Allystaire's POV
Tatlong araw na simula noong nakauwi kami. Puro text text lang muna kami kapag nag-uusap saka sa group chat. Kaso hindi ko naman nakakatext si Jester. Sa GC naman ay sasagot lang siya pag tinatanong siya. Ala una na ng hapon at wala akong ibang ginagawa kundi lumalamon sa kama habang nanonood ng tv.
"STAIRE!" Tumalon yung chichirya ko kasama ng puso ko letse. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang baklita.
"Uso kumatok!" Sigaw ko.
"Let's go?" Nakangiting yaya ni Ange.
"At saan?" Pinulot ko yung mga natapon na chichirya.
"Sa condo ni Mister mo." Sagot ni Marcy.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa condo nila Jester at Matt. Nagbihis lang ako ng t-shirt saka fitted shorts na hanggang ibabaw ng tuhod. Bigla kong naalala yung picture namin ni Kapre sa facebook kaya napalo ko si Ange.
"Hoy ano yon? Bat niyo pinost?"
"Bakit ba pinanganak kang brutal? Lagi kang namamalo mapagalit o mapamasaya." Reklamo ni Ange.
"Wala lang. Ang cute niyo ngang dalawa e. Kaya pinost naming tatlo gamit yung account ni Matt." Sagot ni Marcy. Ngumuso ako.
"Bakit ba?" Nakangiwi pa din si Ange habang hinihimas ang braso niyang napalo ko.
"E kasi nag-comment yung Jade. G-Girlfriend niya ata yun." Medyo nahihiya akong umiwas ng tingin.
"Pffft—" My forehead creased when they smiled creepily.
"You're jealous, aren't you?" Ange smirked.
"Hindi niya yun gf. Kapatid niya." Tumatawang dugtong sa kanya ni Marcy.
"Pinaglololoko niyo ata ako e. E Perez yung Jade." Depensa ko pa.
"Jade Vandorpe Perez. Jade is married at the age of 19. Pinakasal siya dahil sa business. Fixed marriage." Ange explained.
"Pero, mahal nila ang isa't isa kahit pa fixed marriage lang yun." Dugtong ni Marcy. How come na alam nila to pero ako hindi? So nagselos ako sa kapatid niya? Inaamin kong nagselos ako noon dahil sa pic nila noong Pasko. Ibig sabihin pala'y maling akala lang to.
Nang makarating kami sa harap ng pinto ng condo nila ay mabilis na pinindot ni Marcy ang doorbell.
"Di ka excited?" Ange asked sarcastically. Ngumiti lang si Marcy sa kanya. Walang nagbubukas kaya tinext na ni Marcy si Matt. Ako naman ay umupo muna sa sahig sa may pinto at nag-indian seat. Nangangalay ako kalalakad namin.
"Nasa pool area daw sila sa seventh floor." Sambit ni Marcy. Ewan ko pero ang unang pumasok sa isip ko ay si Jester na topless. Ang manyak ko na talaga. Kasalanan niya to.
Bumukas ang elevator at tumambad sami ang mga naglalakad na nakatopless.
"Uy pahingi namang kanin oh." Kunwaring nanginginig na sambit ko. Halos mga bata pa ang mga nandito at halos lahat ng lalaki ay topless. Siguro 14-23 ang edaran.
"Hooo abs!" Pinaypayan ni Ange ang sarili.
"Marcy!" Lumingon kami sa sumigaw. Si Matt na topless din. Maganda ang katawan niya. Medyo malaki pero katamtaman lang at may konting abs. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay ang katabi niya.
Syet.
Napamura ako nang walang tunog nang makita ko ang abs niya. Hindi siya ganun kalaki at maliit lang pero NASAN NA BA YUNG KANIN?! Kahit pala payatot siya ay nakakainlababo pa rin ang katawan. May konting muscle din ang biceps niya tapos basta ang ganda kahit payat. Bagay sa kanya. Ayoko nga sa malaki ang katawan dahil parang nagiging masagwa na. Pero opinion ko lang naman yun. Ang puti niya pa at ang kinis kinis kaya minabuti ko nang isara agad ang bibig ko bago pa ako mahalata. Bakit parang ang lapit na niya sa perfection tangina.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)