Allystaire's POV
"Andito lang ako." Ani Jester nang nakatingin pa rin ng diretso.
"A-A-Ahh o-okay." Why the hell am I stuttering? At bakit yon ang sinagot ko?
Tumingin ako dun sa tatlong bibe at mga nakangiting aso amp! Hindi ko na sila pinansin at baka manukso lalo.
At sabay sabay nga kaming naglakad. Para kaming yung magkakaibigan sa mga movies.
Pose! *click!* Pose! Oh pak! *click!* Pak!
Syempre imagination ko lang yon. "San ba tayo sasakay?" Tanong ni Ange.
"Sa sasakyan nalang namin ni Jes. Itetext ko na si Manong na andito tayo sa gate." Suggestion ni Matt. Buong byahe, walang umimik. Mga busy sa kanya-kanyang cellphone. Katabi ni Manong si Ange para maituro nito kung saan. Tapos kaming dalawa ni Marcy sa kasunod na upuan. At sa pangatlo naman sina Matt at Jester.
**
5:30 ng hapon ay on the way na rin kami pauwi. Inihatid din kaming mga babae sa kanya-kanyang bahay. Nalaman din namin na magkasama pala si Jester at si Matt sa isang condo unit. Wala daw kasi silang bahay dito sa Pinas dahil pinagbenta na nang lumipat ang pamilya nila sa States. Dun na din daw sila ipinanganak.
**
FOUNDATION WEEK
"Bayad po." Abot ko kay ate nung bayad ko.
Maya maya lang, nakarating na din ako. Pagkababa ko, inayos ko muna ang palda ko saka ako naglakad.
Nag-hum ako ng kanta. When You Look Me In The Eyes by Jonas Brothers
Maraming nakakalat na estudyante ah. Simula na nga pala ng Foundation Week. Nakatayo na rin ang booths. May Jail Booth? Valentines na ba? Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at tinuloy ang pag-hum ng kanta. Hanggang sa nakaramdam ako ng presensya sa katabi ko.
Dahan-dahan ko iyon tiningnan. Puta. Bumilis na naman ang tibok ni baby heart. Why oh why?
Uy, kakakanta ko lang ng When You Look Me In The Eyes... titingin ka naman ng ganyan. Nakakatunaw. Ngumiti ako nang palihim at sigurado naman akong hindi niya nakita yon.
Ewan ko pero pag naiisip kong kasabay ko maglakad si Jester, parang ang saya saya ko. Kahit pa alam kong maraming nakatingin at nagbubulungan, parang... dedma lang. Siguro kasi natutuwa lang ako sa kanya kasi hindi na siya nakakainis gaya ng dati. Oo Staire, yun lang yung dahilan. Sana naman hindi na dumating ang araw na mainis na naman ako sa Jester na to.
Nang makarating na kami sa room, may mga nanuksong ilan pero hindi ko nalang sila pinansin kasi baka isipin pa nilang affected ako. E wala naman akong gusto kay Jester e. Ang suplado. Gusto ko kasi sa isang lalaki, thoughtful, maalaga. Lagi akong pinapasaya. Ganun. Kahit di gwapo, basta may puso. Ako pa ba magiging choosy e aware naman akong hindi ako maganda. Pero di rin naman ako pangit noh. Sakto lang.
Nagstay muna kami sa room kasi maaga pa naman at nagkwentuhan. Maya maya,
"Tara na, nasa baba na halos lahat. Bumaba na rin si Marcy sa souveneirs booth." Aya ni Ange. Sumunod naman kami nina Jester at Matt.
"Hoy Staire, ikaw magaling sa pagkuha ng customer. Magtawag ka diyan since bungangera ka naman." Utos ni Mada'am.
Pumwesto ako sa may harap ng stall at huminga ng malalim. "Neeeeng. Bili na kayo oh!" Masayang bati ko dun sa tatlong babaeng dumaan. Lumapit naman sila sa booth.
Nakarinig ako ng tugtog sa booth namin at nakita kong nagpapatugtog si Jester. The song A Sky Full of Stars of Coldplay is playing.
Si Marcy at Matt ang nagbebenta sa customers. Si Ange naman ang in-charged sa counter. Ewan ko kay Jester pero nakaupo lang siya. Binalik ko na sa pagtawag ng customers ang atensyon ko.
"Ay kuya, tshirts. Yung foundation 2014 ang print. Bili na kayo." Nakangiti kong sabi.
**
VOTE AND COMMENT!
THANK YOU!
-faustacalixta
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)