Part Nine

227 8 0
                                    

Allystaire's POV

Time check. 7:03 pm

Naisipan kong mag-facebook muna. Hindi ako famous pero nakaka-100 plus likes naman ako... Sa profile pic lang.

19 notifications
5 messages
5 friend requests

Isa sa friend requests si Matt. Cinonfirm ko naman yun agad. Di ko alam kung bakit pero na-disappoint ako nang hindi ko makita ang pangalan ni Jester dun. Aish. Lalakasan ko na ang loob ko. Ia-add ko na lang siya.

Tinype ko ang Jester Vandorpe at lumabas naman agad. Ang gwapo niya sa dp niya beh. Pero as usual, he's wearing his poker face again.

(⌒_⌒)

Pipindutin ko palang ang photos ng may tumawag.

"Allystaire! Bumaba ka na diyan! Kakain na!" Dinig kong sigaw ni Mama mula sa baba. Pinindot ko nalang ang add button at pinatay ko na muna ang phone ko. Pinatay ko na rin ang tv at bumaba. Iniwan kong nakabukas ang pinto dahil madalang ko talaga yun isara.

"Anong ulam, Pa?" Tanong ko kay Papa na nakaupo na.

"Sinigang, kumain ka na diyan." Sinimulan ko nang kumuha ng kanin.

"Siya nga pala Staire..." Saglit siyang tumigil. "...dadating na ang Lola mo." Sabi ng papalapit na si mama habang nilalapag ang pitsel ng tubig.

Psh. Bakit? Mawalang galang na pero hindi ba pwedeng dun nalang siya sa Zamboanga kasama sina Tita?

"Matutulog na ko." Paalam ko at nilapag na ang kutsara at tinidor. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Sensitive sina Mama kaya siguro alam na nilang nawalan ako ng gana dahil sa pagdating ni Lola.

"Hayaan na muna natin siya." Dinig ko pang sabi ni Papa habang umaakyat ako ng hagdan. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ko, huminga ako ng malalim. At padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko. Babalik na ulit si Lola. Back to my old damn life. Binuksan ko ang tv at humiga. Napamura ako ng paulit-ulit. Nakakaramdam ako ng lungkot. Hanggang sa nakaramdam ako ng mainit sa pisngi. Hindi ko namalayan na may tumulo nang luha sa mata ko. Kainis.

Kinuha ko ang phone ko para sana malibang. Pagkabukas ko, may isang bagong notification. Suminghot pa ko habang umiiyak bago tingnan yon.

Jester Vandorpe accepted your friend request.

Yes! ( ^∇^)

Sa sandaling yon na umiiyak ako, napatawa nalang ako. Isang notification lang sa kanya, sumaya ako kahit sandali. Nag-log out na ko at nanood nalang ng tv. Bumaba ako ng hagdan ng nakabagsak ang mga balikat.

"Staire, papasok ka na?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako. Palabas na sana ko ng pinto ng may humawak sa braso ko.Nilingon ko si Mama. "Anak, pagpasensyahan mo na ang Lola mo..." Malungkot na sabi niya.

"You said that for like a million times and I've been doing that for years, Ma." Seryoso kong sagot na may konting diin pa sa 'for years'.

"I know. I'm sorry..." Nakikita ko namang sincere si Mama at na malungkot siya para sakin e. Alam ko ring naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa.

"Let's just go with it. Wala na tayong magagawa sa pagtrato ni Lola sakin." Hindi ko na inintay pa ang sagot ni mama at tuluyan nang lumabas ng bahay. Dumiretso na ako sa booth namin. Andun na rin sila.

"Good morning!" Bati ko sa barkada nang maibaba ko ang bag ko.

**

Marcy's POV

"Good morning!" Bati sa amin ni Staire. Hindi ako sumagot kahit ngiti. Wag mo kong ngitian ng ganyan Allystaire. Kilala kita. Iba ang emosyong pinapakita ng mga ngiti niya sa mga mata niya e. Ay, sigurado akong may nangyari sa bahay nila kanina. Feel ko! Pumunit ako ng konti sa papel ko at nagsulat.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon