Part Forty Seven

202 4 0
                                        

Allystaire's POV

"We're here! Baba na kayo!" Excited na sigaw ni Ange.

Sinimulan ko nang buhatin lahat ng mga gamit ko. Napansin kong kukuhain sana ni Andre yung backpack ko nang tawagin siya ni Ange.

"Teka lang Staire ah." Paalam nya.

Medyo nahihirapan tuloy akong magdala nitong mga gamit. May dala kasi akong isang backpack na nasa likod ko na. Tapos isang mini maleta saka isang handbag at hawak hawak ko din yung phone ko sa kamay ko. Tapos dala ko pa yung speaker na medyo malaki. Magaan lang naman siya pero malaki pa din.

Kagat labi kong sinubukang mabitbit lahat. Malapit ko nang magawa pero nagulat ako nang may dumaan sa gilid ko at inagaw ang maleta ko. Hindi siya lumilingon sakin at sa halip ay dumiretso palabas ng bus habang hila hila yung blue kong maleta. S-Si Jester pala. Pinanood ko lang siya hanggang sa makababa na siya. Tinulungan nya ba ko?

Pumasok na kaming lahat at private hotel and resort pala tong nirent ni Ange. Buti naman para kami kami lang.

Mga nag-aayos sila ng mga gamit. Ako naman ay binaba muna yung mga bag at umupo sa bench. Biglang tumingin sakin si Jester kaya natameme ako. Ayan na naman yung mga mata niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko nang lumapit siya.

"Here." Walang emosyong sabi niya at binitawan ang maleta ko. Hindi ako nakapag-thank you dahil walang boses o salita na lumabas sa bibig ko.

Pumasok na kami sa kwarto naming mga babae. Ganun din ang ginawa ng mga lalaki. Nagbihis na din kami pagkatapos. Nag-maong shorts nalang ako at saka pang beach na top. Si Marcy ay ganon din ang suot. Pero magkaiba naman kami. Si Ange ay naka beach bra at shorts. Pero may patong naman na cover

Hindi ko naiwasang sabunutan ang sarili ko nang maimagine ko na nakatopless si Jester. Nang lumabas kami ay jusko jugigo panginoon ko. Toplessnga at naka-board shorts lang yung tatlong lalaki.

Pasimple akong tumingin kay Jester. Medyo nagkalaman na siya hindi gaya dati na payat. Sabagay kahit naman payat siya noon at ang lakas pa din ng dating. May abs pa din siya at hindi gaanong malaki. Iniwas ko na yung tingin ko at patuloy na sa paglapit sa upuan.

Si Matt ay nagluluto kasama si Jester. Naaalala ko yung mga panahon na ako yung katulong niya sa pagluto. Sana ako nalang ulit.

Si Ange saka si Marcy ay naghihiwa ng mga ewan. Si Andre naman ay nililinis yung pool. Tumingin pa siya sakin at ngumiti. Ako nalang yata yung walang ginagawa kaya lumapit nalang ako kay Andre. Anong oras na ba? 4:30 palang pala.

"Andre!" Tawag ko sa kanya.

"Yes baby?" Nakangiti siya ng nakakaloko habang hawak hawak yung panglinis ng pool.

"Wala. Uutot kasi ako kaya lumapit ako sayo." Tumawa siya. Anong nakakatawa?

Nang sumapit ang 6:30 pm ay halos tapos na lahat ng pagkain. Umakyat muna ko sa taas para kunin yung cellphone ko. Baka mamaya ay tumawag na pala si Mama. Lagot ako. Kaya lang ako pinayagan e dahil si Ange ang pinagsabi ko. Pag ako kasi ay siguradong hihindi yun. Iba talaga ang kapangyarihan ni Angelica.

Binuksan ko na yung pinto at lumapit sa kama. Walang text o tawagz Tinabi ko nalang ulit yun at umupo saglit sa kama. Nanigas ako nang makarinig ako ng parang tulo ng tubig na paunti unti lang. Puta matatakutin ako.

Ilang saglit lang nang hindi ko na natiis at dali-daling lumabas ng pinto. Hindi ko na pinatay yung ilaw. Paglino ko ay bumangga yata ako sa puno. At bumagsak yun kaya nadala ako. Pano nagkaroon ng puno dito sa loob?

"Ow!" Sambit nung puno. Tiningnan ko yung puno at, TANGA STAIRE! TANGA KA.

"Naku, sorry sorry! Hindi ko sinasadya. May multo kasi dun sa kwarto." Medyo mabilis kong pagsosorry habang tumatayo. Tumayo din siya na medyo nakangiwi. "Sorry."

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon