Part Eighty One

119 1 0
                                    

Allystaire's POV

Nauna na kong bumaba at hindi na siya hinintay. My eyes wandered to the whole place. Medyo padilim na ang langit at lumulubog na din ang araw. It's beautiful.

Nandito kami sa parang mataas na burol at kitang kita ang tanawin. Ang tanging liwanag dito sa area na to ay ang nag-iisang poste ng ilaw sa may kotse at ang city lights na nakikita namin mula dito sa taas. Tinabihan ako ni Jester pero hindi siya tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa langit kaya nagkaroon ako ng pagkakataong titigan ang side profile niya. Napangiti ako.

Mabuti nalang pala naka-jacket ako dahil medyo malamig dito. "Hindi ka man lang nilalamig?" Tanong ko.

Sinamaan niya ko ng tingin. "Naka-short ka kasi." Ang taray niya talaga. Trip ko lang mag-short today, hindi naman niya sinabi na pupunta kami dito edi sana nag-mahaba ako.

Umupo siya sa damuhan at hinawakan ang kamay ko. Marahan niya kong hinila para maupo din. Ngayon ay magkadikit na ang mga braso namin sa isa't isa. Tahimik lang kami hanggang sa dumadami na yung mga bituin sa langit dahil gumagabi na.

"Buti walang lamok." Biro ko at ginulo niya ang buhok ko.

"Don't be like that I'm trying hard for this to be romantic."

I laughed. Ang sarap sa pakiramdam nito. Kaming dalawa, sa lugar na to. Feeling ko nasa movie ako at may background music pa. After minutes of silence, nakaramdam ako ng antok.

"That star." Turo niya doon sa kaliwang bahagi ng langit. May isa doong maliwanag na star just below the moon at natatangi dahil hindi na ganoon kaliwanag ang mga bituin sa paligid niya.

"Mm?"

"Someday, that star will always look after you." Hinawakan niya ang ulo ko at tila niyakap ito. Hindi ko na alam kung ilang oras ang tinagal namin doon. Ang alam ko lang ay masaya ko dahil kasama ko siya.

**

Third Person's POV

Jester kissed the top of her head as he could not restrain himself from feeling so bad. Dahan-dahan niyang inayos ang ulo ni Staire at ipinatong sa kanyang balikat. Nakatulog na ang dalaga.

"I love you."

Sabado ngayon kaya late nang gumising si Staire. Naligo siya agad dahil lalabas siya para pumunta sa bookstore. Pagbalik niya ay sinimulan na niyang mag-review para sa actual activity niya sa monday. Kumain siya ng tanghalian pagkatapos at saka naupo. Wala na siyang ibang magawa. Tapos na siya mag-review pero tinatamad naman siya kung uulitin niya pa. At hindi niya na din magawang kumilos nang sobra dahil sa hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay hindi siya okay. Naweweirduhan na din siya sa sarili niya.

She grabbed her phone and texted him.

-Jester!!!

Nang wala siyang matanggap na reply ay tinawagan na niya ito ngunit hindi sinasagot ni Jester. "Bat hindi siya sumasagot?"

Nang mapunta siya sa call logs ay napansin niya na may missed call pala galing kay Jade. Naupo siya sa sofa at tinawagan ito.

"Ate."

"*sniff* Staire."

Nagulat siya dahil sa pag-hikbi nito. "Ate Jade. Bakit?" Bigla siyang kinabahan pero pilit niyang iniisip na walang kinalaman ito kay Jester.

"Si Jester kasi, *sniff* We're here at the hospital." Nanigas siya sa pwesto niya at hindi magawang magsalita.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon