Part Forty Three

184 4 0
                                    

Third Person's POV

Walang emosyon ang mukha ni Jester habang papalabas ng kotse pero mabigat ang loob nito.

"Mag-iingat ho kayo doon Serr." Bilin ni Manong sa kanya. Tinanguan niya lang ito bilang tugon. Pumasok na siya sa private plane na ipinadala ng kanyang Daddy. Hindi ito sa kanila at pagmamay-ari ng kompanya ngunit ipinadala pa dahil desidido itong pauwiin si Jester.

Habang pumapasok siya, wala siyang ibang naiisip kundi ang mga kaibigan. Sinadya niyang hindi magpaalam sa kanila. Dahil iniisip niya na para saan pa? Para saan pa kung hindi naman siya makakabalik kaagad. Mas madali din para sa kanyang umalis kung hindi siya magpapaalam. Inamin na niya sa sarili niyang napamahal na ang mga kaibigan sa kanya.

"Is there anything you need, Sir Jester?" Tanong sa kanya ng isang lalaki habang papaupo siya. Ito yung tauhan ng Dad niya na palaging inuutusan kapag involved ang pamilya. Umiling lang siya tila walang gana umimik. "Just call me, Sir, if you need anything." The man bowed and walked away.

Napabuntong-hininga si Jester at pumikit. Alam niyang mali ang ginawa niyang hindi magpaalam pero nagawa na niya. After a while, he opened his eyes and grabbed his phone. Inopen niya ang conversation ng kaibigan. Nakatitig lang siya don hangganv sa napagdesisyunan niyang magtype.

To: Cute Elf

Dwende,

Agad din niya iyong binura at tuluyan nang itinabi ang cellphone.

"Sir Jester, we're leaving in ten minutes." Naiinis na siya sa lalaking kanina pa siya kinakausap. Gusto niyang mapag-isa.

"Ugh I don't give a damn. Shut up and just fly this fucking plane. Ang ingay mo!" Wala na siyang pakialam kung ano man ang nasabi niya. Basta naiinis at naiirita na siya.

**

Three Months Later.

Andre's POV

"Hey yung shoe lace mo." Hinawakan ko siya sa braso para pigilan sa paglalakad.

"Ay nako, teka." Itatali na sana niya iyon nang pigilan ko siya.

"Let me." I volunteered. PE kasi namin ngayon at nakarubber shoes kaming lahat.

"Naks naman. Ang lakas maka-manliligaw niyan ah!" Si Marcy. Ngumiti nalang ako sa kanya. Magkaklase kaming lima dahil pinili namin na mag-GAS nalang. Mas naging close na din ako sa kanilang lahat. At kami naman ni Staire... actually walang kami. Pero I think, we're closer than before. Lagi na kaming magkasama. And she said she considers me as her bestfriend.

"Salamat." She thanked me matapos kong itali ang sintas ng sapatos niya sa kaliwang paa niya. I watched her run like a little kid papasok ng gym.

Si Jester? Wala kaming balita sa kanya. Hindi na siya nagpaparamdam. Kahit si Matt ay naiinis na. Pero parang may napapansin ako kay Matt. I don't know, maybe it's just nothing. Baka kasi nakakausap niya si Jester pero hindi niya sinasabi samin.

But still, that's just only a guess. At si Staire, pinapakita niya saming ok lang siya. But she's so transparent. Makikita mo ang lungkot sa mga mata niya everytime naoopen sa topic si Jester. Or everytime na maaalala niya ito.

Pero lagi lang akong nasa tabi niya kahit na sa mga panahong si Jester ang laman ng isip niya. Sana nga nakikita niya yung effort ko sa kanya. Kasi kahit naman na alam kong si Jester ang gusto niya, though walang nagsasabi sakin, I still hope na magbabago padin yun.

**

Allystaire's POV

Matapos ang klase ay napagdesisyunan naming tumambay muna sa favorite spot namin.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon