, 'di nga pala siya ang unang gumawa ng move para maganap iyon kaya bakit nga ba niya pinapagalitan ang kanyang sarili?

Saglit siyang napalagay nung maisip niya ang bagay na iyon, subalit ang pagkabahala ay agad ding nagbalik nang marealize niya na kahit ano pa ang pasumangil na maisip niya ay siya pa rin ang responsable sa lahat.

Kung hindi niya lang pinatulan 'yung mga bahagyang paglapit sa kanya ni Billy at kung 'di sana siya gumawa ng kung anu-ano'ng kalokohan para lang mapansin nito ay hindi naman talaga ito magkakagusto sa kanya. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito at sasakit ang ulo niya kakaisip.

What the hell is happening to me? I'm not like this before. I don't think and act the way like this before! But what now?

Napansin ni Coleen na mula nung nagkaroon siya ng feelings para kay Billy, ang dami na talagang nagbago sa sarili niya. Tila naglalaho na 'yung devil-may-care niyang pananaw at pag-uugali sa mga bagay-bagay, and somehow ay bigla rin siyang nagkaroon ng kaunting sense of responsibility. Kaunti lang.

No! There was no way on Earth na magbabago siya nang dahil lang sa isang lalake. Siguro nararanasan niya ang lahat ng ito dahil na rin sa may pakialam na talaga siya sa maaring maramdaman ng Ate niya sa ginagawa niya. Okay, pati 'yun ay ngayon niya lang din nabigyan ng pansin at hanggang doon na lang talaga ang ibabawas ni Coleen sa pride niya, 'di na pwedeng dagdagan pa. Tama na uy!

Sa ilang minutong pagkaripas ng takbo ay narating din ni Coleen ang bahay na tinutuluyan niya. Kahit papaano ay naituring niya na ring totoong tahanan ang bahay na ito sapagkat nadadatnan niya si Anne rito.
Hay nako! Nagiging madrama na naman siya.

Pagpasok niya sa loob, ang ngiting matagal niya ng hindi nasisilayan ang agad na bumungad sa kanya. 'Di niya alam kung bakit pero kahit na minsan naiirita siya sa pag-umis nito ay namiss niya talaga 'yung maaliwalas na pagmumukha ni Anne.

Ngayon masasabi niya na may halaga rin ito sa kanya na hindi niya lang maamin noon.

"Hi." Pagbati pa ni Anne kay Coleen pagkakita niya rito. Linapag niya na sa mesa ang hawak niyang pinggan at nagsimula ng umupo.

"Sit down. Sabayan mo muna 'ko rito please?" Paanyaya pa nito, magbabakasakali siyang hindi siya tatanggihan ni Coleen kahit ngayon man lang.

Nagkibit balikat si Coleen kaya inakala ni Anne na hindi na naman siya pagbibigyan nito, ngunit laking gulat niya nung lumapit ang kapatid niya at umupo sa katabing upuan.

"What's the occassion? Ba't ang daming nakahain?" Tanong pa nito nung mapansin niya ang mga normal na pagkaing nakahanda sa harapan nila.

"Wala naman. Naisipan ko lang magluto." Nakangiting saad ni Anne habang sinasalinan niya ng red wine ang goblet malapit sa pinggan ni Coleen.

Ngumisi si Coleen at kinuha ang goblet sabay sabi ng;

"As if naman na mauubos natin 'to. Ilang kagat at subo lang ay tatayo na agad tayo rito eh." Ininom niya ang alak sa hawak niyang glass pagkatapos.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon