Part Fourteen

212 9 0
                                    

Allystaire's POV

I grabbed my phone para sana mag-games nang nahagip ko yung Photos. Binuksan ko iyon saka ko cinlick yung picture namin. Sinave ko kasi yung picture namin noon sa Project Pie noong pinost ito ni Matt sa facebook. Napangiti ako nang wala sa oras habang tinititigan yung picture. Sino kaya ang crush niya?

Nang makita kong paparating na si Jester, agad kong binalik sa bulsa ko ang phone ko. Inabot niya sakin ang sukli ko saka yung pinabili ko.

"Salamat."

Tiningnan ko ang binili niya bago kumain. Parehas pala kami. Tatayo na sana ko para makabalik na kami sa room pero di ko pa naaangat ang pwetan ko ay umupo na siya sa may tabi ko. Mga dalawang tao ang pagitan.

Katahimikan.

Naisip kong buksan na yung burger. Malambot yung tinapay dahil chineck ko muna. Uminom ako ng coke at napa- "Aaahh." Habang kumakain ay dama ko ang pamamaga ng mga mata ko kaya medyo nakaka-distract.

"Is it your Lola?" He suddenly asked. Hindi naman ako nagulat. Panigurado, naikwento na nina Ange at Marcy dun sa dalawa. Barkada naman kami kaya siguro okay lang.

"Oo." Sagot ko.

"Why did you cry? Tingnan mo yang mga mata mo." Tanong niya sabay inom ng coke.

"Sinampal niya ko e. Masyadong makapal ang kamay niya! Umiyak ako kasi ang sakit, pakshet." Nilingon ko siya pagkasabi ko nun.

O__O

Ngumiti siya!

Ngumiti siya! Hindi nga lang yung labas ang ngipin pero ngumiti parin siya! Ngumiti din ako, hindi ko na itatago. "Seryoso na." I cleared my throat. "Pinagbintangan niya kong nagnakaw ng six thousand pesos. Tch."

"Di mo ba talaga ninakaw?" Diretso parin ang tingin niya.

"Oo naman." Sagot ko sabay inom ng coke. "Baka nga nakalimutan niya lang kung saan niya inilagay e. O di kaya nakalimutan niyang ginastos niya pala. Makakalimutin na kaya yun. Dati nga ako sinisisi niya pag napupunta sa kung saan ang gamit niya. Bakit ko daw pinapakialaman. Ni hindi ko nga nahahawakan yun. Yun pala, nakalimutan niya lang na inilagay niya pala dun. Tapos yung resibo ata yun? Pinagalitan niya si Mama. San daw niya nilagay? E yun naman pala, nasa ilalim ng unan niya. Psh."

"Dami mong sinabi. I just asked if you really didn't steal it." He hissed. "H-How does she treat you?" Bakit naman naisipan niyang itanong yon?

"Uh. Ang baba ng tingin ni Lola Claire sakin? Parang ganu---" he cut me.

"Matangkad ka ba?" Naningkit ang mga mata ko.

"Tandaan mo, hindi ka matangkad kung wala ang pandak tulad ko." Sagot ko habang dinuduro siya. Di naman na siya nagsalita pa. "Sana ang buhay, parang pag-check ng test papers. Kahit marami ang mali, tama pa rin ang binibilang. Kay Lola kasi, kahit sandamakmak pa yang mga tamang ginagawa mo, balewala. Kapag nakagawa ka ng mali, kahit maliit... ayun."

Hindi siya nagsasalita. Pakiramdam ko hinahayaan niya kong magkwento. Siguro para mailabas ko. Well, sana nga. Sana hindi labag sa kanyang makinig. "Tapos nararamdaman kong... h-hindi niya ko m-mahal bilang apo niya." Dagdag ko.

"Then why are you still happy?" Walang emosyong tanong niya.

"Ayokong mag mukhang weakling noh. Pero sa mga kaibigan ko, sinasabi ko naman. Naglalabas ng loob, ganun." Sagot ko at ngumiti. "Gusto ko na ngang matapos yon. Ayoko na." May halong lungkot na pagkakasabi ko.

"T-Turn the page." Bakit nauutal siya? Luminga-linga ako pero wala akong makitang libro.

"Jester may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"What?"

"E kasi wala namang libro o notebook dito tapos uutusan mo kong buklatin yon? May topak ka ba?"  I rolled my eyes.

"Tss."

"Anong turn the page?" Tanong ko.

"There's so much more to the book than the page you are stuck on." He said with a serious tone.

"May tissue ka ba?"

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Dumudugo ilong ko." Sagot ko na medyo nag-pout pa. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumingin ulit ng diretso.

Snobber. Pero naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Am I really stuck? Ganto lang naman ako kasi nasasaktan din ako e.

"You're strong, right? Turn the page, I believe that's better. Wag mong tambayan ang sakit." S-Si Jester ba talaga ang kausap ko? "My dad once told me. When there are so many things that can bring you down, find a reason to keep you up." He added. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"I'm strong. But I'm exhausted." Sagot ko nang medyo nakangiti at nakatingin ng diretso.

"Ooh. That's deep." Usal niya na kumukurap-kurap pa. Natawa ako sa sagot niya. Ang cute niya. "H-How do you treat her?" Baliktad naman ngayon yung tanong niya.

"Jester, curious ka sakin ah." Pang-aasar ko habang nakangiti.

"Yes."

Woah.

"Ginagalang ko pa rin siya, syempre. Mabait naman ako pagdating sa kanya, hindi ko man ginagawa ang lahat ng ikakatuwa niya. Ayoko nga. Sa huli naman kasi, mali pa rin ako."

"You gave the wrong person the right pieces of you. But you're right, you still should respect her." I clapped my hands silently. "Why don't you defend yourself?" Tanong niya.

"As I've said, I'm tired. She won't listen. Respect pa rin, I guess?"

"Nirespeto ka ba niya?" Balik na tugon niya sakin. Sinong mag-aakalang makaka-real talk ko tong isang to? Pero at least gumaan ang loob ko. "You won't defend yourself in a way na mawawalan ka ng respeto sa kanya. You'll just blow it all." Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita. "At the same time, naidefend mo sarili mo."

Pakiramdam ko hinahaplos niya ang puso ko. Pakiramdam ko, may karamay ako. "After that, stand straight. Chin up. Smile. Like what you always do." Napatingin ako sa kanya. Nakikita niya ko. Yung ako.

Jester. I smiled. Tama siya. Tama, Staire. Matatapos din to. Wag ka lang magpa-apekto. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang ipagtanggol ang sarili ko? All these years, hindi ko nai-pagtanggol ang sarili ko sa kanya.

"I know you can." Sambit niya.

O_O

"Talaga?"

"W-We know you can." Paglilinaw niya.

"Salamat."

"Pero paliitin mo muna yang mga mata mo." Mabilis niyang sambit at naglakad na paalis. Bumalik na din kami sa room pagkatapos ng real-talk session namin. Nagtaka pa nga yung tatlo kasi ba't daw ang tagal namin. Buti nalang daw vacant kundi late sana kami.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon