Part Ninety Seven

103 3 0
                                        

Allystaire's POV

"Aish Jester! Ang buang." Panghihinayang ko. Nandito kami sa isang claw machine at pilit na nagtitiyagang makuha yung yellow na stuffed toy.

"Damn it why is this so hard to– ugh." Pinigilan kong matawa dahil sa mukha niyang iritado na. Naghulog siyang muli ng barya pagkatapos ay kumunot ang noo para mag-concentrate.

He looks so determined to get the stuffed toy. He's slightly bowing down and is looking straightly into the claw. Huminga ako ng malalim at pumwesto sa gilid niya. "Sige lang Jester. Go! Concentrate!" I cheered. "Ayan na ayan na! Jester AYAN!" Excited kong sigaw.

"Shit." He uttered. Bumagsak ang mga balikat naming dalawa nang mahulog na naman sa claw yung stuffed toy. He faced me wearing a defeated look.

"Sino bang may-ari niyan tara irereklamo ko. Mandaraya ata yung isang yon e! Niluwagan siguro ng put... para sige lang nang sige ang paghulog ng barya ng mga tao. Aba pinahihirapan nila ang Jester ko." Kunwaring galit na sabi ko habang dinuduro-duro ang hangin. He hissed again and messed up my hair.

"Uy tara don!" Pagturo ko doon sa tatlong lalaking sumasayaw sa streetside. Pinalilibutan sila ng ilang mga tao habang pinapanood. Sinasayaw nila yung Mic Drop! Sumabay ako sa ilang mga lines na alam ko at tumawa habang sinusubukang gayahin sila. Hinawakan ni Jester ang magkabilang braso ko habang nakangiti at sinusubukang pigilan ako dahil may mga nakatingin na samin.

Sa loob ng limang araw nagpunta kami sa iba't iba pang must-have places dito sa Seoul. We took pictures, sobrang saya. Parang ayoko nang matapos to. Bumalik din kami doon sa mga LED roses! Yung sa panaginip ko. Kinwento ko ulit sa kanya kung anong nangyari sa panaginip ko tapos hinawakan niya ang mukha ko.

"I think I know what that means. I was standing far from you. I wanted to come to you but couldn't. I badly wanted to tell you I love you pero hindi ko magawa dahil kay Eunice." He said with a serious voice. Ngumiti ako bago yumakap sa braso niya.

"Siguro nga. Pero hayaan mo na. Ang mahalaga nasabi mo." Nakangiti kong sagot.

And, tonight is Christmas! Ala una na ng madaling araw. Nandito lang kami sa bahay at magkasamang kumakain. We're here at the rooftop, enjoying the view. I was yawning when I felt him back-hugging me.

"Are you happy?" He asked.

"Sobra." Sagot ko sabay humarap sa kanya para yakapin din siya. Pumikit ako at nag-relax sa dibdib niya.

"Always be happy, Staire."

Kumunot ang noo ko at tumingala ako sa kanya. "Bat ganyan ka magsalita?"

"Tss. Nothing." Sumandal ulit ako sa dibdib niya at hinigpitan ang yakap sa kanya.

Moments like this are the best. I wish we both could live forever. Dahil gusto kong magkasama kami habang buhay. Ako ang mag-aalaga sa kanya may sakit man siya o wala.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Nakaramdam na ko ng antok dahil nakaka-relax at saka malamig. "Wag mo kong iiwan kahit kelan ha." Inaantok kong sambit habang nakapikit. "Alam kong... ikaw lang yung lalaking mamahalin ko habang buhay. Kaya kapag iniwan mo ko o nakipag-break ka sakin, aba wala na."

"Tss. How could I break up with you? Sleep." He's caressing my hair. "I'm just here. I love you, Staire. I love you."

"Mahal na mahal kita..." Feeling ko makakatulog na ko pero nakuha ko pang tumingala at binigyan siya ng isang mabilis na halik. Hindi ko masyadong nakita kung bakit parang ang lungkot niya dahil napapikit na akong muli. Siguro ay hindi naman. Masaya naman kami e.

"Sige po Tita. Pauwi na din po kami ni Jester."

"Okay. See you later!"

"Sige po." I ended the call. Nandito na ulit kami sa States, kahapon kami dumating. Jester opened the car's door for me, wearing his poker face. Naka-shades siya ngayon at talagang ang lakas ng dating niya. Hindi ko mapigilan ang hindi siya titigan. "Bat ka na naman nag-shades? Kanina pa ko kinikilig sa kagwapuhan mo."

"You're so honest." He wrapped his left arm around my neck. Pumasok kami sa isang cofee shop. Nagpunta lang talaga kami dito para bumili ng paborito ko. Nagc-crave kasi ako kanina pa kaya dinala ako ni Jester dito. Excited nga akong umalis galing sa trabaho kanina dahil sinundo niya ko nang mag-text ako sa kanya na bumili kami ng kape.

He removed his shades as we entered. Abot-langit ang pag-idap ko nang mapansin na ang lagkit ng tingin nung babaeng nasa counter kay Jester. Pasalamat siya wala ako sa mood mang-away ngayon. Mahinang sinipa ko si Jester at tinuro yung babae.

"What?" Nagtataka niyang tanong.

"Yung babae ang lagkit ng tingin sa'yo." He looked at the girl and back to me.

"Excuse me Miss." Pagtawag niya sa babaeng kulang na lang ay ipakita ang suso niya dahil labas na labas ang cleavage niya. Anak ng. Nang-aasar ba tong lalaking to? Ang lambing pa ng boses niya! "Don't look at me like that, it's annoying." He told the girl.

Napangisi ako. Mukhang nagulat yung babae at umidap. Natawa nalang ako dahil don. Lumabas na din kami agad nang makuha na namin ang order namin.

"Craving satisfied?" He asked. Tumango tango ako.

*wang wang wang!

*police's siren

Nanlaki ang mga mata ko nang may lalaking naka-itim ang tumatakbo pasalubong sa amin at mukhang hinahabol siya ng mga pulis. Dahil sa kaba ay hindi ako makaalis sa pwesto ko. Naramdaman kong sinubukan akong hilahin ni Jester pero...

"STAIRE!" Dinig kong sigaw niya. Nabitawan ko ang kape ko at nanghina. Sinalo ako ni Jester bago pa ako matumba sa sahig, "Staire! Staire." I can see fear from his eyes. "Staire look at me." He held my face.

"J-Jester." Nanghihinang sambit ko. I heard him curse bago ako buhatin at mabilis na pinasok sa kotse. Nang hawakan ko ang tagiliran ko ay nanginig ako dahil sa dugo sa kamay ko. "O-Okay l-lang ako. Jester b-baka mapa—mapano ka."

"How can you worry about me at this moment?!"

**

Hi, I decided to cancel the 'Al Series'.

**

Feel Free to Vote and Comment!

Thank you!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon