Part Thirteen

197 7 0
                                    

Allystaire's POV

Naligo muna ko. Baka sakaling pag nabasa ang mukha ko, lumiit na ulit yung talukap ng mga mata ko.

After 123456789 years.

"Kainis." Bat ang tagal lumiit? Wala na. No choice na ko. Papasok na ko kahit ganto ko, letche. Ayoko munang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Hangga't maaari, act normal nalang muna.

"Oh Staire, anong nangyari sayo?" tanong ni Kuya Guard nang pumasok ako sa gate.

"Good morning din, kuya!" Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ay taray, ganda!" pansin ng isang estudyante sa mga mata ko.

"Paki mo." Bulong ko at tuloy tuloy lang sa paglalakad nang medyo nakatungo. Halos lahat nasa labas na ng kani-kanilang room. Recess na kasi e. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok ng classroom.

"Staire!" Tawag sakin ng mga lalaki. Tumango lang ako bilang tugon.

"Anyare dun?" Dinig ko pang tanong ni Philip habang palayo ako.

"Nakagat ng lamok!" Habol kong sagot sa kanila nang hindi lumilingon. Yes, vocal ako. Pero sa tropa ko lang. Wala akong balak ikalat sa nation ang nangyayari sa buhay ko. Dumiretso ako agad sa barkada nang mahagip sila ng mata kong... Namamaga. Umupo ako sa tabi nila at ibinaba ang bag. Tiningnan ko sila ngunit walang umiimik.

"Uhh staring is rude?" ako

"Umiyak ka noh?" Diretsong tanong ni Ange na nakataas pa ang kilay.

"We know you're not a liar." Marcy

"Psh. Magtatanong pa kayo e mukhang sigurado na kayo sa sagot niyo." tugon ko

"What happened to your eyes?" tanong sakin ni Matthew. "Siguro namamaga." Sagot ko.

"Hehe" tawa ni Matt.

Nilingon ko si Jester pero poker face lang siya.

"Sige na, recess muna ko. Mukhang nagrecess na kayo e. Nagugutom na ko." Pag-iiba ko ng usapan. Nagugutom na kasi talaga ko e. Hindi ako kumain sa bahay bago pumasok.

"A-Ah isama mo na si Jester. Di pa rin yan nagre-recess." Habol ni Matt.

O__O
.
.
.
.
.
.
.
Di pa ko nakakasagot nang tumayo si Jester at naglakad nang nakapasok na naman ang mga kamay sa bulsa. Tumingin pa ko saglit dun sa tatlo bago sumunod kay Jester.

Seriously, magkasabay ba talaga kaming magre-recess ni Jester ngayon? Tumungo ako kasi nakikita ng mga nakakasalubong ko ang mga mata ko. Lakad lang, Staire. Dedma ang kapaligiran.

╭( ๐_๐)╮

Ay aray. Bumangga ako. Nakatungo kasi ang tanga.

Tumingala ako at nakitang si Jester pala iyon. Letche, hiya talaga height ko. Baka mapagkamalan akong kapatid neto.

"Follow me." Walang emosyong sabi nito. Syempre sumunod naman ako. Nakarating kami sa tambayan ng barkada. Walang tao.

"Ibibili nalang kita ng kakainin mo."

O__O

Ibibili nalang kita ng kakainin mo.

Ibibili nalang kita ng kakainin mo.

Sapakin ako ngayon na.

"B-Bakit?" tanong ko

"Your eyes."

Ah kaya pala.

"O-okay." Sagot ko. Nilahad niya ang kanyang palad. Huh? Taka ko siyang tiningnan.

"Tss. Ayoko manlibre. Give me your money." Jester

Nagbigay ako ng singkwenta. Uy, nahawakan ko yung palad niya. "Burger saka coke mismo." Sabi ko saka siya umalis. Umupo muna ko. Pinanood ko lang ang likod niya habang papalayo siya nang papalayo.

*sigh*

"Jester..." Bulong ko sa hangin.

I'm not the kind of girl na in denial. Kapag alam kong nararamdaman ko, inaamin ko iyon sa sarili ko. Hays. Crush na ata kita.

Ewan.. Pero syempre, crush lang. Hindi ko muna iniisip yang mga love love na yan.

Ang tagal naman bumalik ni crush. LOL

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon