Allystaire's POV
I miss the view of him, walking towards me wearing his uptight look. Him wearing the apron I gave him while cooking. Him brushing up his hair, him topless. Ang manyak ko na. He made me like this I swear.
Lumapit ako sa pinto para tingan ang itsura ng kwarto ko. Nag-decorate ako ng bago to make it simpler but nicer. Inayos ko din ang picture frame kung san nakalagay ang litrato naming dalawa na nasa bedside table ko.
Yung shelves kung san nakalagay lahat ng stationery supplies na ibinigay sakin ni Jester noong high school pa lang kami ay nilinis ko at inayos. Hindi ko pa din yon ginagamit at nakadisplay lang. I don't want them to look bad dahil lang sa careless na paggamit ko. Dinala ko nalang ang ilan sa mga iyon dito sa probinsya para meron din dito sa kwarto ko dito. Pagkatapos kong magredecorate ng kwarto ay nag-meryenda ako sa baba.
"Nasaan si Mama mo?" Tanong ni Lola Claire na bumababa ng hagdan. Nanonood ako ngayon ng tv dito sa sala.
"Ay, hindi ko po alam." Sagot ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay dumiretso sa kusina. Hindi ko alam kasi kanina pa wala si Mama. Hindi din siya nagsabi kung saan siya pupunta.
Maya maya ay lumabas na ulit si Lola. "Staire, saan inalagay ni Papa mo yung susi ng bodega?"
"Hindi ko po alam." Sagot ko.
"Ee wala ka namang alam ay, wala kang naiintindihan." Pagtataray niya. E hindi ko talaga alam e. Alangang sumagot ako ng hindi naman totoo edi lalong nakakagalit yon?
"Hindi ko naman po talaga alam wala naman pong nababanggit si Pa—"
"Tamo at mangangatwiran ka na naman. Hala. At hindi ako mananalo sa iyo." Masungit niyang sabi at umakyat na ng hagdan. "Kung ikaw ay natulong-tulong. Tumayo ka dyan at maglinis ka hindi yang nakahilata ka diyan sa sofa."
Nang sumara ang pinto ng kwarto niya ay napaidap ako ng bongga. Mali bang mangatwiran? Buong buhay ko, alam kong palagi nalang akong nangangatwiran. Kaya nga ako tinawag na attorney ng mga kaibigan ko dahil sa pangangatwiran ko. Pero yon ay dahil alam kong may katwiran ako. Pag may katwiran, ipaglaban mo.
Anong bago? Yung mali ko na naman yung nakita niya samantalang dinaan-daanan niya pa ko kagabi habang nagwawalis ako.
"Staire gusto mo ba ng meryenda, papunta ako sa bakery sa kanto." Tanong ni Ate, yung kaisa-isa naming kasambahay na minsan lang pumupunta dito kapag pinapatawag.
"Sige ate. Spanish bread sakin." Nagbukas ulit ako ng messenger at sa wakas ay may reply na si Jester. Active now siya kaya napangiti ako.
Love <3
Bumalik ka na dito.
-Hoy kamusta ka na dyan? Anong sabi ng doktor?
Love <3
He asked me where you are. Kasi mas maganda daw ang response ko sa medication kapag kasama kita. At hindi daw ako katulad ng dati na 'blank face'. That's true Staire. He fucking noticed it.
-Ang ganda naman ng 'i miss you' mo.
Love <3
I have a meeting in a few. Call me
-Okay. Ingat ka wag magpagod.
Hindi na siya nagreply at sineen lang ako. Siguro ay busy nga siya. Sabagay, sa aming dalawa siya talaga ang seener psh.
Maya maya ay dunating na si Papa galing sa munisipyo. "Anak, ibili mo nga ako ng paracetamol diyan sa botika."
"Nilalagnat ka Pa?"
"Oo. Heto pambili." Tinanggap ko yung pera pero umakyat muna ako sa kwarto ko para tingnan kung may biogesic pa ako sa medicine kit ko kaso ubos na.
"Matulog ka na muna Pa. Tapos dadalhin ko nalang yung gamot sa kwarto mo pati pagkain na din para may laman ang tyan mo bago mag-gamot. Punta na ko!" Paalam ko sabay takbo palabas.
Hindi na ko nagdala ng payong kahit sobrang init. Sanay na ko. Habang nakatanaw ako sa mga nakadisplay na gamot ay hindi ko maiwasang isipin si Jester. Hindi ko siya nakikita kaya mas nag-aalala ko.
Buong maghapon ay nagbasa-basa na lang ako ng mga libro para sa board exam. Kailangang makapasa ako. Hindi ko talaga alam kung bakit nakapasok ako sa kompanya ng kakilala ni Miguel dahil hindi pa naman ako nakakapasa sa board. Kung sabagay, parang trainee lang ang peg ko don pero ang laki ng sweldo.
Alas singko ng madaling araw dito sa Pilipinas ay nagising ako dahil nag-ring ang phone ko. Sinadya kong naka-connect ang phone ko sa wifi para macontact ako ni Jester. Pinagalitan nga ako dahil di daw ako tumawag kaya siya na yung nauna. Loko-loko. Kaya nakatulog ulit ako pagkatapos naming mag-usap. Kinulang yung tulog ko pero mas mahalaga sakin na makausap siya.
"Staaaire." My forehead creased as I woke up. "Gising na." Malambing ang boses niya.
"Uy." Sambit ko nang imulat ko ang mga mata ko.
Ngumiti siya ng pagkalaki-laki, tumayo ito at umupo sa may study table ko. "Good morning." Bati niya. "Bumangon ka na. Sasamahan mo pa ko kay Holly."
"Inaantok pa ko." Reklamo ko at niyakap muli ang paborito kong unan.
"Nagdala pala ko ng breakfast."
"Tanghali na kaya dapat bumangon na." Mabilis kong tugon at bumangon mula sa kama. Pagkatapos ay kinain ko na yung pagkaing dala ni Andre. "Aber paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?"
"Pinapasok ako ni Tita Jean. Wala si Lola mo nagsisimba daw."
"Ahh."
"Ang cute mo." Andre suddenly blurted out. Katatapos ko lang magligo at magbihis. Dito ko na siya pinaghintay sa labas para diretso na.
"Eh?"
"Ang cute mo dyan sa suot mo, sabi ko." Dugtong niya. Agad naman akong lumakad na animo'y nasa isang runway show. At pumose ng kung ano-ano diretso papasok sa kotse at iniwan siya dahilan para tumawa si Andre.
"Kakaiba talaga tawa mo e noh?" Natatawa kong sabi nang makapasok na din siya sa driver's seat. He laughs like he's not a man pero cute naman.
Dumaan kami sa flower shop para bumili ng daisies saka tulips. Iyon daw kasi ang paboritong mga bulaklak ni Holly. Kitang kita ko na ang lungkot ng mga mata ni Andre pero nakangiti niyang kinakausap ang kapatid. It was my dream to have a little brother. Gustong gusto ko magkaroon ng kapatid pero hindi na nabiyayaan sina Mama at Papa.
"Miss ka na ni Kuya." Andre said while picking up the leaves that blocks Holly's name one by one.
Natatandaan ko, fourth year high school, hindi pa ganoon katagal mula noong umalis si Jester ng walang paalam. Napansin ko lang na excited si Andre at may bitbit pang stuffed toy. Sabi ko sasama ako sa kanya. Tetestingin ko lang kung sa babae siya pupunta kasi curious lang ako. Hindi naman talaga ako sasama kasi baka nga sa babae. Pero ngumiti pa siya at hinigit na ako pasakay ng taxi.
Yun pala ay bibisita siya kay Holly sa ospital. Nang una akong makita ni Holly ay agad siyang ngumiti sa akin. Her smile was exactly like Andre's. Nakipaglaro ako sa kanya at tuwang tuwa naman siya. Sabi niya pa sakin, "My Kuya will miss me. Kaya be with him, Ate. Kasi happy siya pag kapag kasama ka niya." Hindi ko alam kung bakit naiyak ako dahil sa sinabi niya. Siguro ay na-touch ako kay Holly lalo na kay Andre.
Hindi ko lubos maisip na bakit ako minahal ni Andre? Ang swerte ko. Pero hindi ako yung deserving para sa pagmamahal niya. At hindi ko din masusuklian yon kasi mahal ko siya bilang kaibigan ko.
At isa pa, si Jester lang ang mahal ko. Mula noon hanggang ngayon. I can't imagine myself liking someone else. I feel like I'm so sure about him. Like I'm ready for pain. I know he's the one. That's love. I believe that's it.
**
Feel Free to Vote and Comment!
Thank you!
-faustacalixta
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)