Part Thirty Two

226 6 0
                                    

Allystaire's POV

Date tayo.

Date tayo.

Date tayo.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya habang nakahawak sa batok niya at nakatingin lang sa ibaba.

Seriously, ang cute non. Pero hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi. Date? Ano'ng trip niya? Juice colored. I never thought na aayain niya ko sa date. Seryoso ba 'to?

"Seryoso ka?" Pagtatanong ko dahil baka mamaya ay trip niya lang ito at trip niya lang akong yayain kasi bored siya o aasarin niya lang ako. Mahirap na, marupok ang puso ko baka mahulog.

"Syempre, hindi." Sagot niya.

"Gago!" Sinuntok ko siya sa braso sabay talikod.

"Uy joke lang, parang tanga 'to." Hinawakan niya ko sa may siko. Dahan-dahan niya kong iniharap at ako naman ay salubong na ang kilay. Kainis. Sino'ng matutuwa don? "Tara." Hinila niya ako at palihim ko siyang inismidan. Kung sa kamay ko ba naman nakahawak edi ayos.

"San tayo pupunta? Hoy!" Binuksan niya ang passenger seat ng van saka ako tinulak papasok. I glared at him pero hindi niya nakita. Napaka-gentleman ni Jester na itutulak ka lang niya papasok ng sasakyan. "Hoy!" Pagtawag kong muli sa kanya. Pumasok siya sa kabila at umupo sa driver's seat. Hinanap niya yung susi.

"Marunong ka ba? Wala ka pang lisensya!" Hindi makapaniwalang saad ko. Fourth year high school palang kami at wala pang 18. Baka mamaya mahuli kami ng pulis.

Nang tumunog yung makina ay humarap siya sakin.

"Hindi ka kasi sumasagot kung pumapayag kang makipag-date sakin e. And don't worry, I know how to drive. Trust me." He smiled.

Hayy. Bat ba ang gwapo? Ngayon makakatanggi ba ko sa ngiting yan? Pinaatras niya yung van. Nakita namin sina Matt na lumabas ng bahay at nagtatakang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Si Matt naman ay kumakaway pa.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Kahit san."

Sumandal muna ko dahil nakakangalay na. Bumuntong-hininga ako at kinagat ang labi ko. First date ko na ba 'to? Wala akong ideya kung wala lang to sa kanya o seryoso pero para sakin ay special na ito dahil siya yung kasama ko.

"Why are you smiling?" Jester suddenly asked.

"H-Ha? Nakangiti ba ko?" Inosenteng tanong ko. Nahuli niya yata akong nakangiti. Baka isipin niyang kinikilig ako kahit totoo naman.

"Yes, you are. Excited kang maka-date ako?"

"Mukha mo." Inismidan ko siya. He then chuckled. Bakit ba bigla nalang siyang nag-aya na makipag-date? Kanina ko pa gustong itanong yon sa kanya pero nahihiya ako. Tumingin nalang ako sa daan at nanood ng mga nadadaanan namin. "Mag-ingat ka." Sambit ko. Hindi naman siya umimik.

Minutes later.

Ano 'to?! Road trip? Kanina pa siya drive nang drive pero di naman kami tumitigil. "Hoy memorize mo yung daan?" Tanong ko.

"No."

*face palm*

"Pano tayo makakauwi?"

"Ewan."

"Aa." I frowned. I checked the time at 5:30 pm na pala. Tumigil na yung van at last. Bumaba si Jester kaya hinintay kong buksan niya yung pinto sa tabi ko pero sinenyasan niya lang ako na bumaba na ko. Napaka-gentleman talaga. Bumaba ako at lumapit sa kanya.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon