Part Fifty Five

176 2 0
                                    

Comment down what you think about Andre!

~

Jade's POV

I need to talk to my brother because I'm so curious na. Staire told me everything including the 'reasons' ng baby bro ko. And the reason why I'm curious is because of Staire. He wouldn't say that if Staire is just 'Staire' for him! I mean, yes sinabi niyang special si Staire sa kanya, but ugh. I'm really not good in explaining things. Sa madaling sabi nalang, I just want to know every single thing.

**

Allystaire's POV

AFTER CLASS.

"Hey, tara na kaya?" Bulong sakin ni Andre. Inip na inip na talaga siya at kanina pa nakahalumbaba.

"Sige na nga." Pagpayag ko. Ngumiti siya nang pagkalaki-laki. Masaya akong okay na siya. Kung nasan man si Holly, siguradong ito ang gusto niya para sa kuya niya.

Nandito pa kami ngayon sa field kasama ang barkada. Chikahan lang pagkatapos ng klase.

Sa tingin ko ay nakakabawi naman ako kay Andre. Kanina sa break time namin ay humiwalay muna kaming dalawa ni Andre sa kanilang tatlo. Tinreat ko siya ng sundae talos nagkwentuhan kami. Tawa siya nang tawa dahil nagpatawa ako.

"Hoy lovebirds, una na muna kami." Pagpaalam ko kay Matt at Marcy. Si Jester kasi at mukhang tulog habang nakaub-ob sa mga tuhod niya. Ang cute cute niya sa pwesto niyang yan. Parang bata.

"San kayo?" Tanong ni Marcy.

"Magda-date kami. Shut up na para mabilis." Natatawang sagot sa kanya ni Andre.

"You guys take care!" Matt waved at us. Inalalayan ako ni Andre na makatayo. Pinagpagan ko muna yung palda ko dahil may konting maliliit na damo. Saka ko sinukbit yung bag ko sa likod ko.

"Staire." Maglalakad na sana kami ni Andre nang magsalita si Jester.

"Bakit?" Tanong sa kanya ni Andre. Tumingin lang ako sa kanya at hinihintay siyang magsalita.

"Sh-She has to come with me." Umiwas siya ng tingin.

Magsasalita sana ako nang maunahan ako ni Andre. Hinawakan niya ang braso ko at humarap kay Jester.

"Why?" Andre asked again. Nilingon ko sila Matt at Marcy pero parang nagtataka din sila habang nakatingin kay Jester. Kailangan ko daw sumama sa kanya? Wala akong ideya.

Tumayo si Jester and faced Andre. "Kukunin niya yung mga pasalubong ng kapatid ko para sa kanya." He winced.

"Then I'll go with her. After our date." Andre answered nonchalantly. "Let's go, Staire."

"But no!"

Nagulat kaming lahat. Oo, pati si Jester ay nagulat din sa pagsigaw niya. Ang surreal ng Jester na kaharap namin ngayon.

"J-Jade said I should be the one to accompany her. A-And, dapat kinukuha na niya yung mga pasalubong niya ngayon. Right now." Jester looked at him sternly.

Seriously, ano to? "Hoy." Pagtawag ko sa kanilang dalawa ngunit hindi nila ako pinansin.

"Bro, excuse me lang ha. Sa tingin ko nagiging oa ka na. Sayo na din mismo nanggaling. Pasalubong lang yon. Pwede niya yung kunin anytime. And like I said, I'll go with her. After our date." Andre said indignantly. Iba na ang atmosphere. Andre sounds annoyed. Tumayo na si Matt at Marcy mula sa pagkakaupo.

"Marunong ka bang umintindi?" Tugon ni Jester.

"I should also ask you that." Andre smirked. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Pero hindi siya tumitingin sakin.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon