Part Eighty Four

123 1 0
                                    

Allystaire's POV

I pushed my baggage and wandered on the way out. San na ba ko pupunta? Ang hirap mag-isa putek ano gagawin ko?

"Sis!" Mabilis akong napalingon. "Staire!" Nakita ko si Ate Jade at si Kuya Peter na naglalakad papalapit sakin. Si Kuya Peter sinasaway si Ate na wag sumigaw pero umidap lang si Ate Jade.

Niyakap ako ni Ate Jade at tinapik naman ni Kuya Peter ang balikat ko. "How's your flight?" Ate Jade asked.

"Nakakapagod pero okay lang naman. Buti dumating kayo agad naloloka na ko." Tumawa si Ate Jade.

"Let's go?" Tumango kami kay Kuya Peter. Siya na ang naglagay ng mga gamit ko sa sasakyan. Kami naman ni Ate Jade ay nauna na sa loob.

"Ate kamusta si Jester?" Tanong ko.

"He's doing fine. Normal lang." She smiled. Nakahinga ako ng maluwag. "He misses you na. Kahapon nga lang when I visited him, nahuli ko siyang nags-scroll sa ig feed mo. Then he stared sa picture nyong dalawa. Don't worry hindi ko sinabi sa kanya na dadating ka na today."

Gusto ko kasi sana siyang isurprise kaya pinatago ko muna.

Mga 45 minutes din kami sa daan bago makarating sa bahay nina Jester. Napanganga ako dahil ang ganda. Hindi ganoon kalaki pero malayo sa salitang maliit. Kaya lang ang dilim kahit maliwanag pa ang langit. Ganito ba talaga sa America? Sa mga movies ay ganito ang mga bahay. Madidilim at parang ang lunkot tingnan kahit classy.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang pumapasok kami. Halong excitement at kaba. Nasan kaya siya? Nagpapahinga kaya yon?

"Where's my brother?" Tanong ni Ate Jade sa maid.

Nang makarating kami sa garden ay namangha ako dahil sa laki. Wala namang mga halaman kundi dalawang puno at mga bulaklak sa damuhan pero bat garden ang tawag nila? Ang weird naman.

"He likes staying here to kill time." Ate Jade said. Napatingin ako doon sa nakatalikod na malaking hanging chair ba yon? Kung chair pa bang matatawag yon. "He's there. Go?" I nodded. Umalis na siya at ako naman ay lakad-takbong lumapit. Nang mas malapit na ako ay dahan-dahan na kong naglalakad para hindi ako makagawa ng ingay.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na may mga paang lumitaw sa ilalim ng hanging chair at bumaba. Tumigil ako at parang nanigas sa pwesto ko. Nakita ko siyang sinuot ang tsinelas niya at nang humarap siya sa direksyon ko ay ngumiti ako.

Kumaway-kaway ako dahil ilang metro pa ang layo ko. He playfully smirked and motioned na lumapit ako. Tumakbo ako at niyakap siya. Ilang seconds din yung yakap kaya ngumiti ako ng malaki. Naka-chansing na naman ako.
Bumitaw ako sa yakap at ngumiti. "Surprise!"

He smiled. "I missed you."

**

Jester's POV

I turned my laptop off and went to the garden. Then I was about to take a nap when Eunice came.

"Can we talk?" She suddenly asked in the middle of silence. She sounds gloomy.

"Of course."

"I still love you. Jester it's still you." She stood up and faced me.

I already expected this.

I sighed and looked away. "I knew. But please, Eunice. For yourself, forget me. Forget you've been in love with me." I was harsh saying that but I can't think of anything else right now. She told me na everything's fine with her now. Does this mean lahat ng napag-usapan namin at sinabi niya na okay na sa kanya are all lies?

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon