Chapter 24

104 7 2
                                    

Kakatapos lang ng maglesson ng MATH Professor sa klase na kinalalagyan ni Coleen.

Gustong masiguro ng taga-pagturo kung mayroon ba talagang naintindihan ang mga estudyante sa tinuro niya kaya naman gumawa siya ng equation sa board at naghanap ng sasagot.

Madaming nagtaas ng kamay para subukang lutasin ang hinahanap na X pero hindi siya nakuntento at mas iginala niya pa ang mga mata niya sa ibang estudyante na walang balak makisali sa talakayan. Sakto naman at napatingin siya sa babaeng kanina pa dutdot ng dutdot sa buong klase niya at halatang hindi talaga nakinig.

Napahinto si Coleen sa ginagawa niya nung mapansin niya sa kanyang peripheral vision na ang mga taong nakapaligid sa kanya ay siya na ang tinititigan.

"Ms........Raven."

Bigla siyang napatingin sa prof nila na kakatapos lang basahin ang pangalan niya sa seat-plan nito at nginisihan siya.

Alam niya ang balak nitong ipahiya siya kaya naman ay mas tinitigan niya pa ito at ngumiti.

"Don't you dare call me just to answer your stupid equation on the board." Bulong niya kahit na ilang hakbang pa ang layo nito sa kanya ngunit pinasadya niyang marinig ng Epal nilang Guro ang lahat ng sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata ng Professor at saglit na natahimik. Maya maya pa ay tumingin ulit siya sa kanyang seat-plan at tumawag na ng ibang estudyante.

Napuno naman ng sarisaring bulungan ang buong silid tungkol sa naganap na pagkukunsidera ng teacher sa isa nilang classmate at sa kung ano'ng nangyari na para itong nautusan na hindi nila maintindihan.

Nagkibit balikat lang si Coleen at hindi na inintindi pa ang mga sinasabi ng mga taong nasa paligid niya't nagpatuloy ulit sa pagkalikot sa kanyang cellphone.

Nung oras na ng uwian ay 'gaya ng mga nagdaang araw, naglakad si Coleen sa hallway ng isa sa mga building ng academy nila na pinagtitinginan ng mga tao; babae man o lalake. Parang may parada na naganap sapagkat inaabangan ng lahat ang bawat kilos na ginagawa niya sa pagdaan sa harapan nila.

Maraming lalake ang gusto siyang lapitan para i-flirt siya ngunit walang naglalakas loob dahil nahihiya sila. Pero hindi sila katulad ni Kenneth na kanina pa pasimpleng sumusunod kay Coleen hanggang sa mapadpad sila sa bahagi ng building na wala masyadong tao.

Malakas ang kumpyansa ni Kenneth sa sarili niya at walang makakapigil sa kanya na lapitan si Coleen kahit na pinagbawalan pa siya ng kanyang Kuya.

Tsaka lang humarap si Coleen kay Kenneth nung wala na siyang makitang ibang tao na pakalat-kalat sa paligid kahit na kanina niya pa ramdam ang presence ng lalakeng 'to.

Natulala si Kenneth dahil sa unang pagkakataon ay bigla siyang nginitian ni Coleen. Napakaganda ng mga labi niya, sobrang pula, at 'yung mga mata nito na kung makasulyap sa kanya ay para siyang inaakit.

"What do you want?" She asked in an erotic tone.

He grinned.

"I want you." He pulled her closer and spontaneously claimed her lips.

And there, her blood lust lighten her up.

"Not here." They broke their session and she bit her lips.

Magaan na hinawakan ni Coleen ang mukha ni Kenneth na nakapagpakiliti naman sa lalakeng 'to, at dahan dahan niyang pinadalausdos ang kamay niya papunta sa leeg, diretso sa balikat, braso, at pababa sa kamay nito.

Tumaas ang mga balahibo ni Kenneth sa ginawa ng nito, sa boses at halik pa lang nito ay naturn on na siya.

Ayaw ni Coleen na may makakita at umistorbo sa gagawin niya kaya naman agad silang umalis sa kinatatayuan nila. Pumunta silang dalawa sa isang bakanteng room sa building nila ng magkahawak ang mga kamay.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon