Allystaire's POV
Nakahiga lang ako dito sa kama habang nanonood ng tv. Naisipan kong mag-gm (Group Message).
To: Lady Gaga, Matt, Marcy, Ange, and 4+
If I fall for you, would you fall too? 😶
Good Afternoon! Text?
Sent.
I sighed. Would you fall for me too? Psh. Bat mo naman ako magugustuhan, diba? Una, hindi ako maganda. Tapos, di ako ang tipo ng mga lalaki.
*bzzzt*
Dali-dali kong binuksan iyon, umaasang si Jester, pero bumagsak din ang balikat ko nang makitang hindi siya.
From: From Yam
Aww.
Hindi ko na nireplyan. Kaklase din namin si Yam. Maganda naman siya, morena. Pero hindi sexy. Kilala siya at sinasabing malandi raw. Mukha namang totoo kasi halatang halata. Pinatay ko na ulit yung cellphone ko at ibinalik ang atensyon sa tv.
*bzzzt*
Walang gana kong binuksan ang cp ko kasi baka kung sino lang naman ang nagreply sa gm ko.
O__O
From: Lady Gaga
Tss. Corny.
Napasinghal ako.
To: Lady Gaga
Pambasag ka
*bzzzt*
From: Lady Gaga
Para kanino yun?
SA'YO! Sa'yo! Gusto kong isigaw sa kanya yon pero syempre hindi naman pwede at hindi ko din kaya.
To: Lady Gaga
Wala. Kanta yun.
*bzzzt*
From: Lady Gaga
Liar. Bet that's for me.
Pakiramdam ko ay naririnig ko siyang nagsasalita ngayon.
To: Lady Gaga
Asa!
*bzzzt*
Okay, end of conversation. Great. Nanood nalang ulit ako ng tv hanggang sa kumatok si Mama. "Allystaire! Kumain ka na!"
"Pababa na!" Tugon ko. Tinali ko muna yung buhok ko saka bumaba para kumain ng tanghalian. Kasabay na nila. No choice na e. Magagalit kasi si Papa. Umupo na ko sa tabi niya samantalang si Mama at Lola naman ang magkatabi. Pero si Mama yung kaharap ko.
Ang tahimik. Ang awkward lalo. Kaya humiling ako na sana magsalita si Mama o si Papa.
"Staire, parating nga pala sina Tita Helen mo at mga pinsan mo bukas. Pati si Ate Carmen. We'll visit them pagkagaling mo sa school." Mama said.
Here we go again.
Si Tita Helen ang bunsong anak ni Lola Claire. Siya rin ang pinakapaborito ni Lola. Mayabang dahil sa yaman. Minamaliit pa si Mama. Tangina ang sakit panoorin non. Mas lalong masakit na wala akong magawa.
Tumango nalang ako as response.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil baka magkwentuhan pa sila tungkol sa mga pinsan ko at ikumpara na naman ako. Kala ata mga anghel yung mga yun e.
Si Tita Carmen naman, mabait yun. Yun ang nakakausap palagi ni Mama. Di siya katulad ng iba nilang kapatid na nakakainis ang ugali. Pero gusto rin siya ni Lola Claire. Pati yung mga anak niya.
"Mamaya kayo pupunta?" Tanong ni Ange. Vacant namin ngayon kaya nagkukwetuhan lang ang barkada.
"Mm." Sagot ko. Kinwento ko sa kanila yung lakad namin mamaya. Paniguradong bagot na bagot na naman ako. Apat lang kasi talaga ang ka-close kong pinsan. Puro sa side pa ni Papa. Sa side kasi ni Mama, wala halos pumapansin sakin. Kapag kinakausap nila ko... Kapag tinitingnan nila ako, pakiramdam ko, ang baba ng tingin nila sakin. Parang si Lola lang. Damn that life. I hate family gatherings. For me it sucks.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)