Part Forty Nine

180 4 0
                                    

Allystaire's POV

"Sorry san?" Tanong ko. Hindi pa din siya humaharap sakin at diretso pa din ang tingin.

Of course, may idea ako kung bakit siya nagsosorry. Hindi lang ako sigurado.

"Sorry if, if I left without saying goodbye." Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ko at napakurap-kurap pa dahil naluluha na agad ang lola mo. Nakakainis kapag tinatraydor ka ng mga luha. Nasasayang lang ang effort ko sa keep your cool-thingy ko.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at iniintay nalang kung magsasalita pa siya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "Sorry if I came back like this." He bit his lip.

Hindi ako makaimik dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. Isa pa magca-crack lang ang boses ko pag nagsalita ako. "Syempre you have your reasons." Sagot ko.

"Yeah." Pagsang-ayon niya. Gusto kong itanong kung ano ang dahilan niya pero tinatamaan ako ng hiya.

"I already talked to Ange and Marcy. I decided na huli kang kausapin. And here I am, saying sorry." Saka lang siya tumingin sakin pakasabi niya ng 'saying sorry'.

Eyes can't tell lies. Nakikita ko naman na sincere siya sa mga sinasabi niya. Naluluha lang ako pero hindi naman ako naiiyak.

"Kahit hindi namin naiintindihan yung ginawa mo noon, kahit kelan naman, hindi kami nagalit sayo. Pero ayos din dahil nag-sorry ka na." Nilapat ko ang kamao ko sa braso niya at bahagyang ngumiti. Napatingin siya pero binawi niya din yun.

"N-Namiss ko kayo." Nauutal niyang sambit. Tumawa ako dahil sa itsura niyang nahihiya. He's being mushy not like what he used to be. Ang cute niya talaga kapag may ginagawa siyang nakakatawa.

Now we're good. I feel better and happier.

"Hey. It's so gay but I still managed to say it. Damn I shouldn't have said that." Bakas ang inis sa tono niya kaya pinigilan ko agad ang tawa ko.

"Bakit? Wala namang masama sa pagsasabing namimiss mo ang isang tao." Sambit ko sa kanya. I can't help it but smile. Nakakausap ko na siya tulad ng dati. I missed him.

Ilang sandali lang ay tumahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Basta ako ay dinadama ko lang at sinusulit tong pagkakataon na kasama ko siya at kausap ng kaming dalawa lang.

"I was too mad kaya hindi ako nakapag-paalam. If I do baka hindi ako makaalis." Nakatungo niyang sambit habang pinaglalaruan ng mga paa niya yung maliit na bato.

Sinasabi niya ba ang dahilan niya kung bakit siya umalis nang wala man lang paalam? Hindi ko na pala kailangang itanong.

"Bakit naman hindi ka makakaalis? Mahal na mahal mo kami no?" Biro ko sa kanya.

"No, what I mean is, kapag nagpaalam pa ko sa'yo, baka hindi ako makaalis."

Bumilis ang tibok ng puso ko. H-Hindi ko maigalaw kahit anong parte ng katawan ko.

"Ever since we became friends, you really made me happy. You're special to me." Diretso ang tingin niya sakin. Binawi na niya ito at tumingin sa baba.

"I... I didn't want to leave you. But I had to. That's why umalis nalang ako agad." I'm speechless. PUTA. "Can we start all over again?" He asked as he look at me. "As friends." He added. I smiled at him. Okay lang na friendship lang ang gusto niya. Hindi ako gaanong nasasaktan dahil masaya ako na okay na kami. Masaya ako na itinuturing niya pala akong special friend.

"Syempre. Namiss kita, Kapre." I smiled widely. His lips curved and turned into a smile.

"Dwende." Sagot niya na lalong nakapagpangiti sakin.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon