Part Seventy Nine

113 2 0
                                    

Allystaire's POV

One year later.

"Happy birthday!" I cheerfully greeted him. Inaya ko siya saglit na pumunta sa kwarto niya. Akala niya pa nga kung ano daw gagawin ko sa kanya siraulo. Ibibigay ko lang naman ang regalo ko. Gusto ko kami lang dalawa. Nasa labas kasi sila e.

Today is his 21st birthday. I'm so happy na kasama ko pa din siya hanggang ngayon. At ang sarap din sa pakiramdam na hinihintay niya pa din ako. Two years na siyang nanliligaw sakin. I also make ways para hindi siya mapapagod o magsasawa. Pinaparamdam ko sa kanya minsan na mahal ko siya. But I still prioritize my studies. Limited ang ginagawa namin ni Jester. Gaya ng hindi kami ganoon kadalas lumalabas.

Nakangiti niyang binuksan yung box na inabot ko. Nilabas niyang una yung polo na binili ko sa Gucci. "Pinag-ipunan ko yang lintek na polo na yan be honored!" Biro ko at tumawa naman siya. Kasunod niyang inilabas yung pastel blue na apron. Pinagawa ko yon sa isang online shop at pinacustomize. There is a small cartoon face detail on the upper left side. Poker face yung cartoon at parang si Jester. "Gamitin mo pag magluluto ka." Ngumiti ako.

Lalo akong naexcite nang nilabas na niya yung huling regalo na laman ng box. Matagal niya iyong tinitigan then smiled looking at me. It's my handwritten letter. Maiksi lang. Nakangiti niyang binuksan iyon. The whole time na binabasa niya ang letter ko, I was looking at him.

Happiest birthday, love! Tatawagin kitang love ngayon kahit hindi tayo shut up. Salamat kasi pinaparamdam mo sakin na mahalaga ako sa'yo. Salamat kasi mula noon hanggang ngayon, isa ka sa mga nagpapasaya sakin. Nandito lang ako palagi ano man ang mangyari. Ang drama ko ba? Dedma mo na birthday mo e.

I hope you spend your day being the happiest. And I promise to always make you smile. Thank you dahil nandyan ka pa din hanggang ngayon. Hintay lang ng konti pa hahaha. I promise to say yes, soon.

Ps. Payakap ako birthday mo naman

Bigla siyang ngumiti at hinila ang parehong braso ko at ipinulupot sa bewang niya. Tapos niyakap niya ko. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Maaga kaming nagsiuwian dahil pagod na daw si Jester sabi ni Ate Jade. Medyo nagtaka ako kasi parang ang weird ni Ate Jade. Pero siguro'y wala lang yon.Nag-aalala ako kay Jester pero ang sabi naman niya ay okay lang siya. Ang bilis na niya mapagod tsk. Kahit sa school. Ang liit kasi kumain e.

Third year na kami ngayon. I can't believe nasusurvive namin ang langit at impyerno ng college life. Simula nang dumating ulit si Jester sa buhay ko, mas sinsisipagan ko na pag-aaral ko di lang halata. Minsan nag-aaway at nagkakatampuhan kaming dalawa pero naaayos din naman namin. Barkada namin e going strong naman.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o hindi. Dapat maging masaya ako para sa mga kaibigan ko pero nanlulumo naman ako para sa sarili ko. Graduate na sila pero ako e isang taon pa. Bakit ba kasi 5-year course ang Architecture?

Nangangatog ang mga tuhod ko at hindi ako mapakali. Pano kasi, first time kong makikilala ang buong pamilya ni Jester. Umuwi sila dito sa Pinas para sa graduation at isasama daw nila ako. Puta talaga pamura ng isa pa tangina nakakakaba.

Ting!

"JUSKOAYANNA." Kabadong sinilip ko ang text.

4438
GLOBE REWARDS: You have earned 1 point/s. You have 21.6 rewards point/s as of today. Points earned in 20** will be valid until **/**/20** only. For a list of rewards items, text ITEMS. For a list of partner stores, text CASHPOINTS. Send to 4438 for free.

Napabuntong-hininga ako dahil hindi si Ate Jade PERO TUMUNOG ULIT AT SIYA NA NGA ANG NAGTEXT. Nandyan na daw sila sa labas help me Lord, guide me.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate at sumilip. Nakita ko ang isang black fortuner sa tapat kasunod ang isang BMW. Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko nang isa-isa silang magsibabaan. Oh my goodness.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon