Part Ninety One

108 1 0
                                    

Allystaire's POV

Lumabas ako sa office niya ng walang pasabi. Hindi man lang ako tinawag o hinabol. Pwede bang pamura ng isang malutong na tangina lang? Naiinis ako na nalulungkot.

Bago ako pumasok sa elevator ay muli akong lumingon kung hahabulin niya ba ko o hindi. Pero wala. Walang Jester na tumatakbo papalapit sakin. May nagbabadyang luha sa mga mata ko pero napigilan ko. Langyang buhay to. Mabuti nalang at iisa ako sa elevator.

Lumabas ako ng building pero wala akong mahagilap na taxi. Kaya lumiko ako at pumunta muna doon sa may mga bench.

"Kainis ka Jester." Bulalas ko sabay upo.

Bakit kamping kampi siya kay Eunice? Oo alam kong mali yung ginawa ko pero bakit? Hindi ba mali na sinubukan siyang halikan ng 'anghel' na yon?! Saka as if naman na hindi din ako sinagot ng masama ni Eunice. Bakit inintindi niya si Eunice at ako hindi? Bat di man lang niya ko magawang intindihin kung bat ko ba kinausap si Eunice sa ganoong paraan? Wag niya sabihing— leche. Wag niya sabihing gusto niya si Eunice?

Lumingon akong muli sa paligid, parang tanga na nagbabakasakaling hinabol niya ko at naguilty siya pero nakakaasar talaga wala akong nakikitang lalaking naka-black na polo na nagngangalang Jester.

Tumayo na ko at nagtungo sa may tabi ng kalsada. Uuwi nalang ako bahala na yung niluto ko don. Mabuti nalang may nadala akong pera sa bulsa ko pang-taxi. Inayos ko saglit ang jacket ko bago ako pumara.

Tinanong ko na ang address ng bahay kay Yaya Matilda noon para kung sakaling maligaw ako ulit ng mag-isa.

"Did he like it? I'm sure he did." Pagbungad sa akin ni Yaya Janina nang makapasok na ako sa bahay. "Why do you look so sad?"

"Don't I look mad?" Tugon ko.

"No you don't. You look sad. Did something happen?"

"Psh." Inis kong sambit habang nakatingin sa baba. "I'll take a rest for a while." Walang gana kong paalam habang umaakyat ng hagdan.

"Call me when you need anything."

Pabagsak akong humiga sa kama. Hindi ko alam pero naiirita talaga ko. Ayokong malungkot pero hindi ko mapigilan kaya naiirita ko. Bakit ba kasi— argh.

Nagising ako na nangangalay ang leeg. Nakatulog pala ako ng walang unan sa ulo. I checked my wristwatch pero eight o'clock na pala ng gabi. Ang tagal ko namang tulog. Nagpalit ako ng damit at bumaba. Nagugutom ako dahil hindi pa ko kumakain. Kabababa ko lang ng hagdan nang tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext.

Love <3
Eat dinner. Wag mo na ko hintayin may tinatapos lang ako.

"Psh." Kunwaring susuntukin ko yung cellphone bago ako nag-type ng reply.

-Sinong may sabing hihintayin pa kita?

Wala si Yaya Janina sa kusina kaya naghanap ako ng makakain. "Staire?"

KUMARIPAS AKO NG TAKBO PERO BUMANGGA AKO SA PADER.

"Oh my, Staire!" Lumapit sakin sina Tita at Tito.

Nahilo yata ako don.

"Are you okay?" Tanong naman ni Tito.

"Hehe pasensya na po. Nagulat po kasi ako." Nahihiya kong sagot.

"Is that so?" Tita Bettina chuckled. "We scared her." Baling niya kay Tito.

"Oh, we're sorry." Tito Jesse chuckled.

"No prob po." Ngumiti ako. Tumunog ulit ang cellphone ko, siguro nagreply na siya, pero di ko na muna tiningnan.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Tita.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon