Part Seventy Seven

127 1 0
                                        

Matthew's POV

On my way para puntahan si Marcy sa library. Maglu-lunch na wala pa yata siyang balak kumain. Sasabihin kong itigil na muna yung ginagawa niya at kumain saglit. Nagpilit pa siya pero pumayag na din siya sa huli. Hindi yata ako natiis, I mean yung gutom.

"Si Jester oh." Tinuro niya si Jester na parang walang gana na naman ang mukha habang naglalakad sa hallway. Nilapitan namin siya at medyo tumakbo pa kami dahil ang bilis niya maglakad.

"Bro!" I called. "What's with the gloomy face?"

"Baka mahawa kami niyang aura mo ah." Si Marcy.

Hindi siya sumagot at tinalikuran kami. Marcy shrugged at me. Anong problema non? "Tanungin mo si Staire baka alam niya." Marcy suggested. "Oooh speaking if the devil, ayun si Staire!" Sinundan ko ang tingin ni Marcy then I saw Staire standing far away from here and, she's looking at Jester.

**

Allystaire's POV

Buwiset hindi ako makalapit. Inabangan ko siya kanina kung pupuntahan niya ba ko ng lunch o itetext man lang niya ko pero hindi.

"Tch." Nang nahanap ko siya kaninang lunch break ay mukhang bad mood kaya hindi na din ako lumapit. Mag-isa kong kumain ng lunch dahil lumabas sina Matt at Marcy para kumain sa KFC e nagkataong hindi ako makasabay dahil magkukulang budget ko di pa nagpapadala ulit sina Mama sa atm ko.

"Ms. Dy, why are you late?" Napa-face palm ako sa loob-looban ko.

"Sorry Sir." Tumungo ako at pumunta na sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Ang bigat naman sa pakiramdam Jester e. Galit ba siya? As in nainis talaga siya? O ang insensitive ko lang talaga.

"May extra ballpen ka, Staire?" Tanong ng katabi ko na si ewan nakalimutan ko na pangalan niya.

"Eto." Binigay ko nalang sa kanya yung hawak kong g-tec dahil wala akong gana mag-take notes ngayon.

Natapos lahat ng klase ko ngayong araw at alas kwatro pa lang pala. Mukhang mag-isa yata akong uuwi ngayon. Bagsak ang mga balikat kong tinahak ang daan palabas ng university. Inayos ko yung bag ng laptop na nakasabit sa kanang balikat ko kasi medyo nangangawit na ko. Napahawak naman ako sa tyan ko dahil bigla nalang kumulo. Isang tasa lang nakain kong kanin kaninang tanghali kaya gutom na gutom ako.

Tumigil ako nang makita ko sina Matt at Marcy na pasakay sa kotse. "NENG!" Malakas nang natural ang boses ko kaya lumingon siya agad. Tumakbo ako palapit. "Pasabay na me."

"Hinahanap ka nga namin e." Sagot ni Matt. "Tara na." Binuksan ko yung pinto sa likuran at papasok na sana pero nakita ko si Jester. Hindi siya tumitingin sakin kundi sa cellphone niya lang. Lumunok ako bago awkward na umupo sa tabi niya.

Nilingon ako ni Marcy na parang nagtatanong. I mouthed 'Galit sakin'. Pero puta lang, bulong yung nagawa ko. Nanigas ako sa pwesto ko nang makita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin na siya sakin. Sinamaan ko ng tingin si Matt nang tumawa siya ng malakas. Nag-drive na si Matt at sa wakas hindi na nakatingin sakin si Jester. Pinagpapawisan yata ako. Tapos nagugutom pa ko.

Pero this is it. It's now or never. Dapat mag-sorry ako sa kanya. Dapat suyuin ko siya kasi ako naman yung may kasalanan. Saka ayoko ng ganito na hindi ko siya nakakausap.

Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Magsasalita pa lang sana ko pero nanatili akong nakanganga dahil nakapikit na siya at nakasandal pa. Inaway away ko siya na parang nagkakarate pero syempre hindi ko pinapatama yung kamay ko sa kanya.

"Sige lang Staire." Pagtawa ni Marcy.

Yah ya! YAH! YA–

Nagmulat siya ng mga mata. Na-stuck yung katawan ko at hindi ko maibaba yung mga kamay ko. Nakanganga pa ko. Dahan dahan akong tumungo at humarap na sa bintana.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon