Nang dahil sa nangyari kagabi ay nawalan tuloy ng gana si Coleen na maghanda at pumasok sa klase mamaya.
Ngayon pa lang alam niya na na siya ang usap-usapan sa buong campus at kahit gamitin niya pa ang pagiging vampire niya ay hindi niya mako-control ang sasabihin ng mga tao tungkol sa kanya. Mahirap i-compell ang napakadaming estudyante nang walang makakapansin.Ayaw niya rin namang magpalipas na lang ng oras sa loob ng ng bahay nila kaya lumabas siya ng kanyang silid para hanapin si Anne. Ang art room ang una niyang naisipang puntahan at sakto naman na naroon nga ito.
"Busy ka?" Pasintabi niya rito at si Anne naman ay binaba ang hawak niyang paint brush nang mapansin na nandoon pala si Coleen.
"Bakit?" Pabalik niyang tanong at sinuri ang suot nito.
Ano'ng oras na ba at 'di pa siya nakauniform?"Tara gala tayo." Pagyayaya pa ni Coleen na animo'y walang klase na dapat pasukan at linapitan niya ang pwesto ng kanyang kapatid upang makita ang nakapinta sa canvas nito.
Nagsalubong naman ang kilay ni Anne sa sinabi niya.
"Ano'ng gala ang pinagsasasabi mo dyan? Tumigil ka nga, kailangan mong pumasok."
"Ih........Ayaw!" Parang batang tugon naman ni Coleen at nagpout pa.
"Ano'ng ayaw? Sayang lang tuition fee na binabayad ko para sa'yo no. Kaya tigilan mo 'ko't magbihis ka na." Pagmamatigas naman ni Anne at ipinagpatuloy ang pagpipinta niya para hindi na mangulit pa si Coleen.
Pero.......
"Sige na. Ngayon lang naman ako aabsent eh. At tsaka wala naman masyadong ginagawa sa school, nasasayang lang 'yung time ko doon."
Nope. Si Coleen lang talaga ang madalas na walang ginagawa sa school kaya nasasayang lang oras niya sa pagtunganga at pagkalikot ng cellphone kahit may talakayan pa. Hindi naman siya sinisita ng mga professors kasi takot sila rito.
Narealize naman ni Anne na araw-araw nga palang umaattend ng class ang kapatid niya at ni-minsan ay hindi pa ito lumiliban. Kaya okay lang naman siguro kung palalagpasin niya ito ngayon.
"Saan ba kasi pupunta?"
Sa tanong na iyon ay alam ni Coleen na pumapayag na ito at ngumiti siya ng pagkalaki-laki.
Kalulubog pa lang ng araw ng magtungo ang dalawa sa pinakamalapit na mall sa bahay nila. Namili sila ng namili ng mga damit na kanilang nagustuhan at kung anu-ano pang bagay na kanilang matipuhan.
Matipid naman talaga si Anne at 'di niya ugali ang bumili ng kung anu-ano lalo na kung hindi niya naman talaga kailangan, ngunit dahil kasama niya si Coleen ay saglit niyang nakalimutan ang salitang iyon at pansamantalang nagbago ang madalas niyang pagwi-window shopping lang. Ngayon binili niya na talaga ang mga bagay na nagustuhan niya.
Salamat sa bad influence niyang kapatid. At minsan lang naman silang magpunta sa public places ng magkasama tulad nito kaya sinulit niya na rin.
Kasalukuyan siyang nakaupo at hinihintay na makita ang sinusukat na damit ni Coleen nang bigla siyang makatanggap ng text message mula kay Billy.
{ Hello....I'm at ur house rn. But it seems like you're out. }
Medyo nanlaki ang mga mata ni Anne sa nabasa niya sapagkat hindi niya naman inaasahan na pupunta pala si Billy sa bahay niya kung kailan wala sila.
{ Yea. We're here at the mall. Shopping. Sorry I didn't know that you'd come. }
{ No it's fine. Wait, we? Is Coleen w/ u? Isn't she supposed 2 b in school rn? }
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...