Chapter 29

95 7 2
                                    

Nagulat ang dalawa sa biglaang pagsulpot ni Billy mula sa kawalan. Akala nila ay nakaalis na ito pero nagkamali sila, lalo na si Coleen dahil hindi niya inasahan na makikita nito ang pagbabago ng itsura ni Anne sa pagtuklas ng totoo nilang katauhan ng wala sa oras.

Tsaka lang narealize ni Anne na nasa harapan niya na pala si Billy dahil clouded ang utak niya sa kung paano niya iinumin 'yung pulang likido na pino-provoke siya ngunit 'yung kaba sa kanyang dibdib ay mas lalo pang nanaig sapagkat nakita siya ni Billy. Nakita nito ang totoo niyang itsura at wala siyang ibang naisip sa mga oras na iyon kung paano niya ipapaliwanag sa lalakeng mahal niya ang lahat, kung paano niya ipapaintindi rito ang katotohanan na iba siya.

"A-ano'ng nangyayari?"

Nagpanic na si Anne nang makita niya ang pamumutla sa mukha ni Billy at ramdam niya ang matinding takot na nararamdaman nito para sa kanya. Sinubukan niyang lumapit dito pero ito naman ang umaatras sa tuwing gagawa siya ng hakbang papunta rito.

"Billy...."

"No! D-don't come near me!" Nanginginig na sabi pa ni Billy habang 'yung pagkasindak ay patuloy siyang kinakain sapagkat hindi siya makapaniwala na ang magandang babaeng nililigawan niya ay para palang isang halimaw.

Hindi na siya nakapag-isip pa ng maayos at nung napahawak siya sa bandang pintuan ay naisip niyang hindi nga pala nakasara ang pinto sa likod niya kaya wala na siyang sinayang pang sandali at tumakbo ng mabilis.

Sa pagkataranta niya ay dire-diretso lang siya sa pagtakbo at nakalimutan niyang may kotse naman siya na pwedeng gamitin para makaalis ng maayos. Wala na siyang pakialam kung saang bahagi man siya ng kakahuyan mapadpad, ang importante ay makalayo siya dalawang iyon.
Agad naman itong sinundan ni Anne ngunit bahagya siyang napahinto pagkalabas niya't inikot ang paningin sa paligid sapagkat 'di niya alam kung saang direksyon nagtungo si Billy. Bahala na pero pinasok niya ang lugar ng naglalakihang mga puno kung saan wala namang ilaw dahil hindi niya naman naaninag si Billy na tinatahak ang pinakadaanan palabas at papunta sa bahay niya.

Samantala, ang naunsyaming plano ni Coleen ay ang nagpasira naman ng gabi niya. Okay na sana eh, andoon na, kaunti na lang at bibigay na si Anne sa hinanda niya para rito pero nasira lang nung sumingit si Billy sa eksena.

Kumuha siya ng panyo at pinahawak ito sa lalakeng cinompell niya, at ang kamay naman nito na may hawak ng panyo ay pinangtakip niya sa nakaexpose nitong sugat sa leeg. Tila nawawalan na rin yata ito ng dugo at baka madagdagan lang ang kalat na liligpitin niya 'pag nagkataon.

"Umalis ka na't huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol dito." Muling pag-utos niya pa sa kaawa-awa at walang kamalay-malay na lalake na tulad nga ng inaasahan ay tahimik siyang sinunod at umalis na sa harapan niya.

Umupo si Coleen sa couch at sinalo ng palad ang kanyang noo dahil bigla siyang nabahala sa nangyari. Naisip niya na ngayong alam na ni Billy ang tungkol sa kanila ay natatakot siya na baka hindi na ito muli pang magpakita sa kanila, sa kanya. Na pandirihan siya nito at kasuklaman dahil nga isa siyang bampira.

Iyon naman talaga ang pinakahinihintay niyang mangyari simula pa lang, na mawala na ito sa buhay nila ni Anne ngunit bakit ganito? Bakit hati ang nararamdaman niya sa sitwasyon?

Masaya siya, oo, sapagkat tsak na lalayuan na nito ang kapatid niya't masosolo na rin sa wakas ang atensyon ni Anne, pero hindi, dahil ibig sabihin lang noon ay lalayo at iiwas na rin ito sa kanya dahil tulad nga ng kanyang kapatid ay magkaparehas silang klase ng nilalang.

Hindi niya na alam. Sobrang dami na talaga ng gumugulo sa utak niya at sunod-sunod pa!

Sa kabilang banda, 'di tumigil si Anne sa paghahanap kay Billy kahit na sa tingin niya ay pabalik-balik na lang siya ilang bahagi ng gubat kakasuyod dito. Hanggang sa tuluyan ng lumalim ang gabi at nung susuko na sana siya sa paghahanap ay tsaka niya naman ito natagpuang nakaupo sa isang bato, nakayuko sa sahig, at ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi nitong ilaw sa paligid.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon