Part Twenty Three

220 5 0
                                    

Luzonian Field Academy's Juniors & Seniors Prom

Nagpatahi na ako ng susuotin kong cocktail dress. Red ang kulay ng seniors kaya naisip kong red at black ang isuot. I was the one who designed my own dress. Naniniwala akong maganda ang kalalabasan nun. Classy ang design. Backless pero sa tingin ko, ok lang naman. Ombre yung skirt and plain yung top. I'm excited but nervous as well.

.
.
.
.
.

"Done!" Pumapalakpak na sambit ni Ate Mae, yung baklang nagmake up sakin. Dito na ko nagpaayos sa bahay. Ang hassle pag sa salon pa. Light lang yung make-up pero hindi naman sobra. Tapos nakaayos ang buhok ko na para bang messy bun.

"Allystaire, nasa baba na sina Marcy. Tapos ka na ba?" Tanong ng kumakatok na si Papa.

"Andyan na!" Sagot ko.

"Ate Mae, ano? Ok na ba?" Nakangiti kong tanong.

"Of coz!" She giggled. Bumukas ang pinto at pumasok sina Mama at Papa na nakangiti. Ngumiti ako sa kanila. Siguradong ang nasa isip nila ngayon e dalaga na talaga ko. Ganon sila palagi. Kahit noong elementary night namin noong grade six.

"Ayos ba?"

Hinatid kaming tatlo ni Papa gamit yung van. Susunod nalang daw siya sa loob para maging escort ko.

"Mga ineng. Excited na ko!" Marcy squealed. Ewan pero si Jester ang laman ng utak ko sa pagkakataong to. Andyan na kaya siya? Naalala ko tuloy yung mga practice namin these past few days. Practice ng sayaw syempre. Ilang beses ko siyang nakasayaw nun dahil umiikot bawat isa at nagi-iba iba ang partners. Sayang sa cottillon dahil hindi siya officer.

The van stopped and we can already hear the music inside the hall. Pumasok na kaming tatlo na medyo nahihiya pa. Umuunlad si Mada'am Principal, ang ganda ng pagkaka-set up. Hinanap na namin yung table namin nang marating namin ang mismong gymnasium.

"Guys!" Tawag ng isang boses. Si Matt.

"Neng ayun sila oh!" Tinuro ni Ange yung table sa kaliwang parte ng lugar. Unang hinanap ng mga mata ko si Jester. Putcha ang gwapo.

Napalunok ako nang makitang dumako ang tingin niya sakin. Bigla tuloy akong naconcious. Tumango lang siya sakin nang makipagtitigan ako sa kanya. Hindi nga pala uso sa kanya ang 'hi'.

Nang makalipas ang kalahating oras, nagsalita na yung emcee. Magsisimula na yung programme. Isa-isa kaming umikot sa gitna kasama ang mga guardian namin. Sina Jester at Matt, mag-isa lang sila dahil wala naman silang guardian dito sa Pinas. Pwede naman yung ganun, saka hindi lang sila ang ganoon. Pagkatapos non, the program proceeded at nagsimula na yung mga sayaw. At as expected, nakasayaw ko si Jester. Kahit dalawang beses lang at ilang segundo lang.

"Alright guys! Nag-enjoy ba kayo? Sa tingin ko, mas mageenjoy kayo sa next part ng programme!" Pagkasabing-pagkasabi niya nun, nagsigawan na ang karamihan.

"PARTY! PARTY!"

Syempre hindi mawawala ang party party. Yun ang pinakagusto ko. Sayawan na! Nauna nang umalis ang karamihan sa mga magulang at natira ang mga estudyante.

"Sige, dahil mukhang kating-kati na kayo sa pag-party, SAYAWAN NA!" Nagsigawan ang lahat. Syempre pati kami.  Pumunta na kami sa gitna at nag-party. Tawanan lang kami nang tawanan habang sumasayaw. Sari-sari ang dance steps namin. Nagpalit ako ng fitflops para mas madali akong makasayaw. Ayos lang to walang pakialamanan.

We just danced having fun. We're not even sure if we can call those steps 'dance'.

Napalingon ako sa table namin at nakita si Jester na mag-isa. Ang KJ naman nun. Binalik ko na yung atensyon ko sa pagsayaw. After a while, the music changed into something romantic.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon