Part Eighty Eight

109 1 0
                                    

Marceline's POV

Kadadating lang ni Andre galing Canada. Dapat ay noon pa siya dadating pero na-cancel dahil may inasikaso daw siya. Ngayon ay hinihintay na namin siya ni Ange dito sa condo. Uh-huh nag-upgrade na ang Angelica naka-condo na din.

Nagpadeliver nalang kami ng pagkain dahil wala kami masyadong alam na luto saka nakakatamad. Si Leila naman, yung isa pa nilang pinsan na kasama nila ni Andre sa apartment noon ay lumipat na sa dorm.

Alas kwatro ng hapon ng dumating si Andre. May mga dala din siyang pasalubong para saming lahat. Pati kay Matt, Jester at Staire kaso nga lang wala sila. Naisipan naming uminom pero konti lang.

"How is she?" Andre asked suddenly. Si Staire yung tinutukoy niya, sino pa ba?

"Ayun. Hindi muna siya nagtrabaho para samahan si Jester sa States." Sagot ni Ange. Tumungo si Andre at nakita kong ngumiti siya pero hindi naman siya mukhang masaya.

"Naka-move on ka na ba talaga sa kanya, Andre?" Tanong ko na ikinagulat niya pero mabilis din siyang naka-recover.

"Bakit mo sinabing ok na kahit hindi pa pala?" Tanong naman ni Ange.

Sumandal siya sa upuan bago nagsalita. "I can do nothin' else. I also have come to finally
realize I've done enough naman para ipakita yung nararamdaman ko kay Staire."

"More than enough." Sabay naming sambit ni Ange.

"We all can see na they're it. You can't beat two hearts beating for each other if you only have your heart beating for the other one." He added, smiling.

"Don't worry. You'll find your girl din." Ange comforted him. Ako naman ay inabutan siya ng isa pang bote ng San Mig Light.

"Ibig sabihin ba, suko ka na talaga?" Tanong ko. Ang tagal bago sumagot ni Andre. Naghehesistate pa din siya. Akala ko dahil sa mga sinabi niya kanina ok na. Pero hindi pa din talaga.

"Hindi ako sigurado."

"Ang gulo mo Andre." Si Ange. Tumawa si Andre pero halata mong may halong lungkot ang boses niya.

Naisip kong makitulog muna dito since wala akong duty bukas sa ospital. Nanghiram muna ako ng damit kay Ange.

"Nag-usap na ba kayo ni Matt?" Tanong niya na ikinabagsak ng balikat ko. Magda-dalawang linggo na kaming hindi nag-uusap. War kami ngayon dahil nagselos ako doon sa kaibigan niya na nag-post sa twitter. Inamin naman niya na may gusto yung babae sa kanya at ang nakakainis pa e yung pinost ng babae e picture nilang dalawa na naka-kiss siya sa pisngi ng boyfriend ko.

Ilang beses na kaming nag-away ni Matt at dati pa ay umabot kami sa puntong muntik na kaming maghiwalay. Pero going strong pa din kami. Ngayon e iniintay ko lang siyang kausapin ulit ako papatawarin ko na siya. Kaya lang hindi pa din siya nagchachat hanggang ngayon.

Si Ange naman kinokonsensya ako dito. Yan tuloy, hindi na ko nakatiis. Ako na ang nag-chat kay Matt. Ang sabi niya ay ichachat niya palang ako nang bigla akong mag-chat. Napangiti agad ako dahil don.

**

Allystaire's POV

Naiiyak na ko aa. Ayoko sa lahat yung naliligaw ako ng mag-isa. Hindi ko alam gagawin ko. Makakauwi pa ba ko? Kanina pa ko lakad nang lakad dito hindi ko alam kung malapit na ba ko sa bahay o lumayo ba ko lalo. Nagdadasal na nga ako. Iniiwasan ko din na pumunta sa medyo madidilim at walang tao na daan para safe.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon