Part Fifty Four

164 2 0
                                    

Allystaire's POV

Unti-unti nang nauubos ang mga bisita ni Holly. Maya maya ay uuwi na din kami. Sina Marcy, Matt at Jester nandon pa din sa may likuran. Hindi ko naman maiwan si Andre. Medyo nangangawit na ako sa yakap ni Andre pero syempre ayos lang to. Kailangan niya ng kaibigan ngayon.

"Staire." Tawag ni Jester na nasa gilid na pala namin.

"Oh?" Tugon ko nang hindi bumibitaw kay Andre. Medyo humigpit kasi yung hawak niya bigla sakin. Jester's jaw clenched suddenly pero hindi ko alam kung bakit.

"We have to go back." Walang emosyon niyang sagot at nanatiling nakatayo doon. Tiningnan ako ni Andre sa mata at bigla akong nanlambot.

Muli kong hinarap si Jester saka nagsalita. "Una na kayo. D-Dito muna ko." Nakatingin lang siya sakin at hindi umiimik. Saka siya naglakad palayo. Hindi ko nalang muna pinansin at kinausap ko na muna si Andre.

"Stay here, please." Aniya. Tumango ako at nag-half smile. Ihahatid naman siguro ako ng driver nila mamaya kaya okay lang na mag-stay pa ko.

"Salamat po." Sabi ko kay kuya driver. Kakarating ko lang galing kela Andre. Nakakailang katok na ko pero walang nagbubukas. Medyo nilalamok na ko dito sa labas saka medyo malamig.

"Marcy?" Pagtawag ko. Kumatok ako ulit pero wala talagang sumasagot. Umupo muna ako doon sa upuan sa may pinto na inupuan kanina ni Jester. Nilabas ko yung phone para sana tawagan si Marcy kaso dead-batt na pala ko. "Haish." Pagkamot ko sa binti ko na pinagpe-pyestehan na ng mga lamok.

Nakakatulog na ko sa table nang may narinig akong footsteps. Inangat ko ang ulo ko at gulat na tumingin sa paparating na si Jester. Ganun pa din ang suot niya. S-San siya galing at bakit ngayon lang siya? Diretso ang tingin niya at hindi man lang ako lingunon. Kakatok na sana siya nang magsalita ako.

"K-Kararating mo lang?"

"Yes. A girl just left me out alone. I had no idea how to go back here. Madaling araw na and I can see no people to ask to." Sagot niya nang nakatingin diretso sakin.

M-Mag isa lang ba siya kanina? Kaya pala iisa na siyang nakaupo sa likuran kanina.

Pero magdadalawang oras na nung umalis kanina si Jester. Ibig sabihin ay magdadalawang oras siyang nasa lansangan kanina at naglalakad?

Jusko ano ba tong ginawa ko? E kasi naman ayaw kong iwan agad si Andre. Ayaw ko talaga. Hindi ko naman alam na mag-isa na pala si Jester kanina.

"S-Sorry." Napatungo ako at pinaglaruan nalang yung sandals ko gamit din ang paa ko.

"Tss." Dinig kong singhal niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nagda-dial na siya sa cellphone niya saka iyon tinapat sa tenga niya. "Mm. Open this, fuckin door." Napalunok ako kasi parang nagtitimpi siya base sa tono niya. Ilang sandali lang ay bumukas na yung pinto. Bumungad samin si Matt na magulo ang buhok at mukhang antok na antok.

"Andito na pala kayo---" natigilan si Matt sa pagsasalita dahil diretsong naglakad si Jester papasok.

"San kayo sumakay?" Tanong sakin ni Matt pagkasara niya ng pinto.

"Uh." Hindi ako makasagot. Sinilip ko si Jester sa gilid ng mata ko pero mukha siyang walang gana.

"Sorry, nauna na kami ni Marcy. She wasn't feeling well and got sleepy. Kanina ok pa siya pero biglang sumama yung pakiramdam niya. Pero nagpaiwan si Jester. Sabi niya, sabay na daw kayo." Matt explained. Wala akong nagawa kundi matulala.

Two days pa lang simula nang makauwi kami galing sa burol ni Holly. Inilibing na din daw siya kahapon dahil sa kagustuhan nila Tito at Tita. Baka daw mag-breakdown lang lalo si Andre. Hindi kami nakapunta sa libing dahil kailangan na naming pumasok. Sabi namin ay okay lang na umabsent kami kaso di kami pinayagan ng mga magulang ni Andre. Maiintindihan naman daw kami ni Holly.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon