Part Ten

235 9 0
                                    

Allystaire's POV

Kabababa ko lang ng jeep galing school. Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay. Mabagal at mabigat ang bawat hakbang ko dahil ayoko pa talagang umuwi sa bahay na yon. Panigurado, nandon na si Lola Claire. Alas kwatro daw ng hapon dadating e maga-alas sais na ng gabi. Pumihit ako patalikod at naglakad na ulit ng normal. Ayoko pa talagang umuwi. Naisipan ko na tumigil muna ako sa ihawan ni Ate Riezel. Ikakain ko nalang to, buset.

"Ate, apat pong isaw, dalawa din pong paa tsaka tatlong na hotdog pero yung hindi tender juicy. Isa na din pong ulo." Pagi-isa isa ko sa mga binili ko.

"Ayan na ang suki ko hahaha." Natutuwang sambit ni Ate Riezel. Nginitian ko naman siya. "Staire oh, upuan. Maupo ka muna diyan." Inabot niya sakin yun at umupo naman ako. Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid habang naghihintay. Maya maya, naluto din yung mga binili ko. "Saglit hija at kukuha lang ako ng pinggan."

"Ge ate." Pagtango ko.

"Eto oh, ikaw na maglagay ng sauce para alam mo kung gano karami." At sinimulan ko nang kumain. Suminghal ako nang mapansin na ang dumi na ng uniform ko dahil sa sauce.

I'm coming out of my cage and I've been doing just fine
Gotta gotta be down because I want it all

Biglang nag-play ang Mr. Brightside ng The Killers sa music player ng tricycle sa tapat ng ihawan. Nakuha non ang atensyon ko. Sinabayan ko ang kanta sa isip ko.

It started out with a kiss, how did it end up like this
It was only a kiss, it was only a kiss!

*bzzzt*

Tiningnan ko ang nagtext and I regretted that in an instant.

From: Mama Jean
Staire, anong oras ka uuwi? Andito na ang lola mo.

Tch. Kahit di ako umuwi, hindi magtatanong si Lola kung asan ako. Wala namang paki yun e.

To: Mama Jean
Mama, may tinatapos lang ako. Mamaya na ako uuwi. Andito lang ako kina Ange. Project. Wag nyo na kong intayin.

*bzzzt*

From: Mama Jean
K

What a reply. Hind ko na iyon pinansin pa at kumanta nalang ulit.

Jealousy! Turning saints into the sea
Swimming through sick lullabies
Choking on your alibis
But it's just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes

'Cause I'm Mr. Brightside!

Tumango-tango pa ako habang sinasabayan ang kanta sa isip ko. Tinapos ko na ang pagkain ko at nagbayad.

-gala mode alone- ako ngayon

Sumakay ako ulit sa jeep imbes na dumiretso sa bahay. Maglalakad lakad nalang ako sa siguro sa bayan. Kinuha ko ang iPod ko at namili ng kanta. Narerelax kasi ako pag nakakarinig ng kantang magandang sabayan.

Lift your head
Baby don't be scared
Of the things that could go wrong along the way

Tama, Allystaire Dy. Yaan mo ang Lola mo. Hangga't alam mong wala kang ginagawang masama. Go with the flow. Gawin mo to para kay Mama at Papa.

Naupo nalang ako sa bench dito sa may mga street vendors. Mukha namang safe dito. Marami namang taong dumadaan. Ayoko pa kasi talagang umuwi e. Bumuntong-hininga ako at sumandal. Then my mind started to reminisce those damn memories.

Flashback

"Yang putris na Staire talagang yan. Ni hindi inayos ang pinaglabhan niya!" dinig kong sabi ni Lola Claire kay Mama. Nakikinig ako sa usapan nila mula dito sa hagdan.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon