Umaga na may malamig na simoy ng hangin ang gumising kay Anne mula sa mahimbing niyang pagkakatulog.
Saglit siyang umupo sa kama at kahit wala namang nakakatawa ay ngumiti pa rin. Ang ganda ng tulog niya, at natural ay maganda rin ang kanyang naging gising.
Hinawi niya ang kurtinang nakatakip sa kanyang malapader sa laki na bintanang yari sa salamin at bumungad sa kanya ang makulimlim na paligid sa labas: walang kaaraw-araw na talaga namang nagpadagdag sa sayang nararamdaman niya.
Matapos niyang ayusan ang kanyang sarili ay bumaba na siya para maghanda ng pagkain para sa kanilang dalawa ni Coleen. At 'yung babaeng 'yun ay natapos na lang siya sa pagluluto at pag-aasikaso ay hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita sa kanya.
Sanay naman na siya sa ganitong gawain ni Coleen na palaging tanghale o kung minsan ay hapon na magising at madalas ay pinapabayaan niya na lang ito. Pero hindi ngayon.
Nasasabik niyang tinungo ang silid nito at pagkabukas niya ng pinto ay napangiwi siya sa kanyang nakita: nagkalat ang mga unan sa sahig, at ang kumot, comforter at bedsheets ay hindi niya na halos makilala sa pagkalukot sa ilalim at ibabaw ng babaeng ito. Napakalikot talaga ni Coleen matulog!
Gayon pa man ay nakangiti niya pa ring linapitan ang tulog-mantika na babaeng ito at dinaganan ang nakadapa nitong katawan. Napa-ungol naman bigla ang hindi pa gaanong gising na diwa ni Coleen nang maramdaman niya ang mabigat na katawan na nakapatong sa kanyang likod.
"Gising na...." Pangungulit pa ni Anne at pilit namang yinugyog ni Coleen ang katawan niya maialis lang ang isang 'to sa tabi niya.
Hindi nagpatinag si Anne sa ginawa nito at pinagpatuloy lang ang panghaharot niya sa kanyang kapatid.
"Happy birthday." Pabulong niya pang saad sa kaliwang tainga nito.
Sa totoo lang ay kaarawan talaga nilang dalawa ngayon dahil ang araw na ito rin ang araw kung saan napadpad sila sa tahanan ni Teressa noon. Walang nakakaalam ng eksakto nilang birthday kaya ito na lang ang ginawang batayan ng kanilang Ina para maicelebrate nila. Kaya kanina pa masaya si Anne dahil dito. At maeenjoy niya na rin ang araw na 'to ng kasama si Coleen.
Ang dalawang salitang iyon ang nakapagpadilat sa mga mata ni Coleen. Tumihaya na siya dahilan para mahulog si Anne at nakakunot ang noo niyang hinarap ito.
"Thanks." Pilit-ngiti niyang tugon at umirap sabay balik sa pagsubsob ng ulo sa unan.
"Now leave!" She groaned as she burried her face.
Naiwang nakanganga ang bunganga ni Anne sa reaksyon ng kanyang NAPAKABAIT na kapatid sa ginawa niya. Iyon na 'yun? Wala man lang pagbati pabalik? Eh birthday niya rin kaya?!
"Welcome baby girl." Sarkastiko niyang sabi rito na hindi niya naman talaga sinasasdya---kusa na lang lumabas sa bibig niya.
Bago pa tuluyang masira ang magandang niyang araw sa ugali nito ay idinaan niya na lang sa tahimik na pag-hiss habang ang mga mata ay 'di pa rin inaalis dito kahit na nakabangon na siya mula sa kama nito.
Hindi na siya ulit nagbitaw pa ng kahit na anong salita at tahimik na lumabas sa silid nito.
Itong babaeng 'to, bihirang makisama sa mga trip niya. Pasulpot-sulpot ang ganang pansinin siya, pabigla-bigla kung maglambing, at minsan lang kung magpakita ng kabaitan sa kanya.
Or baka naman mali lang ang timing ko? Baka masyado siyang napuyat kaya hindi maayos ang naging tulog niya? Tapos dinagdagan ko pa.......
Nga naman. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang entrada niya. Kaya ang ending ay epic fail.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...