Part Ninety Nine

116 2 0
                                    

Dedicated to my friends. Kilala niyo na kung sino kayo hahaha HELLOOOO

~

Allystaire's POV

"Ma..."

"Staire, calm down. Listen to me. Magiging okay si Jester. Anak... tahan na." Umiiyak na pagpapatahan sa akin ni Mama. Tumawag na din sina Ange at Marcy kanina at nag-aalala din sila.

"Mama... S-Si Jester, baka n-nahihirapan na siya don Ma." Hingal na hingal kong pag-iyak.

"Allystaire, be strong. Para kay Jester, anak." Hindi ko na nagawang sumagot pa at binaba na ang cellphone nang hindi napapatay ang tawag. Nakaupo habang nakaubob ako rito sa labas ng silid kung nasaan si Jester. Ilang sandali ay natigil din ang pag-iyak ko. Tumungo ako at hinawakan ang kwintas na bigay sa akin ni Jester noon.

Flashback

"Hey." He called.

"Mm?" Nandito kami ngayon sa labas ng simbahan dahil kagagaling lang namin sa misa. Mamaya ay tutulungan niya ako mag-review dahil may exam ako sa isang araw.

Nakaupo kami sa isang bench na nasa tabi ng puno at inuubos ang ice cream na binili namin. Three weeks na siyang nanliligaw sakin. Hindi siya yung tipong sobrang ma-effort na hindi pumapalya sa bawat araw. Pero mararamdaman mo namang sa bawat ginagawa niya para sa'yo ay totoo. Kahit may halong kasungitan at pagsusuplado tsk.

"Bat hindi mo suot yung necklace?" There's a bit of annoyance in his voice.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinapa ang dibdib ko. "Hala, nakalimutan ko yata sa cr kanina nung naligo ako— aray!" Napadaing ako dahil pinalo niya ang baba ko pataas. "Aa!" Ang sakit nun ah. "Pano kung nakagat ko yung dila ko? Pano kung nahulog yung ice cream?!"

"Next time na hindi mo suot yon, I'll think na hindi mo talaga ko gusto." Sumandal siya sa upuan at prenteng pinagpatuloy ang pag-ubos sa ice cream niya. "Yung ice cream pa yung inisip." Bulong niya pero dinig na dinig ko naman.

"Psh. Parang gago." Asar kong bulong at pinigilang matawa.

"Anong sabi mo?"

"Wala!"

"I heard you say g— tinawag mo kong gago?" Hindi ko alam pero natawa ako. Tumahimik kami ng ilang minuto habang pinapanood lang yung mga tao sa paligid. Jester sighed as he finished his ice cream.

Nang maubos ko na din ang ice cream ko ay sumandal na din ako. Nagdekwatro ako tutal naka-jeans naman ako. Kaya lang ay pinalo ni Jester ang hita ko at pinagdikit ang mga binti ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita. "Kanina ka pa namamalo ah. Bakit ba?!"

"Don't cross your legs like that. Hindi ka naman lalaki." Naningkit ang mga mata ko.

Ngumiti ako ng peke. "Don't cross your legs like that. Hindi ka naman babae." Panggagaya ko sa kanya. Naka-dekwatro kasi siya ng pamababae. Kala mo koreano.

"Tss. Let's go." He stood up and left me behind. Ganyan ba ang nanliligaw? Akala ko ba nililigawan niya ko? Psh.

Habang nasa kotse kami pabalik ng apartment ko ay nakaramdam ako ng antok. Nilingon ko si Jester pero mukhang seryoso siya sa pagda-drive. Pumili nalang ako ng kanta sa phone ko at pinatugtog ito ng mahina lang.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon