Part Twenty Five

195 6 0
                                    

Allystaire's POV

To: Marcy, Ange
Mga babae. Punta daw kayo dito sa bahay. Nagluto si Mama. Pag di kayo dumating in 30 minutes, uubusin ko talaga to.

"Natext ko na Mama."

"Staire, dito ka muna. Saglit lang ako sa hardware. May pinabibili kasi ang Papa mo, nagtext. Sige na, bahala ka na dyan." Sabay labas niya. Hihiga palang ako sa sofa nang mapabangon din ako kaagad dahil sa gulat.

"Babae! Andito na kame!" Sigaw nila. Tumayo na ko at lumabas para sana pagbuksan sila ng gate pero naunahan na nila ako.

"Staire!" si Marcy.

"Oh? San si Tita Jean?" Tanong naman ni Ange nang nasa harap na sila ng pinto.

"Pasok!" Sigaw ko.

"Meron ka ba ngayon?" Tanong ni Ange nang makapasok sila ng tuluyan. I glared at her. "Paki ko ba? Hehe sige upo ka na." sagot niya sa sarili niya. Maya-maya ay dumating na si Mama.

"Hi Tita!" Bati nung dalawa.

"Andyan na pala kayo." Ngumiti si Mama.

"Ay Mama hindi, tarpaulin lang nila yan." Pambabara ko kay Mama pero joke lang naman.

"Puro ka kalokohan Allystaire. Halina kayo, kain kayo. I cooked Spaghetti and I baked cupcakes." Nagsilapitan naman kaming tatlo sa lamesa.

"Wow Tita, ang sarap niyo po talagang magluto! Thank you po pala." Pasasalamat ni Marcy.

"Welcome kayo dito anytime." Sagot ni Mama.

"Thank you po Tita." Tuwang-tuwang sabi ni Ange. Nagkwentuhan lang kaming tatlo doon habang kumakain. Si Mama kasi ay may pinuntahan ulit dahil may nag-offer daw sa kanya ng chuvaness. Hindi ko naintindihan. Siguro ay may nagpapa-bake sa kanya ng cupcakes para na naman sa isang event.

"Uy alam niyo ba, nabili ko na yung dress na gusto ko?" Ange blurted out.

"Hindi e." Seryoso kong sagot sa kanya.

"I hate you, Staire."

"I hate you too." Ngiting-ngiting sagot ko. Masaya pa rin naman kaming tatlo kahit umalis na sina Jester at Matt. Pero syempre, mas masaya kung andito sila. Dapat sa pasukan nalang sila umalis. Bakasyon palang naman e.

Flashback

"Waa! Tulong! May bakulaw na humahabol saken!" Sigaw ko sa mga kaklase ko. Naglalaro kasi kami ng habulan dito sa may field. Vacant namin kaya naisipan naming tumambay dito. Kaming magbabarkada ay nasarili sa isang tabi at naglaeo. Taya nga si Jester e. Hindi ko nga naisip na yung poker face na si Jester ay makikipag-habulan. Napilitan lang siya talaga. Yun nga lang, hindi siya maingay maglaro. Humahabol lang ng tahimik kaya matindi ang kaba na mararamdaman mo.

"Mga LETCHE kayo! Sabing tulong! Anong tinutunganga niyo diyan?!" Sigaw ko pa. E kasi naman nakatayo lang yung tatlo at nakangiti ng nakakaloko habang pinapanood kaming dalawa dito ni Jester na tumatakbo.

Hinabol ko ang hininga ko hanggang sa hindi nagtagal ay naabutan ako ni Jester. Bigla niyang hinila yung braso ko.

"Got you."

"Aa." Usal ko saka tumalikod. Ako na taya. Nang matapos kaming maglaro, umupo muna kami sa hagdan ng stage.

"Grabe ka, Staire. Ang ikli ng biyas mo pero ang bilis mong tumakbo!" si Ange.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon