Part Sixty Two

137 2 0
                                        

Allystaire's POV

11:30 AM na at ready na din ako for 'day two in Seoul', pinili kong suotin itong napaka-cute na dress. Habang bumababa ako ng hagdan ay inayos ayos ko yung buhok ko na tila nagpapa-cute. Feeling ko lang ang cute ko today.

Umakyat akong muli at kumatok sa kwarto niya. "Jes." Tawag ko. Bumukas yung pinto at awtomatiko akong napatitig sa kanya. Bakit ba ang gwapo gwapo niya? Lalo pang nakadagdag sa kagwapuhan niya ang naka-wax at brushed up hair style nya. "Ang gwapo mo lalo. Teka." Pinihit ko ng konti yung ulo nya pakaliwa at maingat na inayos yung medyo gulong part.

"Tara na?" Yaya ko at tumango naman siya. I was about to enter the car when he suddenly held on my arm.

"It's cold. Why are you wearing a dress?"

"Uh okay lang. Sanay naman ako sa lamig." Prenteng sagot ko.

"And, tie your hair." Napakunot ang noo ko. Sabi nya, it's cold daw. Diba mas malamig pag nakatali ang buhok? Bakit niya ba pinapansin ang suot ko? Mas pumangit ba ko?

"Bakit ba?" Naweweirduhan kong tanong at nag-astang naasar.

"Bahala ka." Masungit nyang sabi at dumiretso sa kotse. Ngumuso ako saka sumunod sa kanya. Anong problema niya?

"San tayo?" Tanong ko habang nilalabas ang phone ko. Nag-selfie ako pero medyo hinagip ko si Jester. "Huy." Ani ko nang hindi sumasagot si Jester. Mukhang wala talaga siyang balak sumagot kaya napaidap nalang ako.

Nang tumigil ang kotse, napanganga ako sa nakita ko. Waa! Hindi ko mapigilan ang excitement ko kaya nakahawak ako sa braso ni Jester.

"Put these in your bag." Inabot nya sakin yung daily pass saka magic pass na lalong ikinaexcite ko.

"Teka, ikaw ba ang nagbayad? Babayaran nalang kita pag-uwi n--"

"Wag na. Besides, kay Jade naman nanggaling yung pambayad. It's okay." Napatungo ako. Nahihiya talaga ko kay Ate Jade pati na din kay Jester. Sumulyap ako sa kanya at nakatingin pala siya sakin. "Okay nga lang Sta--"

"TARA NA!" Sigaw ko at hinila siya. Nakuha kasi nung mga sumisigaw sa rides yung atensyon ko kaya hindi ko na napigilan ang excitement ko.

Una kaming pumunta sa marine aquarium. Nakakatuwa kasi nag-asaran lang kami ni Jester the whole time. At hindi pa din ako makapaniwala na napatawa ko na naman siya. Kasunod ay lumabas na din kami kasi nag-aya na ko na sumakay na sa mga rides.

"N-Namumutla ka Jester." Sambit ko habang nakatingala kami at pinapanood na magpaikot ikot ang isang to. Dinig na dinig ang mga sigaw ng mga taong nakasakay.

"You too." He answered still looking up. Halata sa boses namin na medyo kabado kami. "Tss." He turned to me. "You were so excited to ride this ugh but you seem like a scared little girl right now." Umidap siya.

"Takot ka din naman ah." Sagot ko at mahina siyang siniko.

"Well at least I didn't act nonchalantly like I was blithely unconcerned." I was stunned for a while when he put his hand on my shoulder.

I glared at him. Paano kami mage-enjoy nito kung pareho kaming takot?

Naghihintay na kami ngayon dito sa baba ng Atlantis, ito na daw ang pinakasikat na rides dito sa Lotte World.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon