Part Thirty Five

209 6 0
                                    

Allystaire's POV

Ang saya pala kausap ni Ate Jade. Masakit na nga ang panga ko dahil sa kakatawa.

Nang makapasok na yung apat ay bumungad agad samin ni Ate Jade ang mga kataga nilang, 'Ang ingay niyo.' Nagpaalam saglit si Ate Jade na magbibihis lang daw siya. Tinulungan ko na siyang dalhin yung maleta niya sa guestroom. Doon daw siya magsa-stay.

Pagbalik ko sa sala ay nandoon na silang apat nagkukwentuhan. Nakita ko si Jester na nakasimangot. Ano na naman ang problema niya? Sabagay palagi naman siyang ganyan magtataka pa ba ako?

Naisipan kong tumabi sa kanya tutal iisa lang siya dun sa isang sofang inuupuan niya. "Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya nang makaupo na ko. Mga isang tao pa yung pagitan namin.

"Anong mga sinabi ni Jade sa'yo?" Walang emosyong tanong niya sakin.

"Ha? Ah kung ano-ano lang. Bakit?" Sagot ko pero hindi na siya umimik. Napakadaldal niya talaga at napakabait sa mga kausap. "Bakit pala Jade lang yung tawag mo sa kanya, ha? Dapat may ate." Tanong ko.

"Ayoko." Sagot niya ng nakatingin sa akin.

"Bad... Anyway, ang ganda niya, sobra! Ang sexy din, ang haba ng biyas." Pagkukwento ko.

Kung inggitera lang ako ay sobra sobra ang inggit ko sa kanya. Pwede nang pang-Miss Universe si Ate Jade.

"Inggit ka? Kawawa ka naman." He answered sarcastically pero poker face pa din. Lalo lang nakakaasar.

"Pinamukha mo pa." Bulong ko. Narinig ko siya na tumawa ng mahina. Pinanood kong mabuti yon kahit pa ilang segundo lang yon. Once in a blue moon niyang gawin kaya dapat i-cherish ang moment.

"Aww. You do look cute together!" Napatingin kami kay Ate Jade na nasa likod na pala namin.

"Shut up." Bulong ni Jester nang naglakad palayo si Ate Jade.

"Walang galang ka." Pabiro kong sabi sa kanya.

**

Jade's POV

I just arrived from the airport and I'm currently entering Szym Building. I already miss my lil brother and I'm craving for his face! He's quiet and not showy but we're close. Even though he doesn't open up with me. Actually, I visited him last christmas. Pero hindi ako nagtagal. Mga three days lang at bumalik din akong New York. I just wanted to see him kahit before christmas.

I don't know why he wanted to go back here in the Philippines and study. But I think and I conclude that he wants to be free and be happy before he train bilang tagapagmana ng company ng pamilya namin sa States. Kasi araw araw na siyang busy non. Pagsasabayin niya pa ang studies at training. And for Daddy's rules, bawal ang communication sa friends except Matt. Si Matt naman kasi, childhood best pal na talaga ni Jester. He's also the son of Dad's kumpare.

Noong una ay ayaw pa siyang payagan ni Mommy and Daddy na dito muna tumira sa Pinas. Pero nang naglayas siya, pinayagan na din siya. He's been gone for almost a month and he was nowhere to be found.

*doorbell*

"Hi!" I greeted.

"Ate Jade!" Matt hugged me. Pumasok ako at nakakita ng dalawang babae. Pero ang hinanap ko e yung Allystaire. I saw her picture with my brother sa facebook. And I'm happy with it. Jester is not the type of person na hihiga sa lap mo. Ayaw niya nga nang may kadikit sa sasakyan. Naiirita siya. Dapat may at least isang tao na pagitan. Kahit pa ako or si Mommy. Kahit pa may sakit siya at kailangang alagaan. Susungitan ka lang niya I swear.

"Hi! I'm Jade but call me Ate Jade. Jester's sister." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hello po! I'm Marcy."

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon