Follow me on Twitter! @deborjaalexa
**
Allystaire's POV
Lunch.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng wattpad habang kumakain. Medyo hobbit ko din ang pagbabasa nito e. Lalo na kapag hindi busy sa school.
"Uy, ang gagwapo nung mga transferee." Biglaang pagsasalita ni Marcy habang inaayos yung pagkakaayos ng mga pinggan namin.
"True." Pagsang-ayon ni Ange.
"Staire. Kunwari ka pa dyan e ikaw ang laging nanghu-hunting ng gwapo." Marcy nagged.
"Gwapo nga, napaka-ungentleman naman." Sagot ko sabay subo ng kanin. Muntik ko na siyang maging crush kaso nakakaasar siya.
"Kilala mo sila?" Tanong sakin ni Ange.
"Hindi."
"Ha?" Marcy
"Yung Jester." At kinwento ko mula don sa locker pati na rin yung palda.
"Pffft-- HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Ang HAHAHAHA ang epic HAHAHAHA mo HAHAHA!" Marcy
"Tawa pa, kakalbuhin ko kayo." At natigilan naman sila.
"Wag ka ngang tumawa, Marcy." Ange
"Kaya pala mas malakas tawa mo." Marcy
"Omg, Rachelle. Ayan na sila."
"Guys, tingnan nyo."
"Aw ang pogi!"
Pwede bang maging payapa muna tong lunch na to? Hindi kasi talaga ko nagagandahan sa araw na to e. Tsaka malapit na yung part na aamin yung bidang lalaki.
Nang hindi man lang humihina ang bulungan at mahinang tilian nila, asar ko nang tiningnan kung ano ba yung pinagkakaguluhan nila.
"Ohh, there they come." Sambit ni Marcy. SINO ang pinagkakaguluhan nila, rather.
"Sa inyo na yang dalawang yan. May Keith na ko e hehe." Ange
"Landi mo." Pambabara ko sakanya pero inismidan niya lang ako. Nilingon ko ulit sina Jester. Nakaharap ako sa direksyon nila kaya naman kitang-kita ko sila. Kasalukuyan silang umuupo at di ko maitatangging ang cool nila kumilos. Parang mga artista.
"Sakin si Matt. Haha eme lang." Marcy.
"Edi sayo si Jester, Staire." Tiningnan ko ng masama si Ange at natigilan naman siya. "Marcy kasi. Hindi sabi sakanya si Jester." Dugtong niya. Inubos ko yung tubig ko pero parang nauuhaw pa ko kaya naisipan kong bumili ng isang baso ng pineapple juice.
"Bibili lang ako." Paalam ko. Sumulyap muna ako kina Jester pero nang mapansin ko siyang tumayo e agad kong iniwas ang ulo ko at nagdire-diretso na sa counter habang binibilang yung mga barya ko sa bulsa.
"Ate, pineapple juice. Isa." Order ko.
"Make it two." Sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Pero nakagat ko lang ang labi ko nang makita ko kung sino yon.
"Hoy! Kapal mo para magpalibre. Ate isa lang." Pigil ko kay ate.
"Make it two." Pag-uulit ni Jester. Napanganga nalang ako. Close ba kami? Hindi yata tama ang magpalibre ka nalang agad agad sa hindi mo naman kaclose. Nakakahiya yon. Wala ba siyang hiya?
"Eto, pogi oh." Abot ni ate sa kanya ng sukli niya. Medyo bata pa yung tindera kaya kilig na kilig.
"Keep the change." Sambit niya habang nag-aabot ng fifty pesos.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)