Part Seventy Eight

135 1 0
                                    

Follow me!
Here in wattpad @faustacalixta
Twt: @faustacalixta @_alexadeborja (new acc!)
Ig: @alexagericka

**

Allystaire's POV

Alas nwebe na nang magising ako. Nagpuyat ako kagabi dahil suspended naman ang klase ngayon. May kung anong holiday tungkol sa politika. Nagluto nalang ako ng cheesedog saka yung bahaw na kanin ko kagabi para sa almusal.

Dahil nakakatamad maligo, nagpunas nalang ako ng katawan at naghilamos at nag-toothbrush saka nagbihis. Pumunta ako ulit sa baba at nanonood ngayon ng tv. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext ngunit sa lockscreen ko nalang tiningnan.

Message
Matt
Staire! U free? Sabi ni Jester punta ka daw sa unit nya now na hahaha. Ten thousand daw yung passcode

Kumunot ano noo ko. Pinatay ko nalang yung tv at electricfan saka sinara ang bahay. Kung alam ko lang na papapuntahin nya ko ngayon na edi sana nagligo man lang ako. Nag-taxi nalang ako dahil alas onse pa lang at sobrang init ng araw.

I pressed the passcode at bumukas nga naman. "Jester." Pagtawag ko.

Mas maganda pa din yung unit nila ni Matt sa Syzm kumpara sa magkabukod na unit nila ngayon dito sa Rojo. Ngayon nalang ulit ako nakapasok dito. At natural, ang linis ng paligid. Daig niya pa ang babae sa pagiging malinis.

Pumunta ko sa kusina pero wala siya. "Jester." Kinatok ko ang kwarto niya pero walang sumasagot. Binuksan ko na lang ng konti. "Ang bango naman ng kwarto niya."

Bumalik ako sa living area at umupo muna sa sofa. Itetext ko pa lang si Jester nang bumukas yung pinto at pumasok ang mala-prinsipeng lalaki na talagang nagpapakumpleto ng araw ko.

"You're here." He smiled.

"Pinatawag mo daw ako." Tumayo ako at sumunod sa kanya sa kusina. May bitbit siyang plastic bag na mga canned drinks ang laman. Ipinatong niya iyon sa lamesa at hinawakan ang kamay ko. Again, hawak lang. Awkward naman kung maghoholding hands kami dahil wala lang diba? Hindi pa naman kami. Oo, PA. Hindi pa. Dahil sasagutin ko siya pag nakagraduate naman kami. Hindi naman siya mapapagod diba? Sana.

"What? I didn't."

"Eh?" Napanganga ako.

"Oo nga."

"Kasi sabi ni Matt sabi mo daw pumunta ako ngayon dito. Sinabi niya pa nga yung passcode."

"Wala akong sinabi sa kanya." He nonchalantly said. Sumingkit ang mga mata ko.

"Uuwi na ko." Nahihiya ako, at the same time naaasar ako kay Matt. Hinila ko ang kamay ko sa kamay niya pero nagpahila siya.

"Stay here. Samahan mo ko." Hindi ako agad nakasagot. Ang l-lapit niya kasi.

"Ayoko." Diretso kong sagot sa kanya.

"Gusto mo." He pouted. Jusko.

"Ayoko."

"You'll stay."

"Uuwi na ko."

"Samahan mo nga ako."

"Bitaw na." Pagmamatigas ko pa. Nahihiya lang talaga ako.

"Please?"

"Basta uuwi na ko. Wag kang makulit."

Ang hirap labanan ng mga mata niya.

"JESTER nasan yung paminta???" Sigaw ko mula dito sa kusina. Heto nagluluto na ko ng adobong manok para sa tanghalian. Mabuti nalang nagpaturo ako kay Mama noong bakasyon lang.

Dumating siya at siya ang kumuha ng paminta. "Are you blind?" Hindi naman mataray ang pagkakasabi niya pero hindi din malambing.

"Sorry naman." Natatawa kong sagot. Nasa may harap ko lang pala hindi ko agad nakita. "Ge bumalik ka muna don tatawagin nalang kita. Gagalingan ko promise. Nakakahiya naman kasing magluto ng hindi masarap sa katulad mo." Umidap ako. Ang galing galing niya kaya magluto. Pwede na siyang maging chef.

Kunwari hindi pa ko tapos magluto. Pero ang totoo ay naghahain na ko. "Jester halika na!" Sigaw ko. Inayos kong muli yung pagkakahanay ng pinggan saka baso. Narinig ko na ang footsteps niya kaya nag-angat na ako ng tingin. "B-Bakit ba nakahubad ka na naman mag-tshirt ka nga." Tumalikod na ko at kunwaring inayos nalang yung pinaglutuan ko. Dapat siguro masanay na ko sa kanya. Bakit ba kasi ang--- ugh.

"Tss. You can stare at it, Staire. It's free. Just for you." Nilingon ko siya at seryoso lang ang mukha niya pero nakaupo na siya.

"Oh kain na." Lumapit ako at umupo na din. Hindi siya gumagalaw at sa halip ay nakatingin lang sakin. Inabot ko yung kanin at pinaglagay na siya sa pinggan niya. "Tikman mo na yung adobo ko." Excited kong sabi pero medyo kinakabahan din ako.

Kinuha niya yung kutsara at naglagay ng sabaw non sa kanin niya tapos parteng pakpak nung manok. *lunok*

Sumubo siya at ngumuya-nguya. "Ano? Masarap?" I asked. Tinapos niya ang pagnguya at kinurot ang ilong ko.

"It's good." Tapos ngumiti siya.

Ngumiti din ako ng pagkalaki-laki. Ang dami niyang nakain. Ubos nga naming dalawa yung kanin na sinaing niya.

Habang nagbibihis si Jester sa kwarto niya ay naisipan kong pumunta dun sa maliit na balcony. Mahangin at nililipad nito ang buhok ko. Sumunod si Jester at tinabihan ako. Ilang minuto yata kaming tahimik na nandoon lang.

"Can I hug you?" He suddenly asked. "Can I hug you right now? Kahit na hindi tayo. Kahit na hindi pa tayo."

"A-Ang seryoso mo naman." Kunwaring natatawang sagot ko. He took a step closer to me and hugged me from the back. Hindi mahigpit ang yakap niya pero ang sarap sa pakiramdam. Unti-unting nagrelax ang katawan ko na nakakulong ngayon sa akap niya.

"When I'm with you, it's like I forget everything else. Like my day's not ending until you leave. I feel like my heart is smiling." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "I was a little late when I realized it's you." Hinawakan ko ang kamay niya bilang sagot. Maiintindihan niya iyon. "But I'm thankful that you made me realize it. I promise to make you happy more than the way you do to me. I can wait for your 'yes', Staire. You've waited for me. Now it's my turn to wait for you."

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Sobrang saya ko lang kasi. Natupad ang isa sa mga pangarap ko. My dream came true, Jester came true. He came to me.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon