Part Seventy Three

140 2 0
                                    

Allystaire's POV

Nagising ako dahil may naririnig akong mga boses sa labas. "Sino ang natutulog sa kwartong ito?" Tanong ng di pamilyar na boses.

"Aydi si Staire, yung anak mandin ni Jean. Tulog pa hanggang ngayon, tanhali na nga. Akala mo ay siya'y anak ng senador di man lang tumulong tulong. Ay siya, halika at kumain ka muna sa baba." Si Lola Claire. Mukhang may bisita. Umidap ako at bumangon. Hindi na rin naman ako  makakatulog.

Naghilamos ako at nag-listerine nalang dahil nakakatamad pa mag-toothbrush. Nang tingnan ko ang phone ko ay nagtext pala si Marcy.

From: Marcy
Neeeng. Sorry kahapon ah. Punta ko dyan mamaya patambay hehe

Ngumiti ako. Masyadong mabait si Marcy, hindi niya kaya na may malapit siyang kaibigan na galit sa kanya.

-Go lang! Magdala ka ng pagkain. Dedma natin si lola mamaya haha

Hahaha. Si Ange may lakad kasama mama niya

Inabot ko yung laptop at sinaksak yung broadband. Bakit ba kasi wala kaming wifi?

Messenger
Jester sent you a photo.

Agad ko iyong binuksan. He sent me photos shot when we were in Korea. Edited photos. Karamihan ay ako ang nasa pictures. Saka yung ilang selfie namin. Ngumiti ako dahil sa mga pictures. Ang gaganda ng pagkakaedit.

He took stolen pictures of me? That thought made me smile. Sinave ko lahat yon at dinagdag sa folder na ginawa ko. SEOUL <3

Nagreply ako kahit hindi siya online.

Staire: Late ay 😒

Nang-aasar lang naman ako pero syempre natutuwa ako. Napapangiti ako pag tinitingnan ko yung mga picture na magkasama kaming dalawa. Kailan pa kaya niya ko nagustuhan?

Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung totoo talaga. Dahil ayoko umasa sa wala pero dahil gusto kong maniwala at may tiwala ako kay Jester, maniniwala ako. Hihintayin ko siya ulit.

Lunch nang dumating si Marcy. Pinakain ko na din kawawa naman. Tapos nagkulong nalang kami dito sa kwarto ko. Nagpapatugtog ako ng love songs samantalang nagtitiklop si Marcy ng mga damit ko.

"Hindi kita mapapatawad Staire ginawa mo kong katulong." Aniya na ikinatawa ko.

"Uy nagchat si Matt." Biglang inagaw ni Marcy sakin yung laptop at inilagay sa lap niya.

"Skype tayo Staire." Pagbasa ni Marcy sa message. Sinamaan tuloy ako ng tingin.

"Hala nagtataksil na si Matt sa'yo." Biro ko.

"Kingina ka seryoso ka?" Tumawa ko dahil mapipikon na yata siya.

"Biro lang gaga. Kasama niya siguro si Jester." Pinindot ko yung skype at nag-invite nga siya ng call.

Inunahan ako ni Marcy na sagutin yon. At nakita ko din na sabay kaming nagulat ni Jester dahil sa sigaw ni Matt at ni Marcy. "BABE!" Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni Marcy. Nakakagulat.

Habang nag-uusap yung lovebirds, napatingin ako kay Jester sa screen kasi parang nakatingin siya sakin. Tumawa nalang ako ng mahina at nakita ko siyang nag-smirk.

"Allystaire mag-iingat ka don at delikado na ngayon."

"Of course Maaa." Ngumiti nalang ako.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon