Part Sixty One

169 4 0
                                    

Third Person's POV

Busyng-busy si Staire habang kumukuha ng litrato sa view. Hindi niya namalayan na wala na pala siyang katabi.

"San na yun?" Tanong niya habang nililibot ang tingin. Natigil siya sa bandang kaliwa dahil nakita niya si Jester na may kausap na lalaki. Lakad-takbo siyang lumapit ngunit nahulog ang sombrero niya.

Bumalik siya pero huli na. Naapakan na ito ng mga tao. Balak niya sanang habulin yung taong nakaapak dito pero agad din naman niyang naisip na aksidente lang yon at marahil ay hindi napansin kaya hindi ito humingi ng pasensya.

Agad agad niyang pinulot ang sombrero at napanguso. 'Huhu ang dumi na.' sabi niya sa isip niya habang nagmamaktol.

Lumapit si Jester kay Staire dahil napansin niyang nakatayo lang ito sa daanan. "Staire." He called. Lumingon naman ito pero ng nakasimangot. "What's wrong?" He asked with his forehead creased.

"Tingnan mo." Inabot ni Staire ang cap nang nakasimangot. Inaamin ni Jester sa sarili niya na natatawa siya sa itsura ni Staire pero hindi nalang niya pinapakita. "Naapakan." Dagdag ni Staire. Sinubukang punasan ni Jester ang sombrero gamit ang kamay niya pero ayaw nang matanggal ng dumi.

"Wag mo nalang suotin." Ani Jester.

"Pero--" Nagdalawang isip si Staire kung sasabihin niya ba. Sa huli, "H-Hindi na tayo pareho. Ikaw nalang yung may cap. Di na sweet tingnan." She sadly stated which surprised Jester.

"Y-You're acting like a child, Staire." Naiilang nitong sagot.

"Saka ikaw ang namili nito, tapos ayan nadumihan na." Pagmamaktol pa ni Staire.

"Pwede mo namang labhan."

"E hindi na nga tayo pareho!" Hindi sumagot si Jester at sa halip ay napabuntong hininga. 'You're unbelievable.' isip niya.

"Pabyaan mo na nga. Ano ba bang magagawa mo dyan." Staire got pissed off. Inagaw niya ang sombrero mula kay Jester and walked away but Jester pulled her waist closer to him.

Without letting Staire go, he removed his cap and took away Staire's from her hands.

"There." He said. "Pareho na ulit tayo."

And so Staire is speechless. Naghalo halo na. Nagagwapuhan dahil sa magulong buhok ni Jester, kinikilig dahil sa posisyon nilang dalawa at tumatalon ang puso niya.

Kumain sila sa sky lounge at nag-ikot ikot saglit. As expected, Staire was so playful and unique. Habang papauwi, dumaan sila sa Namsan dahil sinabi ng driver na magandang sumakay sa cable car ng ganitong oras.

"T-Teka parang n-nakakatakot." She said, shivering. Hindi alam ni Jester kung pano mawawala ang takot ni Staire. Iniisip niya kung anong sasabihin niya.

Saglit na iniwan ni Jester si Staire sa tabi para humingi ng paumanhin. "Just a minute." He told the personell who assissted both of them. Then he faced Staire. "Alam mo bang nakakaabala ka? You insisted na sumakay tayo dito. Face your fear." He nagged.

"E sorry na. Takot lang talaga ko sa heights." Staire pouted. Jester sighed out of dreariness. He somehow felt guilt.

"J-Just, ugh." He obviously doesn't know what to do. "I'm here. Just, hold my hand." She didn't respond so Jester decided to hold her hand first.

**

Allystaire's POV

Kasalukuyan na kaming sumasakay ni Jester. Hindi ko alam kung anong tawag dito. Cable car yata.

Kinakabahan lang naman talaga ko. Hindi naman ako as in natatakot. Pero nakakatulong ng malaki na hawak ni Jester ang kamay ko hanggang ngayon. His hand feels so warm.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon