Part Eighty Five

124 1 0
                                    

Allystaire's POV

Now we're on a roadtrip, he intertwined our hands though his hand is too big for mine. Magtu-twelve midnight na nandito pa din kami sa kalsada.

"Jester diba dati usapan nyo na ni Tito mags-start ka na ulit sa company pagka-isang taon?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Magkahawak pa din ang mga kamay namin.

"Mm. Nagpapalakas lang ako. Now that you finally came, I guess I can start next week."

"Ahh." Ngumiti siya kaya napangiti din ako. "Ano bang posisyon mo don?" Curious lang ako. Hindi ko pa to natatanong sa kanya e.

"I'll be the financial director." Naalala ko si Kim Min Kyu sa I Am Not a Robot. Financial director ata siya don e.

Nakarating na kami sa tapat ng mga kwarto namin since magkatabi lang yon.

"Sa inyo yung company diba?" Tanong ko pa.

"Uh, technically, magkakapatid sila nina Dad na may-ari."

"Hindi ka ba sobrang mapapagod kapag nagtrabaho ka na ulit?" Inakbayan niya ko bago sumagot.

"You're worried?" I rolled my eyes. "I'm now the financial director so I don't have much to work at. Dati lang nung tinetrain ako ni Dad sobrang pagod."

"Magpahinga ka na." Bilin ko habang dahan-dahang isinasara yung pinto.

"Staire." Tinulak niya ng mahina yung pinto.

"Oh?" Bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang kanang kamay ko at hinigit ako upang yakapin. Nagpigil ako ng kilig. Hawak ng isa niyang kamay ang ulo ko at marahang dinidiin sa dibdib niya. Sa tingin ko tumagal ata ng isang minuto yung yakap kaya bumitaw na ko. "Ge na magpahinga ka na may pagyakap ka pa."

"You know I'm not satisfied with the hug." Tumawa ako dahil sa pagkakasabi niya.

Sinara ko na yung pinto sabay sabing, "Good night, Love!"

Isang linggo na ang nakalipas. Ang weird ng feeling sa tuwing gumigising ako dito sa States. Chineck ko ang oras at alas syete pa lang ng umaga. Nagligo na muna ako bago lumabas.

As usual, wala na naman akong madatnang tao. Sina Tito at Tita kasi ay maagang umaalis ng bahay. Si Jester naman ay maaga na ding umaalis simula kahapon kasi pumasok na ulit siya sa kompanya nila. Sina Ate Jade at Peter ay bumalik na sa New York.

Pumunta ako sa dining area at nagulat nang makita ko si Jester na kumakain ng breakfast. "Di ka pa umaalis?" Mabilis akong tumabi sa kanya.

"Obviously. Come here eat your breakfast." Grabe bagay na bagay sa kanya ang pormal na suot niya. Ang gwapo letche.

"Anong oras ka aalis?" Tanong ko habang pinapagsalin ko siya ng juice sa baso niya.

"Maya maya pa. You'll come with me." Mabilis akong ngumiti.

"Gegege. Bibilisan ko na pagkain ko."

May driver na nagdrive para samin. Kasama din namin yung isang nurse katabi ng driver sa una ng kotse. Minsan lang daw si Jester nagdadrive mag-isa kapag gusto niya.

Tumigil na yung sasakyan kaya bumaba na din kami agad. Tumambad sakin ang isang black and grey na building kung saan mababasa mo ang 'Vandorpe Group of Companies'. Napa-woah ako sa isip ko.

Hinawakan ni Jester ang kamay ko habang pumapasok kami sa building. Binabati siya ng guards pati ng mga mukhang empleyado dito. "Ang angas mo ah." Bulong ko kay Jester tapos ginulo niya yung buhok ko. Napapatingin yung iba sakin, itsura nila parang nagtatanong kung sino kaya ako. Nasa likod lang namin nakasunod yung nurse samantalang naiwan naman sa labas yung driver.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon