Part Twenty Nine

230 6 0
                                    

Allystaire's POV

DAY 3

Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa sala. Kami nina Ange at Marcy sa isang sofa at sa kabila naman si Jester na nakikinig lang ng music sa phone niya. Si Ange ay naka-krus ang mga braso samantalang Marcy ay kulang na lang lagyan ng smoke effects ang ilong. At ako e UBOS NA TALAGA ang pasensya.

"Guys, ano na? Ready na ba kayo? Tara na nga." Tanong ni Matt na kalalabas lang sa cr. "Why do you look so pissed?" Pinukol ko siya ng bote ng Wilkins na walang laman.

"Hey!"

"Walangya ka, ikaw nalang ang iniintay, ugok!" Marcy hissed. Akmang lalapitan ni Matt si Marcy pero tumayo na siya at binatukan si Matt. "Baby mo mukha mo. Tara na!" Nagsitayuan na kami at pumasok ng van na ipinahiram sa amin ng tito ni Ange. Black ang kulay nito.

Si Jester ang nasa unahan at ako naman sa upuan na kasunod ng driver. Si Ange at Keith ay sa kasunod ko tapos si Matt at Marcy sa hulihan. Puro lovebirds, nakaka-bitter.

Gagala daw kami ngayon sabi ni Ange. May Zoo daw kasi dito. Mga 30 minutes siguro yung binyahe namin at nakarating din kami.

"Siya, pumasok na kayo at andine laang ako sa van. Mag-enjoy kayo." Mang Rod waved at us.

Palihim kong sinusulyapan si Jester. Nakakamangha talaga siyang tingan. How can someone look like that? Napaka-cool, bagay sa kagwapuhang taglay niya. He's wearing a hoodie with a shirt underneath. Ako naman ay nag-hoodie din. Sana hindi mahalatang ginaya ko talaga siya.

Nakakainggit yung dalawang lovebirds na kasama namin. Kitang kita ko sila kasi nandito kaming dalawa ni Jester sa likuran nila. Naka-cling si Marcy sa braso ni Matt at holding hands naman sina Ange at Keith. Naisip ko lang na bakit hindi pa ligawan ni Keith si Ange e MU naman sila.

Yung distansya namin ni Jester sa isa't isa ay kasya ang isang plus size na tao. Kung ang mga kasama namin ay partners, kami ni Jester ay magkalayo.

Nakarating na kami sa entrance at nagbabayad na. Hihiwalay daw sina Ange at Keith sa amin. Dapat magkakasama kaming lahat kasi akala ko ba barkada trip to? Nang umalis na sila ay naglakad-lakad na din kaming apat.

"Uy, punta tayo dun oh!" Turo ni Marcy doon sa Mime. Lumapit naman kami. Nilagyan ni Matt ng twenty pesos yung box na nasa baba nung mime at gumalaw ito bigla. Nagulat pa ko kasi sakin humarap.

"Hoy." Tumingala ako dahil sa pagtawag ni Jester.

Hindi ko namalayan na napahawak pala ko sa dibdib ni Jester dahil sa gulat.

*lunok*

Bumitaw ako nang marealize ko kung anong ginawa ko. Napatingin ako kay Matt at Marcy na nagpipigil ng tawa. Hindi ko nalang sila pinansin at inilibot ko nalang yung mga mata ko sa paligid. Nakakahiya. At the same time, nailang ako.

Kasunod naman, pumunta kami sa parrot. Nagpapicture kaming apat. Sina Matt at Marcy ay nagpapicture din ng sila lang. Sana kami din ni Jester pero syempre hindi iyon nangyari.

Kasunod naman ay lumapit kami don sa mga ahas. Si Jester ay hindi maipinta ang mukha. Tawang tawa ako sa itsura niya. Hindi lang yon nagpapahalata pero kita ko naman na natatakot siya sa ahas. I suddenly thought of a fun idea.

Binuhat ko yung isang ahas tapos habang hindi nakatingin si Jester ay pumunta ako sa gilid niya.

"Jester." Tawag ko at inilapit pa yung ahas sa kanya. Paglingon niya ay nanlaki agad ang mga mata niya.

"Hey! Get that away from me!" Sigaw niya. Ngumuso lang ako at ibinalik na sa zookeeper yung ahas habang tumatawa.

Nagpapicture ulit kaming apat gamit ulit yung cellphone ko. Pagkatapos namin sa ahas ay nag-aya si Matt sa lion. Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon dito at pinapanood yung lion. Tumingin ako sa likod at nakuha nung isang souveneir shop ang atensyon ko.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon