Part Sixty Seven

168 2 1
                                    

DAY SIX

Allystaire's POV

Umalis kami ng bahay siguro mga 3 o'clock na ng hapon. Pareho kasi kaming nakatulog. Gumala kami ng ilang oras at ngayon ay on the way kami papunta sa hindi ko alam.

"San na next?" Tanong ko sa kanya.

"Just wait and see." Sagot niya nang hindi nagmumulat ng mga mata. Padilim nang padilim ang langit at gumagabi na.

Uuwi na kami sa isang araw. Bitin na bitin ang trip ko dito sa Seoul. Mamimiss ko sobra to.

Bumaba kami ng kotse at umaambon pala. Tatakbo na sana ko pero napatalon ako sa gulat nang akbayan ako ni Jester at pinandungan ng jacket niya.

"Tara." Malalim ang boses niya. Napakagwapo ng boses aish. Biglang tumigil ang ambon nang makarating na kami sa silong tila nang-aasar ang ulan.

"Let's go. I'm sure you'll love this." Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga lang ha." He didn't respond and when we were about to walk towards the garden (I think so), bumagsak na naman yung ulan.

Jester gently pulled me towards him para sumilong. "Damn this rain." Dinig kong bulong niya. Lumingon naman kami sa tumatakbong si Kuya Driver.

"Here, Sir. Umbwrera." Hindi siya ganoon kafluent sa english kaya di ko masyadong naintindihan pero umbrella naman sigurado yung sinabi niya dahil inabutan niya kami ng itim na payong.

"Kamsahamnida, Ajhussi." Sambit ko, nagfe-feeling koreana. Tumawa lang ako ng mahina at bumalik na din siya ng kotse. Tiningala kong muli si Jester. "Buksan mo na. Tara na don. May payong naman e." He looked unsure pero ginawa niya din.

Now we're walking under the rain. No one's speaking. He's holding the umbrella with his left hand as he's on the right side. Can I just imagine we're a couple?

Habang papalapit kami nang papalapit, nakikita kong maraming puting bulaklak. May ilang mga tao din ang nandito.

"Can you wish?" Jester suddenly asked.

"Ha?" Taka kong tanong.

"Mag-wish ka. Sana tumigil na yung ulan. I already did my part. I hella even prayed." I smiled when he looked away, getting shy.

"O-Okay." I'm clueless, pero sana tumigil yung ulan. Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay tumigil ang ulan. Sinara na ni Jester ang payong at hinawakan nalang na parang tungkod.

Muli ko siyang tiningala (dahil malapit lang siya at matangkad siya) pero mabilis niya kong iniharap sa may dibdib niya habang hawak niya ang likod ko. Niyayakap niya ba ko o ano? Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako makapagsalita.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon